Aalis na sana ako sa library nang hilahin ako bigla ni Black palabas at hinila patungong kwarto niya. Pagkapasok namin ay nilock niya agad ang pinto. Nagtataka akong nakatingin sa kanya. Nanlaki nalang ang mga mata ko nang bigla siyang yumakap. He buried his face on my neck kaya natigilan ako. This is the second time he did this and swear biglang nagloko yung sarili ko. "A-Anong-" "Just this once, love." sabi niya habang nakasubsob parin sa aking leeg kaya napapikit nalang ako upang pigilan ang kiliti dulot ng kanyang hininga. "Bakit?" I asked him but hindi niya ako sinagot. Napabuntong-hininga nalang ako at hinayaan siya. Why am I like this? Bakit nagdadalawang-isip na ako sa kasarian ko dahil sa kanya? "Why?" he suddenly asked. "Anong why?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "B

