Chapter 22

1681 Words

Nagising ako na para bang may tumatawag sakin. Bumangon ako ng may pagtataka dahil puti ang kulay sa buong paligid. Te-teka? Nasaan ako? Patay na ba ako? "Hello!" sigaw ko ngunit tanging echo lang ng boses ko ang maririnig. "Hello!" sigaw ko ulit habang palinga-linga ngunit ganun pa rin ang nangyari. "Siguro patay na nga ako, di ko man lang nasabi kay Black na gu-eh? Hindi! Hindi! Di ko man lang nasabi kay Black na gusto ko siyang sapakin. Oo, tama! Hay! Namiss ko tuloy si Tatay pati na si Mae at kahit na si Melanie." sabi ko at napabuntong-hininga nalang. Napaigtad ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay di ko mapigilang maiyak dahil sa taong nakangiti sa aking harapan. "Nay!" bulalas ko at yinakap siya ng mahigpit. I heard her giggled at yinakap ako pabalik.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD