Chapter 5

1190 Words
"Kailangan ko nang umuwi." basag ko sa katahimikan habang kumakain. Napaangat naman ng tingin sina Black at Troy at tiningnan nila ako ng maigi. Tahimik lang ang mga ito kaya binaba ko muna ang kutsara at tinidor na hawak at umayos ng upo. "Sabi ko, kailangan ko ng umu-" "We heard that." tiningnan ko ng masama si Black nang putulin niya ang sasabihin ko. "Why?" tanong nito at tinitigan ako habang si Troy ay bumalik na ang atensyon sa pagkain. "Kailangan ko pa bang sagutin yan? Dude, ayos ka lang? Nag-iisa ang tatay ko sa amin. Walang kasama baka anong mangyari na doon. Tsaka isa pa, kahit sino ay nanaisin bumalik sa tahanan nila lalo na't dun ka nagmulat, lumaki, nagkaisip at- ano ba tong pinagsasabi ko? Basta kailangan kong umuwi." sagot ko sa kanyang walang kwentang tanong. Nang tingnan ko to kung anong magiging reaksyon niya ay napataas nalang ako ng kilay nang makitang nakatitig lang ito sakin. He just stared at me with an amusement in his eyes. May nakakaaliw ba sa sinabi ko? Napabuntong-hininga nalang ako. I really need to go home na kasi alam at ramdam kong nag-alala na ng sobra ngayon si Tatay. May pagkapraning pa naman yun lalo na't malaki ang problema ngayon sa Avenia. "No." mariing sagot ni Black. Napatingin ako sa kanya habang nakaawang ang aking mga bibig. "A-ano? " di makapaniwalang tanong ko. "I said no" ulit nito habang hinihiwa ang karne. Napailing ako sa sagot nito. "P-pero bakit? Baka hinahana- no! Hinahanap na talaga ako sa bahay! " napahampas nalang ako sa mesa at di nakapagpigil na sigawan ito. Napaigtad naman si Troy at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Black. Mayamaya pa ay bumalik ito sa pagkain habang may nakakalokong ngiti sa labi. Napakunot-noo nalang ako sa reaksyon nito. Ganito ba to? Walang pakialam sa paligid? Pambihira. Nabaling ang atensyon ko kay Black nang tumayo ito at tumalikod na. Napatayo na rin ako upang sundan ito. "Black! " tawag ko sa lalakeng umakyat na sa hagdan ngunit hindi ako nito nilingon. Lakas ng loob ng lalaking ito na hindi ako pansinin, siya naman nagdala sakin dito sa pamamahay niya. Dali-dali ko itong sinundan ngunit likas na ata sakin ang pagiging malas ay natapilok ako. Inis kong hinubad ang heels na pinasuot nila sakin kanina. Ito talaga ang isa sa mga rason kung bakit mas gusto ko pang magsuot ng panlalake kasi komportable ako kesa sa mga gamit pambabae, ang hirap at nakakasakit pang gamitin. Tatayo na sana ako pero napasalampak nalang muli ako sa sahig. Tiningnan ko ang aking paa at nakitang namumula ito. Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa inis at ang walanghiyang lalakeng yun ay di man lang bumalik. Sinubukan ko paring tumayo ngunit plakda parin ako sa sahig. Pinilit ko pa ring tumayo ngunit ganun pa rin ang nangyari. Napasuntok ako sa sahig dahil sa inis at di ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak, dala na rin siguro sa inis. Come on, Alex! Hindi ka tinuruan ng Tatay mong sumuko agad. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumayo. Napangiti nalang ako nang magawa ko ito, hahakbang na sana ako ngunit biglang sumulpot si Troy mula sa kusina kaya nawalan ako ng balanse dahil sa gulat at aksidenteng natabig ko ang malaking vase sa gilid. "f**k! I-I'm so sorry, Luna. Are you okay? "bakas sa mukha ni Troy ang pag-alala at pagsisisi sa nangyari. "s**t! You're bleeding! " bulalas nito nang makitang dumudugo ang braso ko dahil sa bubog. Kumilos naman ito upang tulungan ako. "f**k! f**k!" "Stop cursing, you idiot!" nakangiwing sita ko rito. Umiling lang ito at huminga na malalim. "Damn! Alpha's gonna kill me! " dagdag pa nito. " Let me carry you, Luna. " "No, let me. " Troy stiffed as he heard Black's voice behind him. "Al-alpha" natatakot nitong tawag. Wait! What? Alpha and Black is one? Di makapaniwalang bulalas ko sa aking sarili. Tumingin naman ito sakin at umigting ang panga nito nang makitang may sugat ang braso ko. "Alpha, hindi ko sinasadyang gulatin ang Luna. Hindi ko kasi alam na nandito siya eh." Troy explained while keeping himself from trembling, gone from the silly Troy I've known earlier. Tinapik lang ni Black ang balikat nito at may binulong. Nakita ko namang tumango si Troy at humarap sakin. Humingi ulit ito ng dispensa bago nakayukong umalis sa harapan namin. Napasinghap ako nang biglang umangat ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Automatic akong napahawak sa leeg ni Black at hinayaang dalhin ako nito sa taas. Tahimik lang itong binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto niya habang karga-karga ako. Lumapit at pinaupo niya ako sa kanyang kama bago pumasok sa banyo. Mayamaya pa ay lumabas ito habang may dalang medicine kit. Tumabi ito sakin. Umusog ako konti dahil sa wala ng space ang pagitan samin. "Stop. " pigil nito sakin kaya napasimangot nalang ako. Umiling lang ito at dahan-dahang ginamot ang aking sugatang braso. This is awkward. I sighed and hinayaan siyang gamutin ang sugat ko. Tahimik lang ito habang ako ay nakatitig sa kanya. May puso rin pala ang kumag nito. "I-ahm.. Ano-" "I told you earlier to stay but you didn't listen, now look what happened to you." sermon nito sakin. Tinaasan ko ito ng kilay. "Te-teka nga-" iniwas ko ang braso ko sakanya kaya napatingin ito sakin. "-ako ba sinisisi mo?" di-makapaniwalang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa aking sarili. Hindi ito kumibo at nakatitig lang sakin. "Sino ba sa ating dalawa ang biglang umalis habang kinakausap ha?! I told you, I wanna go home pero anong sagot ang nakuha ko mula sayo? Diba wala? Tinalikuran mo lang ako! " Tinitigan niya lang ako kaya inis kong ito sinuntok pero napigilan niya lang ang suntok ko. Manghang tumingin ito sakin at ngumisi habang umiiling. "You don't have to go home, sweetheart. " nakangising sabi nito. Umangat naman ang kilay ko sa sinabi nito. "At bakit? " nakairap kong tanong. He smirked. "Cause you're already home." pagkasabi niya yun ay hinalikan niya ako bigla kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Natauhan lang ako nang maramdaman ko ang banayad niyang pagkagat sa ibabang labi ko kaya mabilis pa sa kidlat ko itong tinulak. Nagpatulak naman ito pero nakapaskil parin sa kanyang mukha ang ngisi. Mas lalong lumaki ang ngisi nito nang makitang namumula ako sa galit. Sinuntok ko ito agad pero nakaiwas naman kaya mas lalong lumapad ang ngisi nito. Susuntukin ko sana siya ulit nang biglang nagbago ang ekspresyon nito, nawala ang nakakainis nitong ngisi at napalitan ng pag iting ng panga. Imbes matakot sa pagbabago ng reaksyon nito ay hindi ko maiwasang mapahanga nang tumingkad ang gintong mata nito dahil sa galit. Tila ba'y may natanggap itong masamang mensahe. Napakurap nalang ako nang halikan niya yung noo ko at nagpaalam na may pupuntuhan daw siya sandali. Di man lang akong hinayaang makaangil at lumabas ito agad. Wala sa sariling napahawak ako sa noo ko. Damn! Iba talaga ang mokong na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD