bc

Say you love me... too

book_age12+
17
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
forced
opposites attract
comedy
Writing Challenge
YA Fiction Writing Contest
childhood crush
coming of age
first love
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Hinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon.

Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng aming pamilya?

Matutunan din kaya nyang mahalin ako?

*****

Started: april 6, 2020

Ended: may 13, 2020

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"GUSTO kita Jian!" narinig kong sigaw ng isang babae mula sa second floor ng isang school building. Lahat naman ng estudyante na naroon ay nagbulungan. Napalingon din ako sa gawi na pinagmulan ng sigaw. Isang magandang babae ang naroon habang may hawak na malaking banner na hugis puso. May nakasulat pa na pangalan ni Jian. "Wrong move girl," bulong ng aking katabi. Binalingan ko naman s'ya. "Paano mo nasabing wrong move iyon?" "Simple lang Althea, ayaw ni Jian sa ganoong klase ng babae. Iyong papansin at eskandalosa." Napatango na lang ako. Muli ay sinulyapan ko ulit ang babae na tila naghihintay na lingunin man lang s'ya ng binata. "Papansinin naman kaya s'ya ni Jian?" bulong ko. Inilipat ko naman ang aking pansin sa grupo ng lalaki na nasa ibaba. Naroon si Jian kasama ang ilang kaklase. Napansin ko na nagbubulungan pa ang kanyang mga kasama habang tumatawa. Nagsalubong naman ang aking kilay. Ano naman ang nakakatawa? Pinagtatawanan ba nila iyong babae? "Let's go out Jian! High school pa lang ay gusto na talaga kita!" sigaw ulit ng babae. Hindi ko naman mapigilang humanga sa tapang n'ya. Hindi lahat ay kaya gawin ang bagay na iyon. Iilan lang ang may kayang mag-confess lalo na kay Jian na hari yata ng pagiging suplado. Hindi katulad ko. Sinulyapan ko naman ulit si Jian. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon n'ya. Ngunit kagaya ng dati, naka-poker face lang s'ya saka nagpatuloy sa paglalakad na tila walang narinig. Nagkagulo na naman ang ibang babae at sumunod sa kanya. Araw-araw ay ganito ang nangyayari. Pinagkakaguluhan s'ya na parang artista. Para ngang normal na lang ang ganitong eksena dito sa school. Hindi naman ako nag-abala na sumunod sa grupo ng kababaihan na sumusunod kay Jian. Nagdesisyon na lang ako na maglakad pabalik sa classroom dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. "Nasayang lang ang effort nung babae," saad ko sa aking kasama. "Hindi man lang s'ya tiningnan ni Jian kahit saglit lang." "Dahil s'ya nga si Jian Park," sagot ni Bhea. "Parang hindi mo alam ang ugali n'ya, mas gugustuhin pa n'ya yatang magbasa kaysa makipaglandian sa babae." Totoo naman ang sinabi n'ya. Hindi pa namin nakita si Jian na may kasamang babae. Hindi din s'ya na-link sa kahit na sino. May bulungan pa nga na bakla s'ya pero hindi kami naniniwala. Alam kong pinapakalat lang iyon ng ilang lalaki na bitter sa kasikatan ni Jian. Bumalik naman sa alaala ko ang nangyari four years ago. Ito ang araw na kalilipat lang ni Jian sa aming school. Sa unang linggo pa lang n'ya dito ay nakuha na n'ya kaagad ang atensyon ng karamihan. Usap-usapan na napakatalino daw ni Jian. Marami din ang nagsasabi na genius ito at napakataas ng IQ. Pinatunayan naman iyon ni Jian. Sa loob ng apat na taon sa high school ay hindi s'ya nawawalan ng award. Consistent na nasa top one s'ya sa buong school at madami na din s'yang naipanalong quiz bee. Hindi lang iyon, he's also very good at sports. Nasa kanya na yata ang lahat, bonus pa na