After magkwentohan ng magkakaibigan.
Nagpa-iwan sa labas sina Marisol at Marga.Inilahad ni Marga ang buong katotohanan.Napaiyak naman si Sol sa sinapit n'to.
"Kung nakasulat sa birth certificate ni Andrew na ikaw ang ina,my possibility nga! pero how and when?"saad ni Marisol.Napapaisip din siya sa mga tinuran nito tungkol sa bata.
"Sol give me a chance.Huwag mo muna ako ipahuli o ipakulong.Pagnatapos ko na 'to at naparusahan na ang tunay na may sala sa kaso ko,promise susuko ako."Seryosong saad ni Marga kay Marisol.
Hinawakan ni Sol sa balikat si Marga at binigyan ng isang mahigpit na yakap."Ano ka ba.Kung binuwis ko nga ang buhay ko sa iba,sa'yo pa kaya! I miss you.Tutulungan kita sa bawat laban ng buhay mo.Kaya natin 'to.Tama lang na tayo lang ang nakakaalam dahil ayaw ko mapahamak at madamay sila sa gagawin natin."Saad ni Marisol habang kayakap ang kaibigan.
"Thank you beshy.Bukas magpapakita na ako kay Andrew.Gusto ko iparanas sa kan'ya ang ginawa n'ya sa akin."Naiiyak na saad ni Marga.
"Ingatan mo lang iyong puso na hindi maging marupok ulit.Ibibigay ni god ang tamang oras kung kayo talaga.By the way, sinong bang Doctor ang nagpaanak kay Mara?"Pag-iiba ng usapan ni Marisol.
"Si Doctor Alejo.Pinapahanap ko s'ya sa mga tauhan ko,pero negative ang result.I need to find her.S'ya lang ang nakakaalam kung sinong attending physician ang kan'yang pina-duty ng gabing nanganak si Mara."
"Marga ng time nawala ka.Isang taon ang nakalipas,may humingi sa amin ng tulong.Ang pangalan niya ay Aira Alejo.Lumapit s'ya sa amin para humingi ng tulong.Pinapahanap nito ang pumatay sa Ina.Pero hindi na 'to sumipot sa araw na itinakda n'ya para ibigay ang mga ebidensiya laban sa pumatay sa Ina n'ya.Hindi kaya ang Doctor na pinapahanap mo at Doctor na pinatay ay Iisa lang?"Malungkot na saad ni Marisol.
Halos nanlumo ang magkaibigan dahil mukhang nawalan ng pag-asa.
"Marga let's go.Pupunta tayo sa Quarter,hanapin ko ang file at baka may makuha tayong impormasyon."Yaya ni Sol sa kaibigan.
Hindi na nag-atubili si Marga.Gusto n'ya rin malaman ang totoo.
Pagdating sa opisina ni Sol agad 'to naghalungkat ng kabinet kung saan nakalagay ang mga kasong hinahawakan nila at lahat ng file ng mga client nila.
"Marga 'to.Actually nakita namin 'to sa lugar kung saan magtatagpo sana kami ni Aira,pero hindi s'ya dumating."Saad ni Marisol habang hawak ang maliit na brown envelope.
Agad naman binuksan ni Marga ang envelope.Laking gulat n'ya at naglalaman 'to ng larawan kung saan kasama n'ya ang malapit na kaklase noong college pa sila ni Bakz.
"You know him?"Nagtatakang tanong ni Marisol.
"Yes I know him.Isa s'yang vice president ng gay club organization.Nakilala ko si'ya dahil kay Bakz.Minsan narin ako naging volunteer ng kanilang eksperimento."Naiiyak na saad ni Marga kay Marisol.
"So ang Aira na 'to at Arman ay magkapatid?"Tanong ni Sol.
Umiling-iling si Marga kay Sol."They are not siblings but they are one.Ang huli kong balita sa kan'ya,ay nagbabalak 'to na magpa-transgender.Niyaya pa nito si Bakz pero pinigilan ko."Pailing-iling na saad ni Marga.
"Beshy ano ang connection nito kay Matthew at sa'yo."naguguluhan na tanong ni Marisol.
"Sol samahan mo ako.Hindi ko na kayang ipagpabukas pa 'to."Naiiyak na saad ni Marga.
"Marga,huwag muna tayo magpadalos-dalos ng desisyon dahil baka mapornada ang plano natin."Saad ni Sol.
"Sol please....Gusto makausap si Andrew tungkol sa bata. Now,I know bakit sobrang malapit sa puso ko ang bata."Naiiyak na saad ni Marga.
Hindi na pinigilan ni Marisol si Marga bagkus sinamahan n'ya 'to upang suportahan ang kaibigan.
Pagdating sa bahay ng mga magulang,hindi sila agad nakalapit dahil maraming Armadong lalaki ang nakapaligid.
"Anong mayroon,bakit maraming armadong lalaki?"tanong ni Marisol
"Halika kana at baka saktan nila sina Daddy at Mommy."Seryosong saad ni Marga.
