"Mara flashback"
"Mara saan ka pupunta?"tanong ni Geneva.Salubong ang kilay nito habang nanlilisik ang mga mata.
"G-geneva please hayaan mo na kami.Please hindi ako magsasalita tungkol sa nalalaman ko sa'yo."Nanginginig na saad ni Mara.
Ngumisi naman habang lumalapit si Geneva kay Mara."Sino ang nagsabi sa'yo na aalis kayo.Walang kayo,dahil ang buong pamilya mo ay pinadala ko sa Japan."Seryosong saad ni Geneva.
"Ang sama mo Geneva.Ang sama mo! wala kang puso."umiiyak na saad ni Mara.
"Mabait naman ako Mara,once sinunod mo ang gusto ko.Papalayain ko ang buong pamilya mo.Bibigyan ko kayo ng ari-arian at pera,sa isang kondisyon."
"Ano Geneva?"umiiyak na tanong ni Mara.
"Gusto ko ikaw ang magbuntis ng anak namin ni Andrew.Titira ka dito na parang buhay reyna.Ako at si Andrew mismo mag-a-alaga sa'yo."Mariin na saad ni Geneva kay Mara.
"Hindi ko kayang ibigay ang katawan ko sa lalaking hindi ko mahal.Iba nalang Geneva."Pagtatanggi ni Mara.
"You know how much I want to have a children. I can't take my father's throne until I don't have children. So don't act, if you don't want me to bury your whole family alive."Pagbabanta ni Geneva kay Mara.
Humagolhol si Mara ng iyak."Gagawin ko 'to para sa pamilya ko.Ngayon palang nandidiri ako sa pinapagawa mo."
Sinampal ni Geneva si Mara."Masyado kanaman ambisyosa.Kahit kailan hindi ko papalawayan ang asawa ko sa'yo.Kung si Marga nga nagawan ko ng paraan ikaw pa kaya.Aalagaan muna kita ng 6 buwan.Magpapatingin ka sa Ob-gyne para malaman namin kung fit ka para magbuntis ng anak ko."
Napabuga naman ng hangin si Mara."Pumapayag ako sa gusto mo.Pero may kondisyon din ako.Una, gusto ko pakawalan mo ang pamilya ko once nagbuntis na ako.Pangalawa,Pwedi ba huwag na natin pa abutin ng 6 month para hindi tayo matagal magkasama."
"Mara,actually maiksi na ang 6 month dahil ang sabi ng doctor 1 year or more than a year na magsama tayo bago ka magbubuntis,pero hindi ako pumayag.At about sa unang kondisyon mo,sige pumapayag ako." saad ni Geneva.Ibinigay n'ya ang isang kahon sa dalaga.
Ano 'to? konot-noo na tanong ni Mara
"Isa iyang prosthetic face.Pinagawa ko iyan para gamitin mo.Sa tuwing pupunta kayo sa bahay ng magulang ni Andrew i-suot mo iyan.At umarte na ako."Mariin na saad ni Geneva.
"D'ba galit sila sa sa'yo?"tanong ni Mara
Mara use your brain.Gusto na nila magkaapo.Sigurado ako nakalimutan na nila ang tungkol sa sinabi ko na wala na akong matress.Gawin mo ang lahat ng alibay para maniwala sila.Pabasin natin na isang matress lang tinanggal kaya huwag kang paranoid diyan.Ako na ang bahala sa lahat.Gawin mo lang ay alagaan ang anak ko.Tandaan mo Mara,anak ko lang at hindi kasama ang asawa ko."Sabay talikod ni Geneva.
"End of Flashback"
"Hayop ka Geneva.Kahit kailan hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin."Nagsisigaw na saad ni Mara habang tinitingnan ang malaking hiwa sa tiyan.
Napalingon si Mara ng biglang may mga yapak sa labas ng kwarto n'ya.Kumuha 'to ng vase ng makaramdam na pwersahang pinipihit ang kayang pinto.
"S-sino ka?Paano ka nakapasok dito?"Sisigaw pa sana 'to ng bigla hinagis ng babaing naka itim ang maliit na kutsilyo sa tagiliran ni Mara.Umatras si Mara hanggang sa tumama sa pader ang kan'yang likod.Samantala hindi naman tumigil sa paglapit sa kan'ya ang babaing nakaitim.
"Saan mo nakuha ang hiwa mo sa tiyan?"Mariin na tanong ng babae.
"S-sino ka?"
"Sagutin mo ako! ano nangyari sa hiwa mo tiyan?bakit may tahi ka?"Sunod-sunod na tanong ng babaing naka itim.
"Please huwag mo ako saktan.Nakuha ko ito ng nanganak ako."umiiyak na saad ni Mara.
"May anak ka?"gulat na gulat na saad nito.
"M-meron pero hindi ko anak."Malungkot na saad ni Mara.
"Paano hindi mo anak? isa kang surrogate?Si Matthew ba ang anak na tinutukoy mo?"Naguguluhan saad nito.
"Umalis kana dito.Gusto ko mapag-isa."
"Hindi ako aalis dito hanggang hindi kayo nauubos.Sisingilin ko kaya sa pagkamatay ng anak ko."Tinanggal nito ang sumbrero at matalim na tumitig kay Mara.Pinatanggal niya ang tattoo sa mukha at leeg bago pumunta dito.
"M-m-marga? Huwag mo ako patayin.Wala akong choice."Saad ni Mara habang nagmamakaawang lumuluhod sa harapan ni Marga.
"Kaya naman kitang protektahan,pero mas pinili mo itago ang katotohanan.Ang selfish mo.Sinira n'yo ang buhay ko.Ngayon magbabayad kayng lahat"
"Paano ka nakaligtas? bakit hindi ka nagpakita noon."saad ni Mara.
Bigla naman namula sa galit si Marga.Agad niya sinampal si Mara at inuntog sa kama nito.
"Sobrang hirap ng pinagdaanan ko.Dahil sa inyo, namatay ang anak ko.Walang pakialam na saad ni Marga.Sinugatan n'ya ang mukha mi Mara tulad ng sa kanya.
"Marga please hayaan mo ako mabuhay.Tutulungan kita."
"Talagang hindi kita papatayin dahil kailangan pa kita.Sabihin mo sa kan'ya susunduin na siya ni kamatayan."
Sabay talikod nito Samantala nahimatay naman si Mara dahil sa takot.Isang malaking sugat ang iniwan ni Marga sa mukha n'ya.
Gulong-gulo parin ang kan'yang isiipan.May kirot pa rin sa kanyang puso,lalo na sa tuwing naalala ang mga ginawa sa kanya.Mabilis na pinatakbo ni
Marga ang sasakyan hanggang sa nakita n'ya ang isang bar.Nagdesisyon muna 'to dumaan bago umuwi sa kan'yang tinutuluyan.
Pagkapasok niya a loob, agad siya umupo sa sulok.Hindi nito alintana ang maiingay na lalaki at may mga kasama 'tong mga babae.
"Hi miss,mukhang mag-isa ka.Baka naman gusto mo samahan kita para naman may magpapainit ng gabi mo."nakangising saad ng lalaki.
Tatayo na sana si Marga upang suntukin ang lalaki ng biglang n'yang makilala 'to.Ang lalaking matagal n'ya gustong makaharap uli.Ang pinsan ni Geneva.Isa 'to sa dumiin sa kan'ya upang mahatulan s'ya ng guilty.
"Sur,gusto ko iyan.Matagal narin ako hindi nakatikim niyan."Mapang-akit na saad nito sa lalaki.Inilibot n'ya ang kanyang paningin sa mga lalaking naghihiyawan at tumutukso sa kanila.Napangisi 'to ng makikilala ang lahat.
"Ayaw mo ba ako ipakilala sa kanila?"saad ni Marga habang ina-angkla ang kan'yang kamay sa batok ng lalaki.Inilapit nito ang kan'yang mukha para makikila s'ya.Pero ni isa walang nakakakilala sa kanya.Sobrang malaki ang pinagbago ng kan'yang mukha.
Umupo muna sila at nag-inoman.Halos marami na silang na-inom ng niyaya n'ya ang lalaki.Dinantay ni Marga ang kan'yang daliri sa dibdib ng lalaki.Panay lunok 'to ng laway at halos pinapawisan na 'to sa ginagawang pang-aakit ni Marga.
"Hindi ko na kaya.Uwi na tayo sa bahay."saad ng lalaki habang panay pisil sa makikinis na braso ni Marga.
"Sure,hindi na ako makapag-antay na paligayahin ka.Sila hindi mo ba isasama."Tanong ni Marga sa lalaking kaharap n'ya.
"Susunod na sila.Ayaw ko may distorbo.Gusto kita solohin."Nakangising saad ng lalaki.
Nagpaalam ang lalaki na uuwi na sila at susunod nalang mga 'to.Napangisi naman si Marga dahil sa pinaplano niya.
"Sasakyan ko nalang ang gagamitin natin."Saad ni Marga.
"Sure..Saan ang sasakyan mo?"
Itinuro ni Marga sa isang sulok ng bahagi ng parking lot.Sobrang dilim at hindi makikita ang plate # nito.
Hiningi n'ya muna ang address ng lalaki at mabilis na pinatakbo.Pagkarating sa sinasabing bahay.Nagpaiwan mo na siya sa kotse at pinauna ang lalaki sa loob.Kinuha n'ya ang kan'yang katana at isinukbit sa bewang.
Pagpasok n'ya sa loob ng bahay, nasa banyo ang lalaki kaya mabilis n'ya pinatay lahat ng CCTV,expert siya dito kaya hindi s'ya nahirapan.
Inayos n'ya ang kan'yang mukha.Itinali n'ya ang kan'yang buhok.Kaya nakakasiguro s'ya na makikila s'ya nito.Minsan narin siya hinipuan nito noon.
"Ready!"nakangising saad n'ya sa lalaki pagkalabas ng banyo.
"Ikaw? paano ka nabuhay.Agad 'to tumakbo sa may table n'ya.Pero mabilis s'ya kay sa lalaki..Ipinatong niya ang kan'yang patalim sa leeg ng lalaki.
"Don't worry hindi naman kita papahirapan.Gusto ko lang naman ipalasap sa'yo ang sakit na idinulot n'yo sa akin."Agad n'ya sinipa ang lalaki ng malakas hanggang tumalsik 'to sa pinto.Tumayo 'to at mabilis tumakbo palabas ng silid.Wala 'tong pakialam kahit natanggal ang sapin na tuwalya sa kan'yang katawan.Hubo't hubad 'to na tumatakbo.
"Run....run...Ganyan ako dati habang pinagkakaisahan ng karamihan.Ito ba ang hinahanap mo?"Kinalansing nito ang susi na hawak n'ya.Double lock ang pinto.Sinarado n'ya 'to sa labas.
"Huwag mo akong patayin.Plano iyon ni Geneva.Binayaran niya lang kami."Takot na takot na saad ng lalaki.
Lalo ng dilim ang kan'yang paningin sa narinig."Oras na ng paniningil ko.Masyado na kayong nag-e-enjoy sa buhay."Sinugod 'to ni Marga at walang kurap na sinaksak ng katana.
Binuksan 'ya ang pinto.Halos nakaidlip na s'ya ng dumating ang mga kasamahan nito.
Pagkapasok ng mga kaibigan.Nagsigawan 'to sa nakita.Mabilis na pinatay ni Marga ang ilaw at walang awa niya 'to isa-isa siningil.Nagkalat ang dugo sa bawat sulok ng bahay.Nag-iwan s'ya ng mensahe sa crystal na mesa.