"Kayo na naman? Hindi paba sapat ang pangmamahiya niyo sa akin sa party?" Galit na tanong ni Ris. "Alam mo ba na pwede kasuhan sa ginawa mo at pagbabayaran mo iyon sa kulungan." Seryosong pagkakasabi ni Ninong George. "Gagawin niyo na talaga iyon sa akin?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Ris at lumapit sa kanya ang Ninong George niya. "Bakit hindi? Naging mabuti naman ako sa iyo pero nagawa mo ang bagay na iyon. kaya bakit hindi ko gagawin sa iyo na ipakulong ka. Dapat matutu kang pagbayaran ang ginawa mong kasalanan" Saad ni Ninong George at napalunok naman ng laway ang dalaga. "Pakiusap, h'wag niyo ako ipapakulong. Gagawin ko po ang lahat. H'wag niyo lang po ako ipakulong" Pagmamakaawa pa ni Ris. " Talaga gagawin mo lahat? Aniya ni Ninong George. "Opo, lahat-lahat gagawin ko" Mab

