Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng bahay. Pumasok si Tatay habang nakayuko. Halata sa kanya na may malalim itong iniisip.
"Tay? " tawag ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin at ngumiti ng bahagya bago umupo sa aking tabi.
"May problema po ba? " tanong ko rito pero umiling lang ito.
"May ginawa ba ang lalake na yun sayo 'tay? " tanong ko ulit pero iling pa rin ang sagot nito.
Napakamot nalang ako sa batok dahil wala akong makuhang matinong sagot sa kanya. Napabuntong- hininga nalang ako at tinitigan si Tatay. Kitang-kita sa kanya na may pinoproblema nga ito pero ayaw lang talaga niyang sabihin.
Men and their pride. Tsk!
Napailing nalang ako at umayos ng upo sa sofa. Dinantay ko ang aking mga paa sa center table na agad naman niting pinalo kaya napapitlag ako.
"Tay naman! "
"Ibaba mo yang paa mo, kung makaasta ka parang di ka babae ah! " sita nito sakin.
Napasimangot nalang ako sa sinabi rito.
"Nak? " napalingon ako sa kanya habang nakasimangot.
"Oh? " sagot ko naman. Nakakunot noo itong napatingin sakin.
"Problema mo?" Nakataas kilay nitong tanong sakin.
"Tay-" simula ko. "-ikaw ang may problema sating dalawa. Alam mong nakalalake ka na, 'tay? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo kung may problema ba pero wala ka namang matinong sagot. Ginagawa mo akong tanga,eh ." Naiinis kong saad.
Binatukan ako nito at tinapunan ng ulan kaya aksidenteng nahulog ako sa sofa. Inis kong tinanggal ang unan na nakatabing sa aking mukha at tinapunan ito ng masamang tingin and of course di rin papatalo ito.
"Naku Alex, isa ka nalang at itatapon na kita sa Crenon. Dun ka sa bading na kapatid ng nanay mo para sakaling maalala mo na babae ka at hindi lalake. Aba! Baka hindi ka na makakapangasawa niyan. " napakunot nalang ako sa sinabi ni tatay. Diba sa kanya ang issue ba't napunta na naman sakin? Ang galing din. At ano daw? Itatapon niya ako sa Crenon? No way! Ayoko ng makasama ang mahalay na baklang yun. Mamamatay ako ng maaga pag yun ang kasama ko. Puro lalake at kaartehan lang sa katawan ang nasa utak ng taong iyon.
"Tsk! Oo na, ano ba kasi ang problema mo, 'tay?" tanong ko ulit sa kanya at umupo ulit sa tabi niya. Bumuntong hininga muna ito at tinitigan ako.
Kinuha ni Tatay ang mga kamay ko at hinawakan yun ng mahigpit.
"N-nak, may ipagtatapat ako sayo. " simula nito habang nilalaro ang mga kamay ko. Halatang kinakabahan si Tatay dahil ang lamig ng kamay niya kaya di ko narin maiwasang kabahan.
Huminga ito ng malalim. " Nak isa ka-" naputol ang sasabihin sana ni Tatay nang marinig namin ang isang malakas na pagsabog.
Napatayo kami at agad sumilip sa bintana. Napasinghap ako nang makitang nilalamon ng malaking apoy ang Avenia. Jusko! Anong nangyari ?
Nabaling yung atensyon ko kay Tatay nang dali-daling nitong kinuha ang susi ng sasakyan sa may gilid ng tv at kinuha ang mga baril na nakatago sa ilalim ng sofa. Actually, maraming baril na tinago si Tatay dito sa bahay. Pang emergency daw.
"Alexandra" tawag niya sakin. Alam kong seryoso na ito dahil buong pangalan ko na ang kanyang tinawag. Seryoso itong tumingin sakin.
"Wag na wag kang lalabas ng bahay at wag na wag mong buksan ang pinto pag may kumakatok, naiintindihan mo? Pag nakauwi na ako alam mo naman na ako yun. " tumango nalang ako.
"Pero 'tay, ano po ba ang nangyari?"
"Pag-uwi ko nalang sasabihin sayo lahat. Sa ngayon, umakyat ka na sa kwarto mo at patayin lahat ang ilaw. Ako na bahalang mag lock ng bahay." sagot niya. Tinitigan ko muna ang mukha ni Tatay na puno ng kaseryosohan. Alam kong malaking problema talaga ang nangyari ngayon sa Avenia dahil hindi magiging ganito ang ama ko kung mild lang yun.
Napakurap ako nang yakapin ako ni Tatay ng mahigpit. Yayakapin ko sana siya pabalik ngunit kumalas ito agad.
"Sige na. Umakyat ka na." pinal nitong sabi. Tumango agad ako at pinatay ang ilaw sa sala at kusina at dali-daling umakyat sa kwarto ko sa taas.
Narinig ko ang ugong ng sasakyan ni Tatay na umalis. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang bayan.
Nilamon parin ito ng apoy at dinig na dinig rito mula doon ang alulong ng isang hayop. Tila pamilyar ito sakin at di ko maiwasang kilabutan.
Umalis ako sa harapan ng salamin at umupo sa munting sofa ng aking kwarto. Di ko maiwasang mag-alala kay Tatay. Alam ko na di ordinaryong mga tao ang sumugod sa Avenia kasi isa ito sa mga bayan na kung saan maraming mga bantay. Mahigpit ang seguridad dito at di ka makakapasok basta-basta. Good thing, kilala kami doon kaya madali lang samin ang labas-masok ng Avenia.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may maamoy akong kakaibang. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan ang amoy na parang isang strawberry scented na pinaghalong green mint. Ewan ko ba, basta iba siya pero kaayang-ayang amuyin ito.
Napadpad ako sa likod ng bahay habang sinusundan parin ang amoy na yun. Alam kong magagalit si Tatay kung sakaling malaman niya ito. Alam kong delikado na ang lumabas ngayon dahil sa gulo pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan ang amoy na yun.
Napatigil nalang ako nang namalayan ko na nasa gitna na ako ng gubat. Lumingon ako sa likod ngunit tanging mga puno lamang ang makikita.Nagtataka ako kung paano ako nakarating agad dito eh hindi pa naman ako masyadong nakakalayo sa amin kanina.
Napakamot ako sa ulo at napamura. Napatigil ako nang may marinig akong mga apak. Nilibot ko ang aking paningin at napasinghap nang makita ko ang isang lalakeng papalpit sa akin at naamoy ko sa kanya ang kaninang sinusundan kong amoy.
Nang makalapit ito sa akin ay napatingala ako dahil sa tangkad nito at napatitig sa kanyang mga mata. Mga matang kulay ginto pero may... halong asul? Napakunot-noo nalang ako nang makita ko sa kanya na may kakaiba. Foreigner ba ito? Ang gwapo eh este mas gwapo ako.
Napatingin ako sa kanya when I heard him chuckled. And to tell you honestly, lumukso bigla ang puso ko dahil lang sa tawang iyon. Ngumiti ito sakin.
"It's so nice to see you again, mate. "