Dedicated to StayHopesAlive Po'v Ava Para akong nasa hot seat dahil sa kanilang dalawa. Kulang na lang ata magsapakan na silang dalawa kung wala lang ako at wala sila sa bahay namin. "Teka ahh sobrang seryoso niyo naman" biniro ko pa sila pero tinitigan lang nila akong pareho. "Bakit ka pa kasi nagsalita Ava?" sa isip-isip ko. "May ibang nanliligaw pala sayo bakit hindi ko alam?"tanong ni Mike na may mapanuring nakatingin sa akin. "Ngayon pa lang ako nag-uumpisang manligaw pare, kaya ako andito para magpaalam sa magulang ni Ava"nagpapasalamat ako dahil si Jake ang sumagot sa tanong ni Mike dahil baka hindi ko kayanin pag ako ang sumagot. Bumaling naman sa akin si Mike"Totoo ba yun Ava?"tanong niya. "Oo eh kaya dinala ko siya dito sa bahay. Ayoko din naman magpaligaw na hindi

