"Marga susunduin kita by 7:45 tonight."Isang mensahe mula kay Condrad.Pinaki-usapan siya nina Oscar at Condrad na makipagtulungan sa kanila upang hulihin ang mga sindikato.Noong una hindi siya pumayag pero ng malaman niya na kasabwat ang mga japanese,pumayag siya sa plano ng dalawa.
"Okay." matipid na reply niya sa binata.
"Marga may problema ba?"Nagtatakang tanong ni Marisol.
"Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako."Saad ni Marga habang hawak-hawak ang dibdib niya.
Habang pauwi siya sa bahay mas tumindi ang kalabog ng ng kanyang puso.
Pagdating sa pintuan ng bahay niya agad niya binuksan 'to gamit ang kanyang finger print.
"God, Marga! mabuti nalang at dumating kana."Naluluhang saad ni Kasuko.
"B-bakit kayo umiiyak? Nasaan ang anak ko?"
"He's fine pero ang Daddy mo nasa hospital at ang Mommy mo ay wala na."Diretsahang saad ni Dannus.
"What? nagbibiro lang naman kayo d'ba?"
"Hindi kami nagbibiro Hija! Kanina ka pa namin tinatawagan pero hindi makontak ang Cellphone mo."Umiiyak na saad ni Manang.
"No,nanaginip lang ako."Napasalampak siya sa upuan at napasigaw.
"Hija puntahan mo na si Andrew.Damayan mo ang asawa mo ngayon dahil walang ibang masasandalan 'yon kung hindi ikaw."
Pagkatapos bumalik sa sarili ni Marga agad siya nagpaalam at naki-usap kay Marisol na dalhin ang anak niya.
"Marga bakit mo ipapadala si Matthew.Kami na ang magbabantay sa kanya."Inis saad ni Kasuko sa pamangkin.
"Tutulungan niyo akong hanapin ang gumawa nito sa mga magulang ko."Pagkatapos niya sabihin 'yon agad siya bumalik sa sasakyan at umalis.Sobrang bilis ang pagpatakbo ng sasakyan niya na animo'y siya ang may ari ng kalsada.
"Marga"
"Woody nasaan ang mga magulang ko?"
"Halika samahan ka na namin."Saad ng mga kaibigan nila.
Pagdating sa loob ng silid ng ama naabutan niya si Andrew umiiyak 'to.
"Marga I think we need to go.Puntahan mo na siya dahil kailangan ka niya ngayon."At agad naman nagpaalam ang mga kaibigan na uuwi na upang bigyan sila ng pagkakataon mag-usap.
"Bakit ka pumunta dito.Hindi ba't magkikita kayo ng lalaki mo ngayon?"Saad ni Andrew na may halong galit sa boses nito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo.Pumunta ako dito dahil magulang ko rin sila."
"Magulang? nasaan ka ng pinapatay sila ng dahil sa'yo? sono ka ba talaga Marga? kung hindi ka bumalik, hindi mangyayari 'to."
"Andrew ano ang. pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan."
"Hindi ko rin maintidihan bakit nangyari 'to sa kanila."
Inabot ni Andrew ang iniwan na sulat ng mga pumatay sa magulang niya."Nagkamali ka ng kinalaban Andew.Isusunod ko na ang pinakamamahal mo na anak.Sisihin mo ang mahal mo na asawa dahil masyado siyang pakialamira..Hahaha"Nakasulat sa isang maliit na papel.Nang mabasa niya ang nakasaad sa sulat,agad niya kinalumos 'to.Bigla nag-iba ang kanyang aura,bumalik ang dating mabangis at walang awa na mukha niya.
"Ikaw na ang bahala dito dahil may pupuntahan ako."
"Marga i need you.Kailangan ka ni Daddy.Please kahit ngayon lang samahan mo ako."Nagsusumamong paki-usap nito sa kanya.
"Tama ka nga siguro Andrew.Hindi ko deserve maging masaya.Sumama kayo kay Condrad at ipapadala ko kayo sa safety na lugar.Hindi ako mapapakali kung andito lang kayo."
"Marga ano ba talaga ang trabaho mo?"
"Hindi mo na kailangan malaman pa dahil sigurado ako huhusgahan mo lang ako."Seryosong saad nito.
"Asawa mo ako kaya may karapatan ako malaman ang lahat ng tungkol sa'yo."
"Gusto mo talaga malaman? sagot Andrew? Isa akong mamatay tao.Noong pinatay mo ang puso ko at pinagtaksilan ako,naging mamatay tao na ako Andrew.Itong kamay na 'to hindi ko na mabilang kung ilang buhay ang kinitil nito."Hindi napigilan ni Marga ang maluha ng bahagya.
