Elysha Later that night ay nasa kwarto na ako. Nararamdaman ko na naman na unti unti na naman akong umiinit. "Ely can I come in?" Narinig ko ang pagkatok ni Kayden sa kwarto ko. "Pasok ka," sagot ko. "What do you need?" Tanong ko sa kaniya. "I was just wondering kung okay ka na ba?" He asked. "Yup I'm fine don't worry about me." Pagsisinungaling ko. He looked at me suspiciously. Nakasandal lang siya sa pinto habang nakatingin sa akin. "W-what?" Tanong ko. "You're lying," he said and starts walking towards me. Akmang ilalagay niya yung kamay niya sa noo ko pero bigla akong umiwas. "Ely stop moving." Saway nito. Parang akong tuta na nakatingin lang sa kaniya habang naka-pout. Ano ba yan! "You're such a liar. Tingnan mo ang init mo na naman." Hindi siya galit, pero

