Pagkatapos masigurado na maayos na ang ama at si Andrew, agad nagpaalam si Marga sa asawa na makikipagkita sa mga kaibigan.
Tahimik na nagmamaniho ng kotse si Marga.Direstso lang ang tingin nito sa daanan.
Pagdating niya sa hide-out na sinasabi ni Marisol halos lahat napahinto at napabaling sa kanya.Bumalik ang dating nakakatakot niyang mukha.
"Marga,nasa loob na sila nag-aantay sa'yo."Saad ng isang lalaki.
"Mag-Coffee ka muna beshy para mainitan ang sikmura mo."Saad ni Marisol habang nagtitipa ng laptop niya.
"Thank you.Sigurado kayo na safe ang nilipatan nina Daddy at Matthew?"
"Yes.Walang ibang nakakaalam don kundi tayong tatlo lang."Sagot naman ni Condrad.
"Si Andrew bakit hindi mo pa pinasama sa kanila,nanganganib din s'ya ngayon."
Humigop mona 'to ng Coffee bago sinagot ang tanong ni Marisol."Walang mangyayari kay Andrew.Siya ang napili ng organization na susunod na maging leader nila.Andrew have a power more than Geneva,kaya nga pinapatay nila sina Mom at Dad dahil magiging sagabal 'to kung sakali."
"S-sandali naguguluhan ako.Paano na siya ang napili at paano na siya ang susunod?"Nalilitong tanong ni Condrad.
"Isang pure Japanese ang Lolo ni Andrew.Isa din 'tong leader ng gang dati ngunit ng isinilang ng lola ni Andrew ang mommy niya,doon nagsimula ang dagok ng buhay nila.Nanganib ang buhay ng ina ni Andrew kaya pinili niyang kumalas at bumaba sa trono."
"Pero how did they know na si Andrew ang apo."
"My god Condrad parang hindi ka pulis? Gusto mo siguro kaltokan kita diyan.Nothing impossible dahil namumuhay na tayo ngayon na halos computerized na ang lahat."Inis na saad ni Marisol.
"Ang pinagtataka ko lang Beshy.Paano nila nalaman na pumunta saglit sa bahay niyo ang mga magulang ni Andrew.Kanina pa 'to ginugulo ang isip ko.Ibigsabihin nasa paligid lang natin ang kasabwat nila."
"Yes.At hindi ko sukat akalain na nagtiwala ako sa isang traidor.Aalamin ko mona kung ano ang dahilan niya."
"Siya ba ang tinutukoy mo?" Binilugan ni Marisol ang larawan na tinutukoy ni Marga na nakadikit sa chart ang lahat ng suspect nila.
"Magaling siya dahil napaniwala nila ako.Pero pagsisihan nilang binuhay pa nila ako.Kinuha nila ang Ina ko at sisiguradohin kong ina din ang kapalit.Ina sa ina." Mariin na saad nito habang isa-isa hinagis ang maliit na bola sa isang maliit din na ring.
Nagulat si Condrad at Marisol dahil hindi nila sukat akalain na bukod sa magaling makipaglaban 'to,may aking din 'tong katalinohan.
Walang ginawa ang tatlo kung hindi nagplano ng husto para sa susunod nilang gagawin.Bago sila umuwi dinaanan niya ang asawa sa bahay nina Nathan at Marites.
"She's here kuya."Nakangiting saad ni Marites habang malayang tinatanaw na bumaba ang mga kaibigan.
"Beshy nakikiramay ako."Malungkot na saad Marites at pagkatapos niyakap ng mahigpit ang dalawa.
"Umuwi na tayo sa bahay."Diretsahang saad ni Marga sa asawa.Hindi naman napigilan ni Marites na hampasin si Marisol.
"Arayy naman Marites.Ang tanda mona kinikilig ka parin."Seryosong saad ni Sol ngunit sa loob niya sobrang kinilig din siya sa narinig mula kay Marga.
"Kunwari ka pa hindi kinilig pero pinigilan mo lang din ang sarili mo."Sarkatiskong saad ni Marites kay Marisol.
"Wala na tayong oras.Mag-impaki na kayo dahil kayo na ang susunod na target nila."Halos nawala ang saya sa mukha ni Marites ng marinig ang sinabi ni Marga.
"Beshy,anong sinasabi mong target? "Naguguluhang tanong nito.
"Si Nathan ay kapatid ni Andrew sa papel kaya sigurado ako, kayo ang isusunod nila para makuha si Andrew."
"Sina Daddy at Mommy lang ang ipadala niyo sa safe house.Dito lang kami ni More at Faster."Saad ni Mercedes.
