Lumabas ako sa kwarto ni Black dahil pinapatawag ako nito. Great! Kung hindi niya lang bahay ito nunkang susundin ko ang utos ng lalaking yun. Di nga ako sumusunod sa mga utos ni Tatay eh sa kanya pa kaya. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay di ko pa rin mapigilang mapanganga sa bawat nadadaanan ko. From the paintings and the vases na nakahilera sa gilid, damn! It cost fortunes. Gusto ko na tuloy magnakaw sa bahay na ito at ibenta sa Avenia kundi sa Crenon. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong may isang larawan na hindi nakapaint. It was taken by a camera. At mas lalong nakanganga sakin ay ang family picture siguro nila Black. His mother was so gorgeous, she really looked like a goddess. Kung nakita lang to ng pinsan kong gandang-ganda sa sarili na kahit bagyo ay talo sa

