Liberian Girl-3

3112 Words
"ano ba bitiwan mo nga ako" sabi ko nang ipasok niya ako sa kotse niyang magara at sinirado ang pinto tsaka umikot at sumakay sa drivers seat. "Pwede ba buksan mo nga Ito at ibaba ako" Parang wala siyang narinig at pina andar lang ang kotse at simpleng nag mamaneho habang ako ay nag mamaktol sa kanya dito dito at pilit binubuksan ang pinto. "Sige ka baka mahulog ka dyan" pananakot niya sa akin. "Wala akong paki ang sabi ko buksan mo to!!" "Saan ka ba? sama nalang ako" pag iiba niya nang usapan habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada. Wala na akong nagawa kasi ako lang naman din ang napapagod sa pinang gagawa ko dito sa loob. "Bahala ka dyan di ko sasabihin" pag mamaldita ko sa kanya sabay cross arms. "Mag seatbelt ka nga dyan baka makita ka diyan at mahuli pa tayo ang laki pa naman nang penalty nang mga yon.." sabi niya sa akin at inabot ang seatbelt sa akin pero di ko siya pinansin at nag patuloy sa pag mamaldita ko dito. "Mag siseatbelt ka o ano?!.." galit na siya ngayon. "Ayoko.." pag mamatigas ko "At talagang... Anak nang tinapa naman oh!!" sabi niya sabay hampas nang manobela...Stop light na kaya huminto na siya at nagulat ako sa ginawa niya sa akin. "Ayaw mo? edi ako nalang gagawa" sabi niya tsaka nag smirk at kinabit na ang seatbelt ko. Ang lapit nang mukha namin at alam ko rin na namumula na ako dito, pigil hininga ang ginawa ko, tapos na siya sa pag ayos nang seatbelt ko pero di parin siya umalis sa harapan ko. Ang bango nang hininga niya ang mukha niya ay sobrang lapit sa akin ngumiti siya sa akin at tumingin sa mga labi ko ngayon at mas lalong ngumiti nang malapad. OMG!!! ngayon na ba ang araw na mawawala na ang first kiss ko at talagang sa bad boy pa na ito. Pero di naman kawalan, kese gwepe eng papa nye!! hoy ano ba tong naiisip ko bat ang laswa erase erase..Pero shem!! ang lapit nang mukha niya sobra tumagilid ang mukha niya at mas lalong pinagdikit pa ang mukha namin na naging dahilan para mag bangga ang mga ilong namin, kanya kaya napapikit nalang ako. Hinintay ko ang halik niya pero tawa lang ang inabot ko pagmulat ko. "HAHAHA kala mo naman hahalikan Kita" arghhhh bwesit talaga... Pinag hahampas ko siya sa inis ko hanggang sa nag green light na at nag drive na siya ulit nasabi ko na rin sa kanya na pupunta akong grocery. "Eh pano yung kikitain mo?" tanong ko sa kanya nang ma-alala ang sinabi niya sa akin kanina. "Wala yon...wala naman talaga akong kikitain eh I'm just lying to you" sabi niya at lumingon sa labas nang bintana niya at binalik na ang atensyon sa kalsada. "Nandito na tayo..." sabi niya at tinanggal na ang seatbelt sa katawan niya at tinanggal ko na rin yung akin saka kami bumaba. Nasa loob na kami ngayon nang grocery kukuha na sana ako nang basket nang mapansin ang mga tao na parang titigil saglit at titingin sa likod ko kaya napalingon naman ako at dun nakita ko ang dalawang babae na nag papicture kay bad boy. "Owemgy kuya ang gwapo niyo po!!" tili nang Isa sa kanila ginanahan naman ang Bryan. "Thank you girl's" sabi niya sabay kindat sa mga babae nag tilian Naman sila kaya napatingin din yung ibang namili dito. Napailing nalang ako sa mga pinang gagawa nang lalaking toh. Umalis na ako dun para simulan na ang pag g-grocery ko at makauwi na nang maaga para maka luto na din nang hapunan namin mamaya. Nandito ako ngayon sa may lagayan nang hotdogs. Kinuha