Chapter 20

1235 Words
Halos hindi makagalaw si Andrew sa kina-u-upuan niya ng mabuking ni Marga. "Andrew don't lie to me.Yes,maybe we separated for a long time pero still i know you.If ever manlalaki ako,hindi ko itatago.Ipapakilala ko siya mismo sa'yo."Nakangising saad ni Marga dito. "M-marga kung sinasabi mo iyan dahil galit ka pa sa akin,please huwag mo ituloy dahil lahat ng ginawa ko sa'yo pinagsisihan ko na." Tinitigan ni Marga si Andrew sa mata bago nagsalita.Nakita niya dito ang kaseryosohan ngunit wala siyang plano magpakita ng kahinaan dito. "Kung noon mo pa sana sinabi iyan,baka nagbago pa ang isip ko.Let's move on sa nakaraan.Ang importante sa akin ngayon si Matthew.Ayaw ko naman maging malupit kaya hindi kita pinapalayas sa buhay namin.At isa pa, my son needs you."Seryosong saad ni Marga kay Andrew. Napatikom naman ng bibig si Andrew pati ang dalawang kaibigan hindi nakapagsalita.Kaya minabuti na ni Marga na tumayo at umalis. "Thank you sa food Woody.Aalis na ako"Pagkatapos magpaalam ni Marga kay Woody,umalis na 'to at hindi na nilingon si Andrew na nakatulala lang sa kan'ya. "Bro,'to ang tissue mukhang mahuhulog na ang laway mo."Kantyaw ni Levi sa kanya. "f**k you both.Ikaw Woody sinasabi ko sa'yo walang kaibigan oras malaman ko nakikipaglandi ka sa asawa ko."Seryosong saad nito habang mabilis na tumatakbo upang sundan ang asawa. "Saan pupunta iyon Bro?"Naguguluhan saad ni Levi.Simula kasi ng nawala si Marga hindi 'to nagpakita ng pagluluksa pero minsan narin nila 'tong nasaksihan ang pagkawala ng gana sa buhay.Nagbago lang ang lahat ng dumating sa buhay ni Andrew ang anak. "Malamang susundan ang asawa."Matipid na sagot naman ni Woody. "Levi tara na sundan natin si Andrew.Kuhanan natin siya ng larawan kung ano ang gagawin niya."Nakangising saad ni Woody.Nakaisip kasi 'to ng kalokohan. "No,Woody! Never kung gagawin 'yon.Nakakatakot ang mukha ni Marga.I feel something different simula ng bumalik siya." "Levi ang duwag mo."Inis na saad ni Woody sa kaibigan. Palinga-linga si Woody habang hinahanap si Andrew."s**t ano ang ginagawa niya?"hindi makapaniwalang tanong ni Woody sa sarili. "Andrew!"Sigaw ni Woody habang tawang-tawa 'to sa suot na pambabae. Paglingon ni Andrew agad niya hinila si Woody at binigyan din ng damit na pangbuntis."Ano 'to Bro?" nagtatakang tanong ni Woody.. Inginuso naman ni Andrew kung sino ang kasama ni Marga. "A-andrew,hindi ba't iyan ang lalaking pinagseselosan ni Theros? Hayop mukhang tutuhugin yata ang asawa mo." Hindi na sinagot ni Andrew si Woody dahil inis na inis na 'to."Woody bro,may favor ako sa'yo.Bayaran mo ang sales lady para pahiramin tayo ng wig ng manikin."Nasa loob sila ng boutique na pagmamay-ari ni Marites. "B-bro ayaw ko ng pinaplano mo."Pagtutol ni Woody sa nais ipahiwatig nito. "Sige kung ayaw mo gumapang tayo hanggang makalapit tayo sa kanila."Mariin na saad nito "B-bro naman mapagkamalan tayong magnanakaw niyan." "Kung ayaw mo maiwan ka diya.W-withdraw ko ang share ko sa Company mo." "Walang ganyanan.Kayo talaga pagkatapos manakit ng babae tapos hahabol-habol." "Manahimik kana Woody, dahil pag-ikaw nangailangan ng tulong sisiguraduhin kong wala kang maasahan na tulong mula sa akin."Inis na saad ni Andrew habang patuloy sa pagapang. "Andrew pwedi mo naman kausapin kasi si Marga hindi iyong nagmumukhang tanga tayo dito."Reklamo ni Woody. "Woody,Andrew ano ang ginagawa niyo diyan?"Sigaw ni Levi na kakarating lang.Kahit anong senyas ng dalawa hindi sila pinansin nito at patuloy sa paglapit.Kaya minabuti ng dalawa ng gumapang sa bandang sulok at mahppanggap na manikin para hindi sila makita. "L-levi narinig ko tinatawag mo si Andrew,andito ba siya?"Konot-no na tanong ni Marisol. Medyo nag-alangan si Levi kung ituturo niya ang tatlo.Kahit gusto niya tumawa sa itsura ng tatlong kaibigan mas pinili niya mag-isip ng alibay. "I'm sorry dahil namalikmata lang yata ako.S-sige mauuna na ako."Umiwas 'to at nagpaalam na. "Sige ingat."Saad ni Marga kahit hindi 'to kumbinsido sa sagot ni Levi. "Bagay