Gumising ako na may ngiti sa mga labi, nag paalam na ako kay papa na papasok na ako sa school at ilang oras lang ay andito na ako sa eskwelahan at agad na akong umupo sa upuan ko at nag babasa nang mga notes ko at habang nag babasa merong ngiti sa aking mga labi at dahil yun kay Papa, Magkatabi parin kami ni Nathan tulad nang sabi niya sa akin...
"bukas tabi parin tayo.."
Hays sarap talaga sa feeling na merong kang Ama na masasandalan na merong kang Ama na gagawin ang lahat maprotektahan ka lang, Ama na mas mahal ka pa kaysa sa sarili niya.
Dumating na si Nathan at umupo na ito sa tabi ko inayos niya muna ang kanyang sarili at mga gamit. Kaya binaling ko na muna ang aking atensyon sa binabasa ko.
"Looks like somebody is on good mood now!" sabi niya sa akin ngumiti nalang ako bilang tugon at sinarado na ang notes na binabasa ko saka nakipag usap sa crush ko.
"Kamusta?" tanong ko.
"Ayos lang naman..how about you? parang ang saya natin ngayon ah!"
"Ah wala si Papa lang ang dahilan nang mga ngiti ko" sabi ko sa kanya at napangiti din siya. Shemay!! Ang gwapo talaga nang papa Nathan niyo pag ngumiti!!..
" By the way, I saw you yesterday...you are with Bri" sabi niya at umupo na rin natahimik ako sa sinabi niya.
"Sorry" sabi ko naguguilty kasi hindi ko siya sinunod nang sabihin niyang wag akong lalapit Kay Bryan.
"Don't feel sorry I know your feeling's for him can't stop you from what you where doing"
"Huh? Ako may feeling's sa bad boy na yon? No way..." Sabi ko sa kanya. "I hate him if you just know" sabi ko pa sa kanya sabay iling but he just smile at me and look at me teasingly.
"The more you HATE, the more you LOVE... And sa lahat nang nakita ko yesterday parang hindi naman halata na hate mo siya" sabi niya at tumingin sa pinto. Kakapasok palang ni Bryan sa classroom pero ang tingin niya nakay Nathan agad at ang talim nito nagtitigan sila nang ilang sandali bago binaling sa akin ang tuon ni Bryan saka ngumiti.
Himala at may ngiti ito ngayon sa labi, kasi kada pasok nito kung hindi pasa ang makikita mo ay galit naman minsan ang mood, pero ngayon.....in fairness mas lalo siyang gumagwapo sa pag ngiti niya.
"Does eyes don't lie" sabi sa akin ni Nathan. Nakitang kong umupo na si Bryan at tamang tama naman kasi nagsimula na din ang klase.
"So let's group our selve's into four" sabi ni ma'am kasi may gagawin kami na reporting at ang topic ay about "change" sa Filipino subject.
"Let's start counting"
"1..."
"2.."
"3.."
"4.."
"1.."
"2.."
At nag paulit ulit lang yon at ang number ko ay "4" tumayo na ang group 1 tsaka ang group 2 pati narin ang 3 para pumili nang leader nila.
"And sa group 4 please stand up" sabi ni ma'am sa harapan namin kaya tumayo na kami na group four at sa di inaasahang pangyayari ay ka groupo ko si Bryan.
"Okay choose your leader and leader ilagay ang pangalan nang iyong member sa malinis na papel at ipasa ito sa akin" pinili naming maging leader si Bryan and sa kasamaang palad ka groupo ko so Chelly, hindi ko guro na banggit na kasing edad lang kami ni Chelly at mag kaklase din. Pinapunta na kami ni Bryan sa mga pwesto namin at nag usap-usap para sa Theme na "Change"
"So anong gagawin natin?" tanong nang isa sa ka grupo namin.
"Mhm...How about we discuss about transformation... I mean change is also transformation right?" sabi ni Chelly at tumango naman ang iba pero ako hindi kasi nagugulohan ako.. ano daw?
"Kung transformation kaylangan merong tayong person na nakitaan nila nang transformation like....for example from ugly to beautiful" suggest naman nang iba pa naming ka grupo na tinanguan ko lang Kasi naintindihan ko na ngayon ang gusto nila mangyari.