napakagwapo n'ya. "Lumipad na naman ang utak mo!" nagulat ako nang may biglang tumampal sa aking noo. Kasama ko nga pala si Bhea. Bakit ba sa tuwing naiisip ko si Jian ay nawawalan ako ng atensyon sa mga nasa paligid ko. "Naisip ko lang," saad ko. "Ano kayang klase ng babae ang tipo ni Jian?" Nakarating na kami sa classroom, agad naman kaming dumiretso sa aming upuan. "Sa tingin ko, iyong katulad n'ya." aniya. "Katulad n'ya?" "Iyong matalino, may mataas na IQ, magaling din sa sports, maganda at disente. Higit sa lahat ay nagmula din sa kilala at prominenteng pamilya." Bumagsak naman ang aking balikat. "Hindi ako iyon." "Galing ka naman sa maayos at kilalang pamilya, iyon nga lang hindi ka kagandahan at hindi kayo magka-level ng utak." Napairap naman ako sa kanya. Kaibigan ko talaga s'ya, wagas kung manlait. Isinubsob ko na lang ang aking mukha sa lamesa. Pakiramdam ko ay mas nawala ako sa mood mag-aral. "Cheer up friend," natatawa n'yang sabi. "Cute ka naman kaya pwede na iyan." "Huwag mo na akong bolahin Bhea, alam ko naman na malabo akong mapansin ni Jian dahil malayo ako sa mga sinabi mo." Hindi na nga matalino, hindi pa attractive. Nasaan ang hustisya doon?! Sayang lang, apat na taon ko din na palihim na sinusundan si Jian pero malabo pa sa tubig baha na mapansin n'ya ako. Naalala ko bigla kung paanong tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang una ko s'yang makita sa school auditorium. Nang panahon na iyon ay kauuwi lang daw ni Jian mula sa Korea. Napaka-cute n'yang tingnan dahil halatang naiilang pa s'ya that time at nasa stage of adjustment pa s'ya sa kultura dito. Still, hindi pa din n'ya naiwasang mag-stand out sa lahat ng kalalakihang naroon. Kahit bata pa ay lumalabas na ang angkin n'yang kagwapuhan. Nagmukha tuloy ordinaryo ang mga katabi n'yang lalaki. Mula noon, palihim ko na s'yang tinitingnan mula sa malayo. Isa din ako sa mga babae na nagkukumpulan sa tuwing dadaan s'ya. Kung pwede lang na magpalipat ako sa section one, sana ay magkasama kami araw-araw. Sa totoo lang, nakaka-frustrate ang sitwasyon ko. Mula high school ay nasa bottom section ako samantalang si Jian naman ay nasa top section. Parang langit at lupa ang agwat namin. "Pst! Thea!" Nilingon ko naman si Bhea. "Bakit?" "May assignment ka sa geo?" Kumunot naman ang aking noo. "May assignment ba?" "Ay tanga," napahilamos pa s'ya ng mukha. Hala! May assignment pala? Kaagad ko namang hinagilap ang aking bag saka hinanap ang aking notebook para sa geo. "Nasaan na iyon?" halos naitaob ko na ang aking bag pero wala doon ang aking hinahanap. Naiwan ko ba? Teka, baka nasa locker. "Bhea," binalingan ko ang katabi ko. "Babalik lang ako sa locker area. Ikaw na muna ang bahalang magpalusot kapag may naghanap sa akin." "Okay." Nagmamadali na tumakbo ako palabas ng classroom. Hindi ako nakagawa ng assignment, kailangan kong magmadali para makagawa pa ako bago dumating ang aming prof. Inabot ako ng ilang minuto bago nakarating sa locker area. Mabilis na pinindot ko ang aking password saka binuksan ang aking locker. "Nasaan na iyon?" bulong ko habang hinahalungkat ang laman ng aking locker. Naglaglagan na din ang iba kong gamit sa sahig pero hindi ko muna iyon pinansin. "Hay!" nakangiti kong bulong nang nakita ko ang aking hinahanap. "Nandito ka lang pala, tinataguan mo pa ako." Sinulyapan ko ang aking wristwatch. May oras pa para gumawa ng assignment. Ipinatong ko muna sa ibabaw ang aking notebook saka hinagilap ang ilan kong gamit na nalaglag sa sahig. Pati pala iyong secret box ko ay