Po'v Ava Masaya ko siyang niyakap dahil sa sinabi niya. Nagpapasalamat ako dahil maunawain ang bestfriend ko. Napakaswerte ko sa kanya bihira na lang ang ibang lalaking ganito ngayon. Niyakap ko siya ng mahigpit "Salamat sa pag-intindi Mike" bakas sa tono ng boses ko ang saya, niyakap naman niya ako pabalik at hinagod niya ang likod ko. "Basta ako pa rin ang bestfriend mo ah" humiwalay kami sa pagkakayakap binatukan ko siya na madalas kong ginagawa. "Bakit gusto mo bang palitan kita ha?"biro ko sa kanya habang natatawa. "Wag naman pinagpalit mo na nga ako sa isa mong manliligaw eh basta ako pa rin ang bestfriend mo! Walang aagaw sayo nun!"para siyang batang nagyayamot kaya naman tinawanan ko siya. "Pero seryoso, ako lang dapat ang boy bestfriend mo ah" nakanguso nitong sabi. Pin

