Napatigil ako sa pagsunod ni Mae pababa dahil may nakalimutan ako. Liningon ako ni Mae ng may pagtatakang sa mukha. "Mauna ka na sa baba, may babalikan lang ako sa taas." sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at umalis na patungong sala. Napatigil ako sa paglalakad nang nasa hallway na ako nang may isang lobong itim na nakatayo sa aking harapan habang umaangil. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagtataka kung paano ito nakapasok. Napangiwi nalang ako dahil sa masangsang na amoy nito. Napaatras ako sa kinatatayuan ko nang magsimula na itong humakbang patungo sakin habang nakaangil pa rin. Palinga-linga ako sa paligid upang makahingi ng tulong. Fudge! Ba't ang bobo mo ata ngayon Alex? Hallway to malamang walang tao rito. Napapikit nalang ako sa inis nang marealized ko yun. Tsk! A