sa inyo ang maging model ng maternity dress."Natatawang saad ni Levi sa mga kaibigan. Makalipas ang ilang minuto sabay-sabay umalis sina Marga at ibang kasama nito.At mabilis naman nagsitakbuhan ang tatlo sa banyo. "Fuck...This insane.I can't imagine na gagawin ko 'to,so annoying."Inis na inis na saad ni Woody habang isa-isa tinatapon ang suot. "Ikaw Theros bakit ka nandito?"Nagtatakang tanong ni Andrew. Bumuntonghininga 'to ng malalim bago sinagot ang tanong ni Andrew."Unbelievable bro pero andito ako para sundan ang lalaking pinagmamayabang ni Jera pero habang sinusundan ko siya,nakita ko si Margaret kaya mas lalo ako nagtaka." "May narinig ka ba? mas malapit ka sa pwesto nila." "W-wala"nauutal na sagot niya. "May narinig ka ba Theros bakit hindi ka makatingin sa akin?" "Andrew,bro! mamayang alas 8 daw ng gabi magkikita silang dalawa ni Margaret sa isang hotel." "Ano pa ang narinig mo?"sunod na tanong ni Andrew habang nakayukom ang kamao nito. "Mag-c-check-in daw sila ng Condrad na iyon mMayang gabi?" "Theros ginagawa mo ba 'to para siraan siya.Sabihin mo ang totoo?"Galit na nilapitan nito si Theros paulit-ulit na in-usisa. "Andrew calm down.Bakit hindi natin alamin ang totoo.Huwag kayo mag-away."Saway ni Woody sa dalawa. Napabuga ng hangin si Theros ng binitawan siya ni Andrew."I think may tinatago sa'yo ang asawa mo." Kring..Kring...Bigla nalang kinabahan si Andrew ng makita na tumatawag ang ama niya.Agad sinagot ang tawag nito ngunit wala siyang maintindihan sa sinasabi ng ama. "Ano nangyari?"Sabay na tanong ng dalawa. "Si Daddy"Maiksing saad nito. "Andrew saan ka pupunta?" "Uuwi ako.Kailangan ko alamin kung ano ang nangyari sa kanila." Habang nagmamaneho si Andrew,pilit niyang tinatawagan ulit ang ama ngunit na 'to makontak.Halos paliparin niya na ang sasakyan para makarating lang sa bahay. "Andrew bakit hingal na hingal ka?"tanong ni Kasuko.Halatang bagong ligo lang 'to dahil basa pa ang buhok. "Nasaan ang anak ko?"Diretsahang tanong nito. "Nasa taas naglalaro sila ni Dannus. " "Teka lang Andrew ano ba ang nangyayari at bakit mukhang balisa ka." "Sina Dad at Mom nasaan?" "Nasa bahay niyo.Umalis sila kanina dahil ang sabi nila kailangan nila umuwi dahil may mahalagang kukunin sila na naiwan doon."Mahinahon na saad ni Kasuko. Hindi na nagpaalam si Andrew at mabilis na sumakay sa sasakyan at binuhay muli ang makina nito. "Andrew saan kana naman pupunta?"reklamo ng tatlong kaibigan na sumunod din sa kanya. "Ano ba iyan kakarating lang natin ngayon maghahabol na naman.Ano ba 'to car rasing o naglalaro tayo ng hide and seek."Asar na saad ni Woody. "Sundan mo nalang siya Theros dahil masama amg kutob ko."Segunda naman ni Levi. Tahimik nilang sinundan si Andrew at dumiretso 'to sa bahay ng mga magulang. "Ang tahimik naman dito.Ano ang gagawin ni Andrew dito?"tanong ni Theros sa dalawa. "Bakit kami ang tinatanong mo? malamang hindi namin alam dahil magkasama tayo."seryosong saad ni Woody. "Papasok ba tayo o aantayin nalang dito sa labas si Andrew?"naguguluhan na tanong ni Levi. "Bro,tingnan niyo iyon?" "Ano iyan"Tanong ni Levu "Lapitan natin para malaman.Bobo talaga kayong dalawa."Pailing-iling na saad ni Theros. "Nagsalita ang hindi bobo.Sana nilapitan mo nalang din,hindi iyong ituturo mo pa."Sarkatiskong saad naman ni Woody sa kaibigan. Papalapit na sila sa itinuro ni Theros ng sumigaw si Andrew ng sobrang lakas."Si Bro Andrew iyon.Ano ang nangyari?Nagtatakang tanong nila. Agad sila bumalik sa loob at diretsong umakyat sa taas,ngunit nangimbal sila sa nakita.Puno ng nagkalat na dugo at mga katawan na sugatan. "Andrew si Tito buhay pa.Levi Call the ambulance."Natatarantang saad ni Theros. "Hindi na sila aabot kung aantayin pa natin ang rescue.Mabuti pa tulungan niyo ako buhatin si Tito.Andrew tumulong kana dito.Wala ng pulso si Tita at iba pa "Sigaw ni Woody sa kaibigan na nakatulala. Kahit natataranta at nasusuka sila pinilit parin nilang binuhat ang ama ni Andrew upang dalhin sa hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD