Madaling araw na nakauwi sa tinutuluyan si Marga.Pagdating ng bahay hindi muna s'ya nagpailaw,dumiretso s'ya sa banyo at naligo.Hindi n'ya alam ang dalawang kaibigan ay nagmamasid lamang sa kan'yang ginagawa.
"Kasuko,more than 1 hour na s'ya sa loob ng banyo.I think we need to check her."Nag-aalalang saad ni Dannus.
"Hayaan mo s'ya,siguro she need time to think."Sagot naman ni Kasuko.
"She is also a human.Kahit gaano s'ya kagaling pumatay,tao parin s'ya na my nararamdaman.Nakakaramdam din s'ya ng pagod at kalungkutan."Mariin na saad ni Dannus.
Wala ng nagawa si Kasuko.Tama naman kasi ang pinupunto nito.Nagdesisyon na silang dalawa na katokin 'to,pero habang papalapit sila sa banyo,bigla nalang 'to bumukas at may mahabang katana ang nakatutok sa kanilang dalawa.
"Izumi kami 'to."Taas kamay na pagpapakilala ni Dannus.
"What are doing here?Kailan pa kayo?"Konot-noo na tanong ni Marga.
"Almost half day ka namin tinatawagan ngunit hindi ka sumasagot,kaya niyaya ko nalang si Dannus na sundan ka."Paliwanag ni Kasuko.
"Maupo muna tayo.At saka heto ang Coffee.Ipinagtimpla kita para mainitan ang sikmura mo."
"Thank you Dannus."Matipid na saad ni Marga.
"May nangyari ba?" seryosong tanong ng binata.
"Pinatay ko na ang lahat ng mga kaibigan ni Geneva na dumiin sa akin sa kaso.Pero hindi ko matanggap,pinaglaruann nila akong lahat."Nag-iba ang anyo ng mukha ni Marga habang sinasabi 'to.
"So, what is the next step?Alam mo naman kahit ano man ang gustuhin mo,ay tutulong kami."Saad ni Kasuko.
"Thank you.Gusto ko muna magpakita sa mga kaibigan ko."
"Then? By da way nakuha ko na ang company ni Geneva.Ano ang gagawin namin."
"Dannus,Kasuko,Kayo na ang mamahala sa company,dahil ako babalik ako kay Andrew.Pagbabayarin ko s'ya.Aalamin ko ang buong kwento tungkol sa bata."
"Paano mo gagawin 'yon eh, nandiyan si Geneva."Konot-noo na tanong ni Kasuko.
"Ex ko s'ya. Wala na ako dapat itago sa kan'ya.Kaya ko ibigay ang aking katawan,pero ang aking puso,hindi! Nagdudurugo parin 'to."Maluha-luhang saad no Marga.
Tumayo si Dannus at niyakap si Marga.Sumunod na din si Kasuko.
"Ang sa amin lang.Kung sakali bumalik ang pagmamahal mo kay Andrew.Give him a second chance.Minsan kasi ang pag-ibig ay parang bagyo.Saka lang natin malalaman na mahal atin ang isang tao kung umalis na 'to.True love has no measurement, but can only be experienced."Malungkot na saad nito.
Hinampas ni Marga si Dannus dahil naging madrama na'to.
"Dannus umibig ka na ba? Bakit parang ang lalim ng hugot mo!"Nagtatakang tanong ni Kasuko.
"Yes,twice.Una kay Geneva at pangalawa sa isang katrabaho ko dati pero isa s'yang filipina. Hindi ko na s'ya nakita mula ng pagising ko sa hospital.Ang sabi sa akin ng mga kaibigan n'ya ay umuwi na s'ya sa Pilipinas."Malungkot na saad ni Dannus.
"Don't worry,after ng problema ko.Tutulungam kita para hanapin s'ya dito.Maybe may big reason bakit iniwanan ka n'ya."Nakangiting saad ni Marga.
"Tama na ang drama niyong dalawa.Kung aalis tayo ngayon,bilisan n'yo.Time is gold.Kailangan mo na ayusin ang buhay mo Marga."
"So, paano ba yan.Marga na itatawag namin sa'yo since andito na tayo sa pilipinas."segunda saad naman ni Dannus kay Kasuko.
Tumango naman si Marga at masayang lumapit sa dalawa.
Pagkatapos mag-almusal ng tatlo.Agad sila lumipad pabalik sa Maynila.Tinawagan n'ya ang ama upang humingi ng mga tauhan na ipadala sa palawan upang magmasid tungkol sa ginawa n'yang pagpatay.Wala s'yang iniwan na kahit maliit na ebidensiya na makapagtuturo sa kan'ya.Bawat galaw n'ya ay naging ma-ingat s'ya.
Halos pasikat na ang araw ng lumapag sila sa Maynila.Nag-ayos lang ito at agad naman pumunta sa tattoo Center.Pinalinis n'ya ang kan'yang katawan.
A smart and sophisticated Marga returns. Her eyes is fearless.At isang malaking pilat sa mukha ang naiwan.
"Wow sobrang ganda mo talaga.Impossible tatanggihan ka ni Andrew."Nakangiting saad ni Dannus.
Tanging Irap lang ang sagot ni Marga sa kan'ya."Dannus samahan mo na muna maghanap ng papa si Kasuko.Para naman bago iyan sumalangit makatikim din ng otin na malaki."Natatawang saad ni Marga.
Halos mabulunan naman si Kasuko sa kinakain nitong waffles hotdog.Masayang humiwalay si Marga sa dalawa.
Bago s'ya magpapakita may mga tauhan s'yang inutusan para matyagan ang mga kaibigan.
Isang mensahe ang natanggap n'ya na si Bakz ay nasa hotel.Lasing 'to at may babaing umaakay.Napailing nalang si Marga.Nagkaroon s'ya ng idea kung sino ang babae.Binilisan n'ya ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang marating n'ya ang hotel na nakasaad sa text.
"Rey,nasaan na sila?"
"Ma'am Marga,bilisan niyo po at baka pumutok na 'yon "nakangising saad ng mga tauhan.
Nakuha n'ya agad kung ano ang sinasabi ng mga 'to.Mabilis s'yang pumasok dahil kilala niya ang may-ari nito.
Pagdating sa sinasabing Floor.Agad n'ya hinanap ang room ng dalawa.Agad n'ya kinuha ang card na binigay ng dalawa at binuksan.
Hindi na s'ya nagulat sa nasaksihan.Nakapatong si J-rose sa taas ni Bakz habang malayang gumagalaw.Agad n'ya nilapitan si J-rose at hinila sa buhok.
"S-sino ka?"Gulat na gulat natanong nito.
Tinanggal ni Marga ang kan'yang sumbrero at nagpakilala 'to.Samantala si Bakz umuungol pa 'to ngunit hindi dumidilat.
"M-marga?"
"Yes ako nga.Malandi ka.Talagang gagawin mo ang lahat para lang masira ang pamilya niya.Alam mo ba galit ako sa mga tulad mong mapanira ng buhay ng iba."Agad niya 'to nilapitan at sinipa.Nandilim ang kan'yang paningin kaya hindi niya na control ang sarili.
"Kahit ano pa ang gawin mo sa akin hindi ako susuko.Makukuha ko din s'ya.I love him so much at wala akong paki-alam kahit masira man ang pamilya n'ya."saad ni J-rose bago nawalan ng malay.
Tinawagan ni Marga ang mga kaibigan gamit ang Cellphone ni Bakz ngunit tanging si Brix ang sumagot.
Nasa banyo si Marga ng dumating ang mag-asawa Miller.
"Bakz what happen to you."Nag-aalalang tanong ni Marie habang si Brix ay agad sumampa sa kama upang pabangonin 'to.
"Pinagamit s'ya ni J-rose ng party drugs kaya nawala s'ya sarili."Sabat ni Marga na kakalabas lang mula sa banyo.
"M-marga,Beshy ikaw ba 'yan.Totoo ba ang nakikita kung buhay ka?"Naiiyak na saad ni Marie.Nabitawan din ni Brix si Bakz dahil sa gulat.
"Nilapitan ni Marga si Marie at niyakap.Yes it's me.Nagbalik na ako beshy.I miss you all."Umiiyak na saad din ni Marie.
Nailabas nila ng maayos si Bakz.Masayang silang umuwi. Napagdesisyonan nila na sa bahay nina Marie at Brix dadalhin si Bakz.
Masayang bumungad ang magkakaibigan pagdating nila sa bahay.Hindi pinansin ng mga 'to si Bakz bagkus lahat ay lumapit at yumakap kay Marga.
"I can't imagine na magagawa ni Bakz na magtakasil kay Tresh."saad ni Marites.
"Under s'ya sa drugs kaya hindi niya alam ang ginagawa.At isa pa wala naman putok na nangyari dahil naagapan ko 'to."Nakangiting saad ni Marga.
"So nakita mo nga ang otin ni Bakz? Malaki ba?"Bungis-ngis na tanong ni Marites.
"Naku nagseselos na ako.Parang naghahanap ka pa ng mas malaki sa pototoy ko."Saad naman ng asawang nitong si Nathan.
"Ikaw naman masyado ka.Sige na beshy Marga sagutin mo na ako."Pangungulit ni Marites sa kan'ya habang si Marisol ay tahimik lang na tumititig sa kan'ya.
Nagsitayuan na ang lahat maliban kay Marisol At Marga.
"Marga ikaw ba ang nagligtas sa amin ni Condrad?"tanong ni Marisol.
Lumingon si Marga at umupo ulit sa tabi nito."Yes Beshy.I miss you."Si Marisol ang pinakamalapit na kaibigan ni Marga.
"How? paano?"konot-noo na tanong ni Marisol.
"What do you mean beshy?"
"Paano ka natuto makipaglaban at humawak ng katana?"Tanong ulit ni Marisol.
"Mahabang kwento.Pero sasabihin ko din sa'yo."Seryosong saad ni Maraga.
"Kayong dalawa halina muna kayo sa mesa..Masarap ang niluto ni tita Fe kaya kain na muna tayo habang nagkukwentohan."Saad ni Marie sa mga kaibigan.
Masayang kumain silang magkakaibigan.Hindi lahat sinabi ni Marga ang nangyari sa kan'ya ,maliban kay Marisol Humingi s'ya ng tulong dito para sa dagdag na proteks'yon sa mga umampon sa kan'ya.