"At bakit kayo magpapaiwan?"Nagtatakang tanong ni Marites sa anak.
"Dad,Mom don't worry about us dahil sisiw lang sila kay Ate."Nakangising sagot naman ni Harder.
"Hindi 'to biro.Wala tayo sa mundo ng laro mga anak.Sumunod nalang tayo sa mimi Marga niyo "Segunda naman ni Nathan.
"Harder at Faster sumama kayo sa kanila.Kayo ang magsisilbi bantay nila.Hindi ako kukuha ng ibang tao para sigurado akong walang traidor kayong kasama.Si Nathalia naman ang pinaki-usapan ko na siya ang titingin kay Daddy.At ikaw Mercedes sa bahay ka uuwi."
Pagkatapos masi-ayos ang lahat umuwi sabay na umuwi si Andrew at Marga.Umuwi na din si Marisol dahil panay tawag si Spencer sa kanya.Matagal na siyang pinapatigil sa trabaho ngunit palihim parin siyang sumasabak sa misyon.
"What is your plan now?"seryosong tanong ni Andrew habang nagmamaneho.
"Umakto ka na parang walang nangyari."Matipid na sagot nito.
Pagdating sa bahay niya agad siya dumiretso sa silid ng kinagisnan na mga magulang.Doon niya ibinuhos ang mga luhang nakatago sa mga mata niya.
"This is the last time na iiyak ako dahil sa ginawa mo Geneva.Ina sa ina.Kukunin ko din ang taong nagluwal sa'yo."saad ni Marga sa sarili habang pinagmamasdan ang larawan ng ina.
Knock...knock..."M-marga" tawag ni Andrew mula sa labas ng silid.Suminghap mona siya at bumuga ng hangin bago tumayo at binuksan ang pinto.
"Dannus,Andrew ano ang ginagawa niyo dito?"
"Marga p-pwedi ba na sa loob tayo ng silid mag-usap?"Mahinang saad ni Dannus.
Tumango naman si Marga at binuksan ng malaki ang pinto upang papasukin ang dalawa.
"Marga asahan mona nasa panig mo ako kahit anong mangyari."
"Dannus bakit hinayaan mo mangyari 'to sa mga magulang ko?"
"M-marga wala talaga akong alam."nakayukong sagot ni Dannus.
"Ililipat ko lahat ng meron ako basta tulungan mo ako.Ito lang ang hihilingin ko sa'yo."
Knock..knock..."Handa na ang pagkain,bumaba na kayo para kumain."tawag mula sa labas.
"Susunod na kami."Maiksing sagot ni Andrew.
Maingat na plano ang ginawa ni Marga para mahuli ang mga salarin at kasabwat nito.
Tahimik na kumakain silang apat ng biglang nagsalita si Kasuko.
"Aalis ako mamaya at bukas na ako babalik."Paalam nito.
"Bakit hindi ka nalang lumantad.Pinapahirapan mo pa ang sarili mo."Seryosong saad ni Marga habang patuloy sa paghiwa ng hotdog.
"Izumi,b-bakit parang may pinopunto ka?"
"Watashi no itte iru koto ga wakaru yo ne."Mahinahon ngunit halatang galit na 'to.
"M-marga nagbibiro kalang naman d'ba?"
Tumayo si Marga at bigla nalang sinaksak ni Marga ang mga daliri ni Kasuko na nakapatong sa mesa."Kilala mo ako.Kung may nakakaalam man ng kakayanan ko ikaw iyon.Ikaw ang nagturo sa akin na maging mabangis.Nakalimutan mo yata na hindi ako marunong maawa sa mga taong traidor."
Nagulat at naguluhan si Andrew sa nakita sa asawa,samantala si Dannus nanginginig naman sa takot.
"Alamo Marga kahit patayin mo ako ngayon hindi mo na mapipigilan pa si Geneva.Planado na ang lahat."Humalakhak na saad nito.
Mas lalong dini-inan ni Marga ang pagkasaksak sa daliri ni Kasuko kaya napasigaw 'to ng malakas."Huwag mo akong takutin dahil kung si Satanas nga pinabalik ako para sunduin kayo.Kayo ang matakot.Akala mo hindi ko alam ikaw ang pumatay sa totoong ina ko.Kaya tinulungan mo ako makabalik dahil alam mo oras makuha mo ang loob ko, ikaw ang ipapalit ko sa trono.Pwes nagkakamali ka dahil hindi iyon mangyayari.Dannus Ikaw na ang bahala sa kanya.
Halos agaw hinihinga si Andrew habang sinasariwa ang nasaksihan.Hindi niya lubos maisip ang isang anghel at masayahing babae ay naging halimaw na.