"Beshy,wait.."saad ni Marisol.Pinigilan n'ya ang kaibigan ng makita ang palabas na pangkat ng mga kakalakihan.
Nag-antay muna sila sa labas.Nakita naman nila na maayos ang magulang.
"I think,okay lang sila! Mukhang may tinatanong lang sila sa magulang mo."Saad ni Marisol.
After umalis ang mga armado,agad sila bumaba ng sasakyan at pumasok.
"Manong pwedi po ba makausap sina Tito at Tita?"Saad ni Marisol sa guard.
"Ma'am itatanong ko po!" sagot naman nito.
"Mang Jhonny papasukin mo na kami.Kailangan ko maka-usap sina Daddy at Mommy."Saad ni Marga.Tinanggal nito ang hoody ng jacket niya.
Nagulat at namutla ang guard.Agad naman sila nagpaalam dito.
"Mom,Dad!"tawag ni Marga sa Ina nito na umiiyak.
"M-marga,ikaw ba 'yan?" tanong ng Ginang.
Umiyak na ang Ginang at sinalubong ng yakap at halik si Marga.
"Ano ang nangyari sa'yo.Bakit ngayon ka lang nagpakita?at sino ang inilibing namin"Nagtatakang saad ng Ginang.
"Mommy,bago ako magsimula magkwento pwedi ba malaman na saan si Daddy?"tanong ni Marga.Nagtaka kasi 'to bakit wala ang Ama nito sa loob.
"Nasa underground.Sinusundo si Andrew at Matthew."Malungkot na saad ng Ginang sa anak.
Napalunok naman ng laway si Marga ng marinig ang pangalan ng dating asawa.
"I miss you anak.Saan ka pumunta at bakit ngayon ka lang bumalik.Nagka-amnesia ka ba"Sunod-sunod na tanong ng Ina.
Hindi pa nasagot ni Marga ang tanong ng ina ng biglang sumigaw si Matthew.
"M-mommy..m-mom..."Masayang-masaya na sigaw ng bata.
"A-anak!"naiiyak na saad ng Ama nito
"I-ikaw.."Matipid na saad ni Andrew.
Halos pareho lahat ang kanilang reaksyon ng makita si Marga.Nagulat at hindi makapaniwala ang lahat.
"Anak ko....!"niyakap 'to ng mahigpit ni Marga.Kahit hindi niya alam ang buong kwento,nakakatiyak s'ya na anak niya 'to.
"Marga,patawarin mo ako.Hindi ko sinasadya ang lahat ng ginawa ko sa'yo.Mahal kita pero pilit ko parin 'to iwinaksi dahil gusto ko maghiganti sa mga magulang ko."Saad ni Andrew habang lumuluhod 'to sa harap ni Marga
Nilapitan ni Marga si Andrew at pinatayo."Don't worry matagal na 'yon.Napatawad na kita.Pag-usapan na muna natin kung ano ang nangyari.Paano ko naging anak si Matthew."Nakangiting tanong ni Marga.
"Pwedi ba maya na natin pag-usapan iyan.Magpapaluto ako at kumain muna tayo tapos magkwentohan na tayo."Masayang saad ng Ina.
"Mabuti pa nga Mommy."Saad ni Andrew.Malagkit na tinititigan ni Andrew si Marga.Habang si Marga nagkukunwari din itong sabik.
"Beshy pwedi ba mag-usap muna tayo saglit."Hindi na inantay pa ni Marisol na sumagot si Marga,basta niya nalang 'to hinila papunta sa garden.
"Beshy,ang sabi ko huwag kang maging marupok.Bakit ang bilis mo naman pinatawad.Ganun-ganun lang iyon?Okay na agad."Inis na saad ni Marisol kay Marga.Bumuntonghininga rin 'to.
Tumawa ng malakas si Marga dahil sa reaksyon ni Marisol."Beshy i miss this moment.Ganito lang tayo,tatawa kung masaya.Pero hindi ganun kadali.Sinabi ko lang iyon para magtiwala s'ya sa akin.Trust me beshy,sisiguradohin ko this time siya ang magmamakaawa at iiyak sa akin.Hindi na ako tulad ng dati beshy.Marumi na ang mga kamay ko dahil sa kanila."Malungkot na saad ni Marga.
"Good.Huwag kang maging marupok.Ang pakay mo lang ay paibigin s'ya.Iparamdam sa kanilang dalawa ni Geneva ang ginawa nila sa'yo."Paalala ni Marisol sa kan'ya.
"Of course! iyon naman talaga ang plano.Thank you."Masayang saad ni Marga.
Habang kumakain sila naging emosyonal ang pinag-uusapan nila dahil sa mga salaysay ni Marga.Kung paano n'ya nakuha ang pilat sa mukha.
Pagkatapos nila kumain nagtipon-tipon naman sila sa likod ng bahay sa isang maliit na kubo.At sinimulan ni Andrew i-kwento ang tungkol kay Matthew.