"Huh?" naguguluhan kong tanong sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
He just sighed then shook his head.
"Mate. " he bluntly said. Napakunot-noo nalang ako sa sinabi nito.
Mate? What is that?
"T-teka lang, ha? " I've crossed my arm at tinaasan ito ng kilay. "Anong mate ang pinagsasabi mo? Hindi mate ang pangalan ko, Alex. A. L. E. X. It's Alex."
Nakatitig lang ito sakin with an amusement in his eyes. Sinamaan ko ito ng tingin but he just chuckled.
"Yeah, Alexandra. " natatawang saad nito.
"Alex." I corrected him. Hindi ko gusto kapag tinatawag ako sa buo kong pangalan. Nakakasira ng kagwapuhan but of course except kay Tatay. Siya lang naman ang hinahayaan kong tumawag sakin ng ganyan.
"Alexandra." he teased.
"Alex." kunot-noo kong sabi.
He smirked at me. Nakikita kong naaaliw siya sa akin ngayon.
"Mabuti pa,aalis na ako rito. Baka hinahanap na ako ng tatay ko." sabi ko at tumalikod na sa kanya pero di pa naman ako nakadalawang hakbang ay hinila na niya ako paharap kaya tanging pagsinghap lang ang aking nagawa dahil sa gulat. Susuntukin ko sana siya sa mukha pero nahawakan niya agad ang aking pulupulsuhan na para bang nababasa niya kung ano ang gagawin ko.
"Stay." he said while looking at my eyes. I just raised my eyebrow nang marinig ko ang lumabas sa bibig nito.
"Hindi ako aso kaya wag na wag mo akong ma stay-stay diyan kung ayaw mong tadyakan ko yang pagmumukha mo."
"Tsk."
Tatanggalin ko sana ang pagkakahawak niya pero mas lalo pa niya akong hinapit papalapit sa kanya kaya nanlaki nalang ang aking mga mata sa gulat at nang ma realized kong para na kaming magkayakap.
"B-bitaw nga." pagpupumiglas ko.
"I told you to stay."
"Bakit ba?! "
"Tsk. I told you, you are my mate-" answered him while rolling his eyes. "-and I will never ever let you go again this time." after he said that he bit my neck na ikinahilo ko. Bago ako lamunin ng dilim nakikita ko sa kanyang mga mata ang kakaibang emosyon na nakikita ko kay Tatay pag nakatitig ito sa larawan ni Nanay.
Nagising ako na parang pinukpok ang ulo ko sa sakit. Bumangon ako at hinilot ang aking sentido habang nakapikit. Nang nawala na ay nilibot ko ang aking paningin sa kwarto at napanganga nalang ako nang makita ko ang lalakeng nakatayo sa hamba ng pinto sa banyo. Mataman lang itong nakatitig sakin habang nakacrossed-arms.
"B-bakit ka narito sa kwarto ko? Paano ka nakapasok? " tanong ko sa kanya.
"This is my room." sagot naman nito habang nakatitig pa rin sakin. Aaminin ko kahit may puso akong lalake ay di ko parin mapigilang mailang sa mga titig nito. There's something on his stare na nagpapakabog ng sobra sa aking dibdib.
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Mayamaya pa ang nilibot ko na ang aking paningin sa kwarto and yeah his right, sa kanya nga to. Black and white ang pintura nito. Konti lang ang mga gamit ang nasa loob though nakadagdag ganda rin naman ito sa kwarto. Typical room of a guy.
"And this time, this is gonna be our room."
Napabaling agad ako ng tingin ng marinig ko ang kanyang sinabi. Tiningnan ko siya at mayamaya ay napatawa ng malakas sa sinabi niya.
"Tang- Tanginang biro yan! Sa-Sakit ng tiyan ko. Tagal ko ng hindi nakakatawa ng ganito." sabi ko habang pinipigilan ang sariling tumawa ulit. I faked a cough and looked at him again. Seryoso lang itong nakatitig sa akin na para bang walang sinabing nakakatawa.
"Nakakatawang biro yun, promise. Kaya aalis na ako ha?" akmang tatayo na ako sa pagkakaupo sa kanyang kama nang magsalita ito ulit.
"I said, this is gonna be our room and I'm not joking."
Napatigil ako at napakurap. "What?"
"I knew you heard that" he just bluntly answered. I just rolled my eyes at him kaya napataas nalang ito ng kilay. Lakas ng tama ng lalaking ito. Tumayo ako at bahagyang lumapit sa kanya.
"Look, Mr.-"
"It's Black."
I just rolled my eyes again. Gago, para na tuloy akong babae sa pinag-gagawa ko.
"Yeah, Mr. Bla-"
"Just call me Black." tiningnan ko ito ng masama at inirapan.
"Whatever, hindi tayo talo pre. Can't you see or nagbulag-bulagan ka lang? I'm a lesbian."
"So? "
"Anong so?" takang tanong ko. Umayos ito ng tayo at humakbang palapit sakin. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at nakatingin lang ako sa kanya ng masama.
"Gusto ko ng umuwi dahil alam kong nag-alala na yung ama ko sa bahay namin. Wala akong oras makipag lokohan sa iyo kaya tigilan mo ako. Tabi, uuwi na ako sa amin!" sabi ko at tinulak siya bago tumalikod. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya nang hawakan niya ang kaliwang braso ko at pinaharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Dumukwang ito kaya linayo ko agad ang mukha ko mula sa kanya dahil pag hindi ko ginawa yun, konting kilos ay baka magkahalikan kami but he just made a "tsk" sound because of what I did.
"I don't care if you are a lesbian or not as long as you're my mate and I've never thought that my mate is so hard-headed-" he whispered right into my ear kaya napalunok nalang ako ng wala sa oras dahil sa mabangong hininga nito. "-but I like it though." sabi nito bago umayos ng tayo at sinuksok ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalon nito at tumalikod. Nakasunod parin ang paningin ko sa kanya. Akmang lalabas na sana ito nang bumaling ulit ito sakin na may nakakalokong ngiti.
"By the way, you look gorgeous in that night gown." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa aking suot. And yes! I am wearing a f*****g night gown. A NIGHT GOWN!!
Crap!
I heard him chuckled kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin but he just winked at me and made himself out. Napabuntong hininga nalang ako at umiling.
My first time wearing a night gown and I swear I'm gonna beat that guy to pulp. Tsk!