Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at sakit ng katawan. Napakunot-noo ako nang mapansin ko na nasa kwarto ako ni Black. Pano ako napunta dito? Napasinghap nalang ako nang maalala ang nangyari. S-si Troy! Dali-dali akong tumayo at hindi pinansin ang sakit ng katawan upang puntahan at kamustahin si Troy kung ayos lang ba ito lalo na't tatlo ang sumugod sa kanya. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto at napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang maalala ko na muntik na akong mamatay dahil sa lobo. Ang nakapagtataka lang kung paano ako nakaligtas at sino ang nagligtas sa akin? Napabuntong-hininga nalang ako at ipiniling ang aking ulo. Ang importante hindi ako nilapa ng hayop na yun. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may nagbukas nito at pumasok si Black na nakatiim bagang lang. Na

