Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko pero nagpanggap pa rin akong tulog. Gusto ko muna madinig ang pinag-uusapan nila. "Ano ba ang nangyari sa pinsan ko Acer? Until now hindi pa siya gising." boses pa lang, si Mae na 'to. "She's fine, Mae." singit naman ng boses ni Clifford. "Fine?! Anong fine?!" sigaw nito. "It means she's okay." "Alam ko bangin, wag mo kong gawing bobo." Bangin? Sino naman si bangin? "What did you just called me, sweetheart?" tanong ni Clifford Ah! Si Clifford pala ang tinutukoy niya. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko na nagdudulot ng milyon-milyong boltahe sa aking katawan. Dahan-dahan akong nagmulat at pagmumukha agad ni Black ang aking nabungaran habang nakangiti. Bumangon ako na agad naman niya akong inaalayan. Nilibot ko ang aking p