"Pero hindi dapat dun nag tatapos lahat..Oo nga at may transformation about physical appearance but how about the personality?" sabi naman ni Bryan... Napa isip naman kaming lahat sa sinabi niya, aba matalino naman pala itong leader namin.
"But first sino muna ang tao na gagamitin natin for transformation?" tanong nang isa sa amin, napatango naman kami 'sino kaya sa amin ang pipiliin nang grupo?' tanong ko sa isipan ko.
"Alam ko na kung sino" sabi naman ni Chelly saka tumingin sa akin na may ngiting nakakaloka.
"Bakit?..." tanong ko sa kanila nang napatingin silang lahat sa akin.
Nasa banyo ako nang bahay at sabado na ngayon ang bilis lang nang pangyayari napag-isipan na namin lahat na ako ang gagawan nila nang transformation about sa theme na "CHANGE" at habang nag s-shampoo ako naalala ko ang sinabi sa akin ni Chelly nung nasa rooftop kami...
****
Nasa classroom ako at nagbabasa sa libro nang biglang pumasok sila Shane,Rose, at Chelly hindi ko lang sila pinansin baka kasi si Bryan ang hanap nila o di kaya naman ay si Nathan. Nang may biglang umupo sa harapan ko at kinuha ang binabasa kong libro at pinalibutan ako nang mga kaibigan niya.
"Hey ugly... how are you?" bati ni Shane sa akin pero tiningnan ko lang siya at yung tingin niya naman sa akin ay parang papatay na nang tao ngayon.
"Ayos lang ako...ikaw?" tanong ko sa kanya pero tanging sampal lang ang inabot ko sa kanya at agad kong naramdaman ang init sa mga mayae ko at mga luhang nag babadyang kumawala.
"How dare you!.. Sa lahat nang lalaki si Bryan pa talaga ang ginayuma mo!!" sigaw niya sa akin, akmang tatayo na ako nang hinawakan ako ni Rose at tumakbo paalis si Chelly nilingon siya nang mga kaibigan niya pero binalik din naman sa ang atensyon kaagad.
"Ano ba bitiwan mo nga ako!!" sabi ko at nagpupumiglas sa hawak ni Rose hinawakan naman ni Shane ang mukha ko at sinabihang.
"Wag mong agawin ang hindi sa'yo naiintindihan mo? NAIINTINDIHAN MO!!" sigaw niya sa akin napatango naman ako..
Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si Bryan at si Nathan na matalim tingin ngayon kay Shane at Rose...
"Don't you dare touch here once again" banta ni Bryan kina Shane at Rose at tumingin sa akin nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Shane!!" sigaw naman ni Nathan na umaalingaw-ngaw sa buong classroom na nagpatahimik sa kaninang maingay. Nanginginig na binitawan ako ni Rose at ni Shane pagkabitaw nila sa akin ay tumakbo ako nang napakabilis napa tingin pa ang iba sa akin nakita ko naman si Chelly na napatingin din sa akin.
Nasa rooftop ako ngayon umiiyak, ganito nalang ba palagi wala naman akong ginawang masama ah? may mali ba sa pinang gagawa ko? hindi ko naman kasalanan na lapit nang lapit sa akin si Bryan.. Pagod na ako eh pagod na pagod....
"Pasensya kana si ginawa nila sa'yo ah" napatingin ako sa nagsasalita at doon nakita ko si Chelly na ngumiti nang mapait at tumingin sa kawalan.
"Sorry....on behalf of them...I'm sorry" sabi niya sa akin saka tumingin diretso sa mata ko.
"What do you mean?" pinapahidan ko yung mga luha ko sa harap mismo nang babaeng nam bubully sa akin sa school "Ba't ka nag s-soryy?"
"Kasi alam kong sobra na..." sabi niya at bumuntong hininga, hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa aking mga mata " Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad pero sana bigyan mo ako nang chance na magbago at sana hindi mo isarado ang puso mo sa amin na nam bubully sa'yo" sabi niya... Hindi ko alam kong paniniwalaan ko siya o ano pero tama siya sana lang talaga hindi ko isarado ang puso ko sa mga taking nam bully sa akin at sa mga taking humihingi nang pasensya...
"Sige ganito nalang para makabawi ako sa'yo magbonding tayo....ngayong sabado ala una nang hapon susunduin kita sa bahay mo"
*****
Ano kaya ang gagawin namin ni Chelly? Kinakabahan ako na may halong excitement, kaya pag katapos kong maligo ay nagbihis na ako saka inayusan nang kaunti ang sarili ko saka bumaba na at naghintay nang ilang saglit sa sala.
* To Papa*
:Pa, baka po matagalan ako nang uwi mamaya gagala po kasi kami nang kaklase ko eh...Don't worry pa babae naman siya si Chelly..
Text ko kay Papa baka kasi matagalan kami mamaya nakapag paalam naman na ako sa kanya kanina bago siya umalis para sa work.
*beep beep*
Narinig ko na ang busina nang kotse ni Chelly kaya tumayo na ako at chineck kung ayos na ba ang lahat sa bahay bago ako lumabas at ni lock ang pinto saka ang gate. Binuksan ni Chelly ang pintuan nang kanyang kotse saka ako pinapasok sa loob.
"Are you ready?" excited na tanong niya sa akin. Ang gara nang suot niya samantalang ang suot ko ay nagmumukha akong kasambahay niya.
"Parang?..." Hindi ko alam ang isasagot ko pagkatapos nun ay sumenyas na si Chelly na umalis na kami at habang nasa biyahe nag usap usap naman kami ni Chelly about sa pambubully nila sa akin.
"Alam mo mabait naman talaga yan si Shane at si Rose eh, kaso lang nag bago yun nang malaman ni Shane na may gustong ibang babae si Bryan tapos nalaman pa niya na dahil sa'yo ay napapunta si Bryan sa principal's office kaya ayon.." sabi niya kaya napatango ako sa sinabi niya, tulad nga nang sinabi ko nung nakaraan dapat hindi mag judge lalo na at hindi natin sila nakausap o nalaman ang estorya kung bakit sila nag kakaganito..
"Kawawa naman si Shane... eh si Rose?"
"Ah si Rose may pagkamataray at pagkamaldita talaga yun pero pag di sinusumpong mabait naman yun" sabi niya sa akin at marami pa kaming napag usapan ni Chelly hanggang sa dumating na kami sa aming distinasyon at bumaba na kami..
"Salon?"
"Yep!!"
"Bakit tayo nandito?.. Wala akong pambayad"
"Basta my treat..." sabi niya saka ako hinila papasok, napatingin pa ang mga tao sa akin pero binalik din Naman ang atensyon sa mga ginagawa nila, pumunta na kami sa counter.
"Good afternoon Miss Chelly I'm happy to see you again!!" sabi nang bakla sa counter saka napatingin sa akin.
"Me too.. by the way I want to have a make over with her.." sabi naman ni Chelly kay ateng bakla sa counter.
"Sure, I'll make sure na mas lalo kapang gaganda.. kasama ang kasambahay mo"
"No, she's my friend" pay clarify ni Chelly sa kanya, sarap upakan nang baklang to ah.
"oh sorry..this way please" sabi niya at pinaupo na kami sa mga upuan dito hindi ko rin naman masisi si ateng bakla kasi nang tignan ko ang sarili ko sa salamin...Wag nalang!!.
"Are you ready for your transformation?" tanong sa akin ni ate na ang pangalan ay Lancie and yep she's gay but damn ang ganda niya namang bakla mas mukha pa siyang babae kaysa sa akin.
Inuna nila ang buhok ko sinuklay nila ito at parang nahihirapan sila sa pagsuklay nito nang tumingin ako nang alanganin sa kanya ngumiti lang siya nang mapait at pina kita sa
akin ang suklay na nahati na dahil sa buhok ko..
Sunod naman nilang trinabaho ay ang kilay ko ang sakit pala sobra. Pagkatapos naman ay winax nila ang legs at braso ko at mas masakit pa iyon kaysa sa pag bunot nila nang kilay ko.
May dalawang ate na nagtatrabaho sa paa at kamay ko para sa manicure at pedicure ang pinili kong design ay 'French Design' at si Ate Lancie naman ay naka assign sa mukha ko para mag lagay nang make up sa akin at ang isa naman nilang kasama ay sa buhok ko banda..
"Are you ready for the new Kristen Blythe?" tanong sa kanila ni ate Lancie.
"In a count of 3..2..1.. Tadann!!!" sabi niya at binaba na ang nakaharang sa mukha ko para makita nila ako..Nakita ko kung paano mamangha sila Chelly at ang ibang customer dito sa salon.
"Beautiful..." manghang sabi ni Chelly na parang iiyak.. Sinunod ko ang sinabi sa akin nila ate Lancie at Chelly na umikot para tingnan ko ang sarili ko sa salamin. May halong kaba at excitement ang naramdaman ko bago ko tuluyang nasilayan ang bagong ako..
"Ako ba Ito?" sabi ko habang pinag mamasdan ang mukha ko sa salamin napatango naman sila sa likod ko. Dahan dahan kong hinawakan ang mukha ko at muntikan na akong maluha nang dahil sa transformation ko..
"Salamat....Thank you so much, ang ganda grabi.." maluha- luhang sabi ko at napangiti naman sila sa akin.
"Wag kang iiyak sayang yung make up" sabi naman ni ate Lancie kaya tumawa kami dahil sa sinabi niya..
Andito naman kami ngayon sa mall at habang naglalakad napapatingin sa akin ang mga tao lalo na ang mga lalaki hanggang sa marating na namin ang among direksyon.
"Good evening ma'am!" masayang bati sa amin nang babae sa counter at ginaya na kami sa mga damit na magaganda at mamahalin pumili doon si Chelly saka ako pinapasok sa fitting room.
Lumabas na ako suot ang white polo shirt at blue jeans, sunod naman ang vintage dress na color red and black at marami pang iba saka pumasok kami sa sapatosan at pinasuot ako nang mga heel's, una ayaw ko kasi di ako marunong mag suot non pero binili parin namin kasi sabi niya matutunan ko rin daw ito at magagamit ko daw ito sa future eh hindi ko naman alam kung kailan dadating ang future na yon.
Nagpasalamat ako nang paulit ulit kay Chelly sa lahat nang ginawa niya sa akin sa libre niya at sa one of my markable moment in my life.
Tiningnan ko ulit ang mukha ko sa salamin nang makita ako ni Papa ay pati siya namangha at muntikan pang maiyak. Napangiti ako nang pait, pano kaya Kung andito si mama? ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagbabago ko?Natulog na ako at ready na pumasok sa eskwela bukas.
Pagka gising na pagkagising ko sa umaga ay agad akong naligo at nagbihis saka nag ayos "Kaya mo to self!! laban lang" yun ang sinabi ko bago ako lumabas nang kwarto at kumain na kaagad nang almusal saka nag paalam Kay Papa na aalis na.
"Oh my gosh, who is she? she's so beautiful"
"Bro, tignan mo oh may bagong chicks"
"Mas maganda parin ako dyan no..Pero sige ngayong araw lang...ang ganda niya" Iilan lang yan sa mga narinig ko sa bawat estudyante na madadaanan ko.
"Kabi!..." napalingon ako kay Chelly na dali daling pumunta sa akin saka ako kinapitan sa braso at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Ba't naka tingin sa akin ang mga tao dito?" bulong ko kay Chelly.
"It's because your beautiful.." sabi niya sa akin at pumasok na kami sa loob nang classroom, huminto naman ang iba naming kaklase nang nakapasok kami sa loob saka napatingin sa akin.
"Let's sit?" napatango ako sa sinabi ni Chelly, magkatabi parin kami ni Nathan at umupo na upuan Niya si Chelly saka ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula na ang klase, teka parang absent ngayon ang bad boy ah.
"He's sick.." biglang sabi ni Nathan sa akin habang nag l-lecture sa harapan si ma'am.
"Huh? what do you mean?"
"Puntuhan mo siya mamaya I'm sure ikaw lang ang makapag gagaling sa kanya" sabi niya sa akin habang nagsusulat kaya pag katapos na pagkatapos nang kalse ay inihatid niya ako sa bahay nila Bryan grabi ang ganda pala nang bahay nang bad boy nato.
"This way ma'am.." sabi sa akin nang isa sa mga katiwala dito sa bahay nila at huminto kami dito sa tapat mismo nang kwarto ni Bryan saka niya ako iniwan kaya kumatok na ako.
*knock knock*
"I told you already I don't want to eat!!" sigaw niya naman mula sa loob.