Agad lumapit si Andrew sa asawa at niyakap 'to ng mahigpit."Hindi ko sinasadya.Tanggalin mo na ang galit sa puso at magsimula tayong muli,kasama ang anak natin."
"Hindi ganun kadali Andrew,lalo na kung gabi-gabi ko naririnig ang mga taong nagtraidor sa akin.Naririnig ko ang bawat tawanan ng mga kaibigan mo habang naghihirap ako sa loob.Napapanaginipan ko lagi-lagi ang anak natin na humihingi ng tulong,sa palagay mo matatahimik ako.Uubusin ko silang lahat.Pagbabayarin ko silang lahat sa ginawa nila kay Mommy."
"Marga please,ayaw ko mapahamak ka pa at mawala pa ulit sa amin.Pakinggan mo naman ako.Hayaan na natin ang mga pulis ang maghanap sa kanila.,"
"Nagpapatawa ka ba Andrew?Nasaan ang hustisya ng nakulong ako?Wala akong kasalanan pero naghirap ako sa loob."
"Promise me,kahit anong mangyari huwag mo sukuan si Matthew.Kung ako kailangan ni Geneva para matigil na ang gulo,sasama ako sa kanya."
Pagkatapos sabihin ni Andrew ang mga katagang iyon.Nakaramdam si Marga ng kirot sa puso niya.Noong una ang plano niyang paghigantihan 'to pero ng makita niyang muli napagtanto niya sarili na hindi niya kayang saktan ang lalaking pinakamamahal niya.
"Ganun ka ba ka duwag Andrew? Hindi mo kami kayang ipaglaban? Isusuko mo ang sarili mo? Paano kami ni Matthew?"
"M-marga ang ibigsabihin ba niyan,mahal mo pa rin ako?"Masayang nakangiting tinitigan nito ang asawa.
"Hindi ba halata Andrew.Kahit anong gawin ko,hindi ko kayang kasuklaman ka dahil mahal parin kita."
"I love you Marga."Agad niya niyakap ang asawa.
Masayang nagkabati ang mag-asawa,Habang ang mga kaaway nila ay nagsama-sama para pabagsakin silang dalawa.
"Geneva ano ang plano mo sa kay Matthew? papatayin ko na rin ba?"Saad ng babaing kasabwat nito.
"Huwag na huwag mo gagalawin ang bata.Ako ang nagluwal sa kanya kaya ako parin ang ina niya.Mas masakit kung kukunin natin ang bata,pero sa tingin ko mas masakit pagnalaman niya na kayo ang pumatay sa Ina niya."Nakangiting saad ni Geneva.
"Take note Hija dalawang Ina niya."Natatawang saad nito.
"Tama lang sa kanya.Ipinalabas ni Mommy na baog siya dahil ayaw niya malaman ng iba na may anak siya sa hardenero nila,kaya ipinatapon niya ako at itinuring patay habang nag-aalaga siya ibang tao."Galit na galit na saad nito.
"Pareho lang tayo ng sitwasyon.Paboritong anak ni ojiisan ang mommy niya kaya ipinakasal 'to sa Daddy ko.Hindi ako kinilala na apo ng angkan ni Daddy dahil anak sa labas ang Ina ko at hindi 'to purong japanese, kaya mas pinili nilang ipakasal si Daddy sa Ina ni Marga."Salaysay nito habang mapait na tiningnan ang larawan ng ama.
"Matagal mo na bang alam na magkapatid kayo?"
"Nito ko lang nalaman ng sumugod kami sa pangkat nila.Gusto ko patayin ang Daddy niya habang wala siya ngunit may isang babaing nagsusumamong lumapit sa akin at inilahad ang buong katotohanan at doon ko nalaman ang lahat."
"Pero Geneva paano mo nalaman ang tungkol sa akin?"
"Minsan ko narin nakasama ang Ina mo at sa hindi ko sinasadyang marinig ang tungkol sa'yo ng nagtapat siya sa kay Tito.Kaya ng maiwan ako mag-isa nagkalkal ako sa gamit niya at doon ko nakita kung kanino ka niya ipinamigay.Noong unang kita ko sa'yo wala ka sarili kaya pinagamot kita dahil gusto ko sabay tayo maghiganti sa kanya.Ipaparanas natin sa kanya ang pait na pinagdaanan natin.Aagawin natin ang lahat ng meron siya at kasama na doon ang anak niya at asawa."
"Salamat at sisiguradohin ko sa'yo na nakahanda akong pumatay at mamatay para sa'yo my lord.Ikaw lang ang sasambahin ko Geneva."Nakangising saad ng babaing kausap nito.
"Cheers dahil sigurado nagluluksa iyon ngayon.Kasalanan niya 'to bakit pa siya bumalik."Natatawang saad ng isa pang babaing kasabwat nila.