"Ang haba ng hair mo pinsan, akalain mo naman nawala ka lang bigla sa inyo eh dito ka lang palang sa mansiyon ng isang napakagwapong kabaro ni Adan. Pak! You even changed?! Oh, naniniwala na talaga ako sa himala." drama ni Mae habang feel na feel ang pagkakaupo sa single sofa dito sa sala habang kaming dalawa ni Tatay ay nakakunot lang na nakatingin sa kanya. "Infairness ang daming gwapo sa lugar na to, ba't ngayon ko lang to nalaman na may mga ganitong lugar palang nag-eexist kung saan nagkakampo ang mga oh-so-yummy guys." patuloy na litanya ni Mae while wiggles like a worm. "Tigilan mo na nga yang kaartehan mong bruha ka! " naiiritang sabad ko sa kadramahan niya. "Huhuhu Tito oh! She's so bully talaga. Why can't you palo-palo her Tito?" Mae said while nagpapaawang tumingin kay Ta