ko yung Jumbo na hotdog. "Hmm mahilig ka pala sa jumbo na hotdog?" sabi nang lalaki sa likod ko at sa boses palang ay kilala ko na kung sino ang may ari. "Oo mahilig ako sa jumbo malaki na nga masarap pa" sabi ko at nilagay na sa basket at tumingin na sa iba pang pwede bilhin. Pumunta naman ako sa lagayan nang itlog. "At pati na rin sa itlog? hmhmm" sabi niya kaya nilingon ko siya nakita ko siyang nakangiti ngayon kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa iba lang bilihin. "Buti nalang malaki ang hotdog ko at itlog" bulong niyang sabi ngumiti hi di ko na siya narinig Kasi umikot na ako papunta sa mga kape at gatas at pumili na doon tsaka Ito nilagay sa basket ko. "Kung nag adobo kaya ako ngayon?" tanong ko sa sarili ko. "Oii adobo masarap yan favorite ko yan" sabi naman ni Bryan na di ko pinansin. Nag patimbang na ako nang manok saka ito inilagay sa basket sumunod naman ang sa karne nang baboy kumuha din ako at nilagay Ito sa basket at bumuli narin ako nang isda. Nasa banda na kami ngayon nang lalagyan nang inumin na tulad nang zest-o, Chuckie at marami lang iba. "Yes may Chuckie Isa...dalawa...tatlo..apat..." sabi ko at kinuha ang pito na Chuckie at kung hindi niyo po nalalaman paborito ko po ang inumin na Chuckie. "Favorite mo yan?" "Oo hindi ba obvious?" "Tsk ang sungit naman" "Ikaw wala kabang bibilhin?" tanong ko nang makita na wala siyang dala na basket o ano mang pagkain. "Wala...wala ibang pagkain ang bibilhin ko sana eh" sabi niya at tumingin tingin sa mga inumin. "Ano naman yon?" inosenteng tanong ko. "May mabibili kabang pagkain na ang pangalan ay..." pabitin niyang sabi at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Ano para matanong natin dito kina kuya baka meron—" "Na ang pangalan ay Kristen Blythe Hermosa?" putol niya sa sinabi ko at kumindat sa akin sakay ngumiti sa akin. "Hoy! kung inaakala mo na kikiligin ako sa mga banat mo paalala lang hindi ako katulad nang mga babae diyan na titili kapag ngumiti ka sa kanila.." sabi ko sa kanya "Okay sabi mo eh... But I'm sure someday kikiligin karin sa akin" pabulong na sabi niya sa huli saka tumingin sa mga dala ko at siya na ang nagbuhat nito at umuna nang naglalakad kaya sumunod na ako dito. Nasa counter na kami at kami na ang susunod nilagay ko na sa lagayan ang mga karne at mga pinamili ko para ma punch na ni ate. "Hi po sir" malanding sabi ni ate napatigil naman ako sa aking ginagawa at tiningnan si ate na ang kilay ay papunta na sa langit sa taas ba naman nang pagkaguhit. "Hello" sabi naman ni Bryan na dahilan nang pagkakilig ni ateng kilay. "Ate punch mo na.." Putol ko sa kanila " Ay sorry po ma'am" sabi niya at tumango naman ako bilang tugon dun at habang ginagawa Niya ang kanyang trabaho hindi niya maiwasan na tingnan nang pang ilang ulit si Bryan. "Bali 3,594 pesos po lahat ma'am"sabi ni ate na hanggang ngayon ay naka Bryan parin nakatingin. "Bwesit ba't ba kasi sumasama eh pwede naman umuwi nalang" sabi ko habang bitbit ang ibang pamilihin siya naman nag buhat sa mga mabibigat na dala ko kanina. Nasa bahay na kami ngayon at habang nag hihiwa ako nasagi sa isipan ko kung bakit parang ang bait nang lalaking to sa akin ngayon? eh hindi naman Ito ganito sa akin eh sa katunayan nga binubwesit ako nito at binubully sa school pero ngayon parang iba meron siguro tong kinain o di kaya naman ay sinapian nang anghel. "Teka ba't ang bait mo sa akin ngayon?" tanong ko sa kanya timing Kasi kumuha siya nang tubig at saka bat kaya andito pa tong lalaking to? "Mabait naman talaga ako ah" pag protekta niya sa sarili niya. "Sabihin mo nga sa akin... Nag da-drugs kaba?" tanong ko sa kanya dahilan para maibuga niya ang tubig sa mukha ko at ngayon ay basang basa na ako. "Sorry—" "Umuwi kana" sabi ko sa kanya sa malamig na tono. "Sorry talaga—" sabi niya at sinubukang punasan ang mukha ko pero huli na ang lahat. "Alis!!" sigaw ko sa kanya at sinunod naman niya yon matapos ang ilang segundo narinig ko ang kotse niya na nakaalis na. "Arghhhh!!! bwesit ka talagang Bryan ka!!!" sigaw ko sa hangin... Maaga akong nagising kasi lunes na naman araw na nanaman nang pasok nang eskwela. Nagsuot na ako nang uniform ko at nag ayos nang kunti at kinuha na ang gamit ko sa eskwela at nag pangango muna bago bumaba, naabutan ko si Papa na naghahanda nang almusal. "Oh anak andyan kana pala oh eto kain kana" sabi ni papa at hinain na ang pagkain sa mesa bacon lang at itlog ang almusal namin at nagsimula na kaming kumain sa kalagitnaan nang pag aalmusal namin nag salita si Papa. "Anak, alam ko na hindi tayo masyadong malapit sa isa't-isa pero kahit na ganon gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka ni Papa at gagawin ni Papa lahat protektahan ka lang.... naiintindihan mo?" tumango ako sa tanong ni Papa paiyak na ako kaya tumayo na ako at mahigpit na niyakap siya.. "Pa kahit di ko man sabihin sa'yo...Mahal na mahal po kita sobra" sabi ko at tulayan nang bumagsak ang mga luha sa aking mata at niyakap Naman ako pabalik ni Papa. "Tahan ka na, kumain kana baka malate pa tayong dalawa sa ating pasok" sabi ni Papa na nagpatawa sa akin kaya pinakalma ko na ang aking sarili at pinahiran na ang luha sa aking mata saka kumain na.. Nagpaalam na ako kay Papa na pupunta na aalis na ako..Ang saya nang araw ko ngayon promise at sarap pala sa pakiramdam na merong ama na nagmamahal at nagpropotekta sa'yo. Nandito na ako ngayon sa school at pag ka pasok na pagkapasok ko pa lang sa gate agad na bumungad sa akin ang masasamang mata nang mga estudyante dito. 'Oh my gosh siya ba yong babae sa billboard nang school na kasama si Papa Bryan?' 'Ew bakit kaya siya pinatulan ni Bryan eh ang pangit naman Niya mabuti pa si Shane maganda' 'Hala baka ginayuma niya si Bryan' Iilan lang yun sa mga narinig ko sa bawat estudyante na madadaanan ko dito sa hallway bakit kaya sila ganyan kung maka tingin sa akin? At ano naman ang nasa billboard?. "Blythe!" napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan at nakita ko si Nathan kaya nilapitan ko siya. "Oii Nathan kamusta? teka ba't ganyan maka tingin ang mga tao dito sa akin?" tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin niya ako, hinila niya ako papunta sa kung saan at mas lalong lumakas ang bulungan nang mga tao dito nang makita nilang hawak hawak ako ni Nathan sa kamay. "Teka asan tayo?" tanong ko pero parang wala siyang narinig at patuloy parin akong hinila hanggang sa mapunta na kami sa likod kung saan nanduon ang mga puno na kung aakyatin mo makikita mo ang buong campus at duon huminto kami sa Isa sa malaking puno dito. "Anong ginagawa natin dito?" sabi ko at tumingin tingin sa paligid wala masyadong tao dito kasi nasa likod na ito nang campus at may kalayuan din sa mga classroom kaya bihira lang ang mga estudyante dito pumunta. "Blythe makinig ka sa sasabihin ko" sabi niya sa akin at humawak sa aking balikat at seryosong nakatingin sa mga mata ko. "Ano yon?" tanong ko Naman sa kanya. "Layuan mo si Bryan at wag mong titignan ang billboard kahit aning mangyari" sabi niya sa akin "Huh? pero bakit eh mabait naman minsan si Bryan sa akin eh" sabi ko sa kanya pero umiling lang siya. "Basta...at wag kang lalapit sa kanya naiintindihan mo?" sabi niya sa akin dahilan para mas lalo akong maguluhan. "Eh pano yun? sa likod ko siya naka upo" sabi ko sa kanya. "Basta may naisip na ako" "okay" Nasa classroom na kami ngayon at katabi ko si Nathan naki lag exchange sit ako sa katabi ni Nathan na lalaki. Habang nag susulat ako pakiramdam ko may tumitingin sa akin kaya hinanap ko ito at nang magtugma ang tingin namin nakita ko sa mga mata niya ang inis at galit tapos tumingin siya kay Nathan at umigting ang kanyang panga saka padabog na lumabas nang classroom namin. Nagulat ang lahat pero binalik din ang tuon sa pagsusulat nang pinagsabihan sila ni Sir. "Wag mo nang pansinin si Bryan magsulat kana diyan baka pagalitan kapa ni sir" sabi naman ni Nathan kaya napa tango nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Hanggang sa matapos ang klase hindi ko nakita si Bryan, habang nag lalakad ako napapaisip ako kung bakit sinabihan ako ni Nathan na wag tumingin sa billboard? eh pano yun? pano ko malalaman kung ano ang ganap sa school kung hindi ako titingin dun? bahala na nga kay Nathan nalang ako magtatanong and speaking of Nathan nakita ko si Nathan na may kausap na babae at parang ang saya nilang dalawa hindi ko masyadong makita ang mukha nang babae kasi nakatalikod ito sa akin. Nakita ko kung paano ngumiti si Nathan sa kanya ngayon ko lang nakita si Nathan na ganyan kasaya ang ngiti ni minsan, kasi palaging ngiting peke lang ang nakikita ko sa kanya pero ngayon hindi na... Sana ako nalang ang babaeng yun, Sana ako ang nasa katayuan nang babaeng yun kung saan napapangiti niya si Nathan nang ganyan ka lapad. "Anong sabi ko sa'yo? di ba sabi ko wag mo nalang mahalin si Nathan?" sabi niya at sumabay na sa akin sa paglalakad. "Bakit? bawal ba mag kagusto sa iba kahit meron na siyang gustong iba?" Tanong ko naman sa kanya. "Hindi naman sa bawal...ako nga yung babaeng mahal ko may mahal na iba at mas masakit pa nun kaibigan ko yung gusto niya" sabi niya sa akin saka tumingin kaya napatingin din ako sa kanya at kitang kita ko kung paano dumaan any sakit sa kanyang mga mata nang mga oras na yun.. Siya ang unang umiwas nang tingin at ngumiti nang mapait. "Ba't di mo sabihin sa kanya na mahal mo siya?" tanong ko sa kanya. "Kasi alam ko na kahit sabihin ko man sa kanya na mahal ko siya, hindi niya parin ako mamahalin kasi bad boy ako" sabi niya. "Sabi ko na nga ba eh yan ang dahilan kaya ayaw ka nang Mahal mong babae" sabi ko saka tumawa nang napaka lakas hanggang sa pati siya ay tumawa na rin. Huminto ako sa kakatawa nang mapatingin ako sa kanya first time kong makita siyang tumatawa nang ganito kasaya mas gwapo pala talaga siya pag naka ngiti at tumatawa sana ganito nalang si Bryan palagi nalang ngumingiti at mabait kaysa naman sa pagiging bad boy. "Alam mo mas gwapo ka kapag tumatawa ka at ngumingiti" sabi ko sa kanya na nagpatigil sa kanya at tumingin sa akin saka ngumiti. "Teka saan ka'ba kanina bat bigla ka nalang umalis?" tanong ko sa kanya na nagpawala sa ngiti sa kanyang mga mata at napalitan ito nang galit saka umiwas nang tingin sa akin. "Ayos kalang ba?" Tanong ko sa kanya. "Tara kain tayo libre ko" pag iba niya nang topic saka ako hinawakan at hinila papunta sa street food na kakainan namin. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak ito, ito nanaman ang puso ko ang bilis na naman nang pintig kaya napahawak ako dito..Huminto kami sa may kwek-kwekan. "Ang paborito ko" sabi ko saka bumitaw sa hawak niya sa akin at nauna na nang kumuha at kumain nang kwek-kwek. "Ang tagal ko nang hindi nakakain nito" sabi ko habang nasasarapan sa pagkain, nakita ko naman na kumuha na siya nang isa saka nilagay sa plato ko at kumuha ulit siya para sa kanya. "Kuya magkano po lahat?" tanong niya kay kuya. "Kwarenta lahat iho" sabi ni kuya nagbayad naman kaagad si Bryan Kay kuya saka kinuha ang inumin nang matapos na siyang kumain nang kwek-kwek tinapon ko naman yung cellophane ko at binalik Kay kuya ang platito. "Buko juice" inabot sa akin ni Bryan ang inumin at ininum ko naman ito sayang libre pa naman saka gutom na din ako. "Same pala Tayo nang favorite na street food?" Tanong niya sa akin habang umuopo kami sa gilid nang kalsada. "Siguro? bakit favorite mo ang kwek-kwek?" "Oo maya nga diba sabi ko same tayo nang favorite? ang slow mo talaga minsan.." sabi niya naman sa akin nag stay muna kami dun nang ilang minuto saka nag kwentuhan saglit hanggang sa mapag pasiyahan na naming umuwi. Habang kasama ko si Bryan kanina hindi ko alintana na bad boy siya kasi ibang iba siya kanina kung umasta eh iba siya sa Bryan na nakilala ko na bad boy at bully sa akin at sa iba naming kaklase, kanina yung Bryan na kasama ko ay gusto lang mag chill at tumawa malayong malayo sa bad boy na nakilala naming lahat. Kakarating ko lang sa bahay nang maamoy ko ang bango nang luto ni Papa. "Andito na po ako" masiglang bati ko sa ama ko naabutan ko si Papa duon na nag prepare para sa hapunan namin. "Wow ang bango hah saka mukha palang yummy na!!" sabi ko kay Papa saka nag mano at yumakap sa kanya. "Oh siya at maupo kana at tayoy kakain na" sabi ni papa at umupo na rin, nagdasal muna kami bago kumain. Busog akong umakyat sa taas at nakita ko si Papa mula sa labas nang kwarto niya para siyang may tinitingnan kaya pumasok ako sa loob at tiningnan din ang tinitingnan ni Papa kanina pa. "This is you when you where still a baby" sabi ni Papa napatingin naman ako sa baby picture ko na karga karga pa ako ni mama at nasa likod Naman si papa na masayang nakatingin sa akin. "If only your mom is alive, Alam kong hanggang ngayon masaya parin tayo" sabi ni Papa saka tuluyan nang lumuha, niyakap ko si Papa. "Pa wag mong sabihin yan, kasi kahit si mama hindi ginusto na mawalay sa piling natin but God is already calling g her to go back home tsaka I'm sure hindi siya pababayaan duon nang Diyos sa taas.." sabi ko naman kay Papa habang nakayakap sa kanya nang mahigpit. "Tahan na Pa, alam mo Naman yon si mama ayaw non na umiiyak ka kaya tahan na okay" pampalubag loob ko kay papa. "Sige na nak, okay na si Papa matulog kana" sabi naman ni papa. "Tabi tayo" sabi ko sa kanya na ikinangiti ni papa. Humiga na kami ngayon sa kama para matulog at habang yakap yakap ako ni Papa ay henehele niya naman ako sabay haplos sa buhok ko hanggang sa maramdaman na unti unti na akong inaantok hanggang sa ako ay makatulog na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD