Sinirado ko ang libro na binabasa ko ngayon dito sa library ng mansion. I closed my eyes and groaned in annoyance. Hindi kasi mawala sa utak ko ang sinabi ni Black sakin dati. Parang sirang plaka na paulit-ulit lang dito sa utak ko. Tumayo ako sa sofang kinauupuan ko. Bitbit ang libro na katatapos ko lang basahin upang isuli sa shelf. Nang maisauli ay aalis na sana ako nang may nakakuha ng atensyon ko. Old book ito na kulay pula. At first, hindi mo talaga agad mapapansin ito dahil medyo faded na yung book cover nito at hindi rin gaano kakapal. Kinuha ko ito, katabi ito sa librong binabasa ko kanina. "Historia Cantus et Malejicis" basa ko sa book cover. Latin? Binitbit ko ito at bumalik sa sofa kanina. Nang buksan ko yung book, walang nakasulat sa front page. Chineck ko kung may name

