Kumunot ang noo ni Ninong George dahil sa tingin nito may ginawa na naman kalokohan ang inaanak nitong si Ris. "Nadala mo ba ang pinapadala ko sa iyo?" Tanong ni Ninong George at mabilis na inabot sa kanya ni Ris ang niluto nitong pagkain para sa kanya. "Mr. G, nandito pala ako para pumerma na ng kontrata" Pabatid nanan ni Sandro at umupo ito sa sofa. "Akala ko ba ayaw mo ng offer namin sayo" Aniya ni Ninong George habang inaayos nito ang ilang dokumento. "Binasa ko ang mga agreement at okay naman siya sa akin. Kaya pumapayag na ako na maging ambassador ng products niyo." Pagpaliwanag pa ni Sandro sabay tingin kay Ris. "Ninong, kung wala na po kayo ipag-uutos, aalis na po ako" Saad ni Ris at tumingin naman sa kanya si Ninong George. "Mananatili ka lang dito, maupo ka lang diyan." Pag