"Ako to si Kristen..." sabi ko at matapos ang ilang saglit ay bumukas ang pinto kaya pumasok na ako nagdadalawang isip pa ako kasi madilim sa loob, tinawag ko nang paulit ulit ang pangalan niya at narinig kong sumara ang pinto kaya napatalon ako nang kaunti, naramdaman ko ang lamig sa aking katawan.
"Bryan hindi nakakatuwa.." sabi ko sa takot na tono baka kasi may momo dun..
"Kristine....." narinig kong may tumawag sa akin kaya tumalikod ako para tingnan kung sino yun pero wala kaya humarap akong muli at..
"Ahhhhhhh!!!!......" tili ko nang may nakita akong lalaki na may ilaw sa mukha..
"HAHAHAHA" tawa naman nang bad boy nato para na siyang mamamatay sa kakatawa nang dahil sa reaksyon ko.
"Bwesit ka talaga!!! bwesit, bwesit!!" sabi ko sa kanya at pinag papalo siya sa braso niya at nang tapos na siya sa kakatawa sa akin ay binuksan niya na ang ilaw nang kwarto niya at nakita ko ang loob nito..
Wow mas malaki pa ito sa kwarto ko pwede na kaya ito maging bahay nang isang pamilya.. Itim at puti lang ang disenyo nang kanyang kwarto.
"Kala ko ba may sakit ka parang wala naman ah, Kasi kung makatawa ka parang wala kang iniidang sakit" sabi ko sa kanya at umupo sa sofa dito sa kwarto niya humiga naman siya ulit doon.
"Sinabi ba sa iyo ni Nathan?"
"Oo" sabi ko sa kanya at nag text muna kay Papa para sabihin na sasamahan ko muna si Bryan kasi may sakit.
"Sabi ni Papa pagaling ka daw" anunsyo ko sa kanya tumango naman siya bilang tugon nanatili muna kaming tahimik hanggang sa may make akong kumatok sa pinto at ako nalang ang nagbukas nito nagulat ako kasi nakita ko si Rose.
"I knew it..Is this your new girl again?" tanong ni Rose saka tumingin sa likod ko
"Ah hindi..andito ako para bumisita lang Kay Bryan"
"Your voice looks familiar?"
"Ah ako ito si Kristen" sabi ko sa kanya nag isip naman siya saka napanganga.
"So it's really true that you transform yourself from a nerd and ugly to this beautiful and human being?" Ouch ha ang sakit din naman.. Napatango nalang ako bilang tugon
"So anong ginagawa mo sa kwarto ni kuya?" sabi niya sa akin kaya napasilip si Bryan sa amin ni Rose.
"I already told you Rose I don't want to eat" sabi ni Byran kay Rose.
"But kuya, Mom and Dad already told me na pakainin ka wether you like it or not" maarteng sabi ni Rose sa kuya niyang si Bryan and yep she is Bryan's little sister kaseng edad lang sila ni Shane.
"You know what, here take it ikaw nalang magpakain sa brother kong ugly" binigay niya sa akin ang pagkain saka umalis at pumasok sa kwarto niya nagkatinginan naman kami ni Bryan saka bumalik na sa loob.
"Akin na kakainin ko nalang yan" sabi niya at kinuha sa akin ang tray na may pagkain niya saka nagsimulang kumain dun sa kama Niya.
Napatingin naman ako sa kanya, kada lagok niya nang pagkain lumalagok din ako nang aking laway, Kasi naman hinatid ba naman ako ni Nathan dito na walang kain.
"Wanna eat? come join me...here" sabi ni Bryan saka tinapik ang tabi niya sinasabi na dun daw ako umupo kaya hindi na ako nag dalawang isip na umupo dun at nagsimula nang kumain.
"Teka galing kabang bundok at ilang araw nang hindi nakakain?" sabi niya sa akin nang pagmasdan akong kainin lahat nang pagkain na mahawakan ko. Natapos na ang hapon at pinahatid na ako ni Bryan sa kanyang driver pero bago yun ay niyakap niya muna ako at sinabing..
"Thank you for visiting me here and also.... Te ves tan hermosa (you look so beautiful) " saka pumasok na ulit sa bahay nila umuwi akong may ngiti sa aking mga labi at ang puso ko? ayon hindi na mapigil sa lakas nang pintig nito..