nalaglag. "Aish!" nagmamadaling dinampot ko ang mga love letters ko saka ibinalik sa loob ng kahon. Natigilan naman ako nang mapansin na may itim na sapatos sa aking harapan. May kasama pala ako? Marahan kong tiningala ang taong nakatayo sa harapan ko. Kamuntikan na akong mapaupo sa sahig nang makita ko kung sino iyon. Walang iba kundi si Jian Park! Nakatingin s'ya sa akin nang walang kahit anong emosyon sa mukha. Palihim naman akong napangiwi. Malakas ang radar ko kapag nasa paligid si Jian, bakit hindi ko napansin na nandito s'ya? Mabilis na kinuha ko ang ilang papel na nakakalat sa sahig saka padaskol na ibinalik lahat ng iyon sa aking locker. Sinulyapan ko ulit si Jian, nandoon pa din s'ya at nakatingin sa akin. "H-hello!" awkward kong saad saka ako tumakbo palayo. Bakit si Jian pa? Bakit naroon s'ya?! Para siguro akong baliw na tumatakbo. Gusto kong iuntog ang aking sarili dahil sa nangyari. Iniisip n'ya kaya na baka baliw ako? O baka naman sabihin n'yang napakaburara ko sa gamit? Pambira talaga! Iyon lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking utak hanggang makarating ako sa classroom. Nadatnan ko pa si Bhea na nakikipagtawanan sa kaklase namin. Hinihingal na naupo na lang ako. Hindi pa din mawala sa utak ko ang mukha ni Jian habang nakatingin sa akin! "Hoy," nakaramdam ako ng kalabit. "Bakit parang namumutla ka?" "W-wala," nanlalambot kong saad. Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Totoo bang nakita ko si Jian? Ano'ng ginagawa n'ya doon? Doon din ba ang locker n'ya? Aish, mababaliw na ako! "Althea!" isang malakas na hampas ang narinig ko. "Bakit ka nakatulala? May sakit ka ba? Nakakita ka ba ng multo? Saka nasaan ang notebook mo?" sunod-sunod na tanong ni Bhea. Eh? Napatingin ako sa aking kamay. Iyong notebook ko, nasaan na? Nanlaki ang aking mata nang maalala kong naipatong ko nga pala iyon sa ibabaw ng locker. "Naiwan ko," natataranta kong bulong. "Naiwan mo? Sa bahay n'yo?" Hindi! Gusto kong isigaw. Naiwan ko sa ibabaw ng locker dahil sa pagkataranta ko kay Jian! Palihim na natampal ko ang aking noo. Shunga mo talaga Althea! "Okay lang iyan friend. Ang sabi ng isang teaching assistant ay hindi daw makakapasok ang ating prof. Pwede mo pa iyon magawa mamayang gabi." Hindi ko naman magawang kumalma sa kaalamang iyon. Nag-aalala kasi ako. Paano kung nakita ni Jian ang notebook ko? End of the world na talaga! Ang dami kong sketches doon at puro mukha pa ni Jian. Naiinis na nasabunutan ko ang aking sarili. I'm so dead. "BAKIT ba kailangang kasama pa ako?" reklamo ni Bhea habang hinihila ko s'ya. "Nagugutom na ako friend!" Naglalakad kami ngayon pabalik sa locker area. Basta ko na lang s'ya hinila para may kasama ako. "Basta," sagot ko. "Mamaya ay ikekwento ko sa'yo." "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ang wierd mo kaya." Hindi ko na lang s'ya sinagot dahil natanaw ko na ang locker ko. Mabilis na nagtungo ako doon saka kinapa ang ibabaw. Kinabahan naman ako nang wala akong makapa na notebook. "Ano ba kasi ang hinahanap mo?" iritadong tanong ni Bhea. "Naiwan ko dito kanina ang aking notebook." "Sus! Akala ko pa naman ay sa bahay n'yo." "Bakit wala dito?" natatarantang tiningnan ko din ang ibang locker. Maging ang basurahan sa sulok ay tiningnan ko din pero wala talaga! "Bakit mo naman naiwan sa ibabaw ng locker? Sabog ka ba today?" Nanlalambot na napaupo naman ako sa sahig. "T-tumakbo kasi ako." Lahat na yata ng santo ay natawag ko huwag lang makita ni Jian ang notebook ko. "Bakit ba kasi tumakbo ka?" "K-kasi," nakagat ko ang aking kuko. "Kasi?" "Nakita ko si Jian dito kanina!" pag-amin ko. Natameme naman s'ya. Pareho kaming natahimik. "Ano'ng nangyari kanina?" tanong n'ya maya-maya. Mabilis kong ikinwento sa kanya ang nangyari. "Baka naman nakita n'ya?" nakangiting sabi ni Bhea. Mas lalo naman akong kinabahan. "Hindi pwede!" "Bakit naman?" naupo s'ya sa tapat ko. "Isipin mo, kung nasa kanya ang notebook mo, may chance ka na malapitan s'ya. Pwede mo s'yang tanungin tungkol sa notebook mo." Sabagay, may point nga si Bhea. Mabilis naman akong napailing. Hindi talaga pwede eh! "Hindi talaga pwedeng mapunta sa kamay ni Jian iyon, madami akong drawing doon eh!" "Drawing?" Kinutkot ko ulit ang aking kuko. "K-kapag nabo-bored ako sa klase, iginuguhit ko ang mukha ni Jian." Bigla naman tumawa s'ya ng malakas. Para s'yang baliw habang tumatawa, may kasama pang hampas sa akin. "Kung si Jian nga ang nakadampot ng notebook mo, kawawa ka! Kapag nakita n'ya ang drawings mo, baka isipin n'ya na obsessed ka sa kanya." Inirapan ko naman s'ya. "Hindi ka nakakatulong." Natatawa pa din na tumayo s'ya. "Huwag mo muna isipin iyon. Baka naman janitor ang nakapulot noon. Mamaya na lang natin hanapin. Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa cafeteria." Tumayo na din ako. "Mauna ka na." "Bakit naman?" Mabilis naman akong umisip ng palusot. "P-pupunta pa nga pala ako sa opisina ni Papa." "I see, then see you later!" mabilis na umalis s'ya at iniwan ako. Napabuntong hininga na lang ako saka dinampot ang aking bag mula sa sahig. Babalik na lang ako sa classroom. "Hindi normal sa babae ang makawala ng gamit." Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang nagsalita. Lumingon naman ako at sa gulat ko ay nakita ko si Jian na nakaupo sa isang sulok. May hawak pa s'yang papel habang nakatingin sa akin na tila bored s'ya. "K-kanina ka pa ba d'yan?" nauutal kong tanong. Hindi naman s'ya sumagot, bagkus ay tumayo s'ya saka marahang naglakad palapit sa akin. Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay sasabog din ang aking dibdib sa bilis ng t***k ng puso ko. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa gwapo n'yang mukha. "Next time, try to use your brain," malamig n'yang saad saka may iniabot sa akin. Nanlaki naman ang aking mga mata nang nakilala ko ang hawak n'ya. Ang notebook ko! Kiming kinuha ko na lang iyon sa kanyang kamay. Pinilit ko din kumilos ng kaswal kahit ang totoo ay gusto ko nang mag-collapse. "Sala—" nabitin ang aking sasabihin nang lampasan n'ya ako bigla. Hindi naman ako nagtangka pa na lingunin s'ya. Basta napangiti na lang ako dahil sa kilig. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko s'ya ng harapan. "Oo nga pala," narinig ko ulit ang kanyang boses. Mabilis ko namang binura ang aking ngiti saka marahan na humarap sa kanya. "B-bakit?" "Nakakadiri ang mga isinulat mo," aniya sa malamig pa din na boses. Isang piraso ng papel ang binitawan n'ya saka tuluyang naglakad palayo. Parang slow motion na pinanood ko na bumagsak sa sahig ang naturang papel. At halos panawan na nga ako ng ulirat nang mapagtanto kong isa iyon sa mga love letters ko!                           Ipagpapatuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
590.1K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.6K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.8K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
792.2K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.9K
bc

Sexytary |SPG|

read
563.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook