Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa harapan ng mansion ni Black. Hinihintay kong makabalik si Troy na kumuha ng kabayo na gagamitin ko sa pag uwi. Hindi ata uso dito ang mga sasakyan. "Hay!" bulalas ko. Nilibot ko nalang ang paligid ng mansion. Isa lang ang masasabi ko, napakaganda nito. May fountain na nasa harapan dito ng mansion na pinalilibutan ng iba't-ibang klase ng rosas. May mga malalaking puno sa paligid na pinalilibutan rin ng mga bulaklak. Kung pwede lang manatili rito ginawa ko na pero kailangan ko talagang umuwi. Hay! Buhay parang life. "Hey Luna- I mean Alex let's go." Napalingon ako kay Troy nang magsalita ito. Hawak ng isang kamay nito ang tali ng puting kabayo habang ang isang kamay naman nito ay sa kulay kayumangging kabayo naman nakahawak. Tumango ako rito

