Nakatitig ako ngayon sa sarili ko sa salamin. Nagising ako sa kwarto ni Black na nag-iisa. Nanlaki ang mga mata ko nang may naalala ako. Oo nga pala! Nakagat pala ako kanina ngunit bakit wala akong naramdamang sakit? Dali-dali akong umupo sa tiles ng banyo at tinupi-tupi ang pajamang suot ko. Nang matupi ko na hanggang tuhod ay napabuntong-hininga nalang akong kinapa ang benda sa aking paa. Nagdadalawang isip ako kung tatanggalin ko ito pero nangibabaw ang curiosity ko. Nagbuga ako ng hangin at dahan-dahang tinanggal ang benda. Napasinghap nalang ako pagkatapos kung tanggalin ay makitang walang anumang sugat ang naroon. "Pa-paano?" tanong ko sa aking sarili. "Xandra, you okay?" Napapitlag ako nang marinig kong may kumatok at alam kong si Black yun dahil siya lang naman ang

