Tahimik akong nakaupo dito sa hardin ganun din si Tatay. Pagkatapos niya kasing patayin si Christallyn ay nagtungo ito sa banyo upang maging tao ulit habang ako ay napatulala sa nalaman. Narinig kong tumikhim si Tatay ngunit hindi ko siya tiningnan kaya napabuntong-hininga nalang ito. "A-anak, sorry dah-" "Ba't ka nag sinungaling? " pinutol ko ang kanyang sasabihin at tinignan si Tatay na walang emosyon. Malamlam ang kanyang mga matang nakatitig sakin. "Ginawa ko yun upang makalimutan mo na ang nangyari." sagot ni Tatay at yumuko. "Makalimutan? Tay, pano ko makakalimutan ang pangyayari 'yon kung naging bangungot na ito sa buhay ko?! At ang masakit pa ay malamang ikaw ang pumatay kay Nanay. Bakit? B-Bakit, 'tay? " mangiyak-ngiyak kung tanong Hinawakan ni Tatay ang kamay ko ngunit

