Chapter 17

1564 Words
Po'v Ava Sa mga lumipas na araw lagi na kaming magkasama ni Jake wala na din naging problema pa dahil hindi naman nagpaparamdam si Katherine sa kanya. I hope na magtuloy-tuloy na to para hindi na din siya maguluhan pa. "Ikaw Ava ahh simula ng pinakilala mona sa amin si Jake kayo na lang ang naging magkasama"nagtatampong sabi ni Zallyna sa akin. "Oo nga hindi kana din sumasabay sa amin kumain palibhasa crush mo naman ata yun"sigunda ni Gina na nagsusulat sa notes neto dahil nalate siya kahapon sa first class namin at hindi siya pinapasok ng prof namin dahil late na nga siya kaya itong gaga na to nag hahabol ng mga ginawa namin kahapon. "Ayan na naman kayo ang ingay-ingay ko talaga kahit kailan!"naiinis na sabi ni Chen habang natutulog sa lamesa. Baliw to eh lahat na lang ng puntahan namin ginagawang tulugan kahit ata imburnal ang pupuntahan namin matutulog pa rin to. "Ehh kasi naman inaaya niya ako eh edi sasama ako nakakahiya naman kung tatangihan ko yung tao diba?"depensa ko sa kanila. Mahirap na talo ako sa kanila dahil dalawa sila ako nag-iisa lang. Wala pa namang kinakampihan si Chen pag-ganito at lalong-lalo na pag mag away. Andito pa naman kami sa cafeteria hilig kasi nilang tumambay dito lalo na kung usapang pagkain at tambayan din naman lang ang pag-uusapan. "Oh speaking of the devil papalapit na siya dito"ngumuso pa ito sa likod ko. "Hi girls! Anong pinag-uusapan niyo?"umupo ito sa tabi ko at nakangiting bumaling sa akin "Hi Ava!" "Hi Jake wala naman kaming pinag-uusapan eh na mahalaga wag mona yung isipin"tumango naman ito. "Iimbitahan ko sana kayo kung gusto niyong manood ng practice namin mamayang hapon nagpareserve na ako ng uupuan niyo sa harapan" kinindatan pa ako neto. Ano ka ba naman self kindat lang yun pero grabe ang epekto sayo! "Umayos ka! Umayos kang babaita ka!"sigaw ko sa isip ko. Tumikhim naman ako para mawala ang bara na nasa lalamunan ko. "Sige ba, anong oras ba umpisa ng practice niyo?"nagdadasal na ako sa lahat ng Santo na sana hindi sa time na may klase kami kasi hindi ako makakapanood kahit pa na gusto ko. "Hmm mga 6:00 pm mag-uumpisa may mga klase pa kasi yung ibang kalaban namin kaya pinahapon na lang namin... Ano game ba kayo?" "Game ako! Wala naman akong ginagawa eh"ngiting-ngiti kong sabi. Kinikilig ako! Ikaw ba naman ayain na manood ng practice nila ghad mababaliw na ata ako. "Kayo ba?"baling ni Jake sa mga kaibigan ko, muntikan kona silang makalimutan kung hindi lang sila tinanong ni Jake hindi kopa maalala. "Oo nga kayo ba? Sure naman ako na wala kayong gagawin kaya samahan niyo na ako manood ah! Walang aangal!" "Ay nako teh ewan ko sayo! Sasama na kung sasama akala mo naman may pag-pipilian kami eh"busangot na sagot ni Gina. Napatili naman ako at kinurot ko ang braso niya. Bumaling naman ako kay Zallyna"Girl kilala mo naman ako mag boboy-hunting ako doon mamaya kaya gora ako no!" "Ikaw?"sabik kong tanong kaya Chen na bored na bored na nakatingin sa akin. "Eh umoo na kayong lahat edi oo na din ako, mamaya sabihan niyo pa akong ang kj kj kong tao" "Hindi ba?!"sabay sabay na sabi naming tatlo. "Hindi mga leche kayo! Mag-sitahimik na nga kayo!" Natatawa naman na bumaling ako kay Jake. "Pupunta kami mamaya!"hindi naman halatang excited kong pagkakasabi. "Good kita-kits na lang mamaya, mauuna na ako may susunod na akong class eh" nang makaalis na si Jake biglang hinila ni Chen ang buhok ko. "Aray! Ano bang problema mo at nananabunot ka ng buhok ng may buhok ha?!"nakasimangot kong singhal. "Baka nakakalimutan mo na may quiz tayo bukas at kapag nanonood tayo dyan sa practice nila baka hindi tayo makareview at makatulog ng maaga" sh*t muntikan ko ng makalimutan. "Oo nga pala! Eh ito kasing si Ava umoo agad. Kung sabagay kung crush ko din yun oo agad ako"sigunda ni Gina. "Paano na yan? Baka late na talaga tayong makareview at makatulog?"tanong ni Zallyna. "Siguro naman mabilis lang matatapos yung game nila? Manonood na muna tayo tapos pag nagtagal na talaga magpaalam na lang tayo na uuwi na kasi may quiz tayo"suggestion ko nagsang-ayunan naman sila sa sinabi ko. "Buti may utak kapa? Akala ko nawala na utak mo hahahaha"nagbunghalit pa ng tawa si Gina dahil sa sinabi niya. Binato ko tuloy siya ng hawak kong notebook. "Malamang may utak ako!" "Hindi mo nga lang ginagamit"hirit naman ni Chen. "So true, tanga yan ehh!" Ani ni Zallyna. "Seryoso?  Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Ang haharsh niyo sa akin mga hinayupak kayo!" Tinawanan lang nila ako. Ewan ko sa mga to hindi na naman ata nakainom ng mga gamot nila kaya sila nagkaka-ganito. Naghiwalay hiwalay na kami dahil may kanya-kanya kaming schedule ngayon, Naglalakad ako sa corridor  ng mahagilap ng mga mata ko si Katherine. "Ano namang ginagawa niya dito?"bulong na tanong ko sasarili ko. Nagtatanong ito sa mga estudyante na halos magkumpulan na dahil sa isa itong sikat na model. Hindi kaya pupuntahan niya si Jake? Kung pupuntahan man niya ito siguro may mahalaga siyang sasabihin. Malalaman ko din naman yun dahil alam ko sasabihan ako ni Jake tungkol doon. Nagtungo na lang ako sa room ko at doon nag hintay ng prof pero kahit na anong pakikinig ko sa professor namin hindi ko magawa dahil lutang ang isipan ko. Kahit na gusto kong wag isipin kung anong ng nangyayari hindi ko magawa. Napapansin ko din na lagi na lang akong ganito. Pagkatapos ng dalawang klase ko nagkitakita kami nika Zallyna sa gym dahil ayun naman ang napag-usapan namin. "Kanina kapa namin hinihintay kung hindi kapa dumating ng 5 minutes iiwan kana talaga namin eh!"reklamo ni Gina. "Ito na nga ako diba?! Dumating na nga ako eh dami mo pang sinasabi"ani ko. "Oo nga reklamo ka ng reklamo, nakakahiya naman sayo na halos one hour mo akong pinaghintay nung isang araw"ani naman ni Chen natahimik tuloy si Gina. "Hehe ano kaba naman alam mona yung dahilan diba? Sorry na nga ehh!"yumakap pa ito sa braso ni Chen. Umiiling na lang ako kahit kailangan talaga para silang mga bata. "Tara na nga pumasok na tayo mamaya nag-uumpisa na pala sila"aya ni Zallyna agad naman kaming pumasok sa gym. Halos puno na lahat ng upuan hanggang sa pinakataas may iilan pa nga na nakatayo na lang. "Oy text mo si Jake andaming tao oh"bulong ni Gina sa akin. "Sige... Itetext ko siya"kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa ako doon na nada bungad kami ng gym. Ilang minuto pa nakita kona si Jake na tumatakbo habang kumakaway sa amin. Ang gwapo niya sa suot niyang jersey tumutulo din ang pawis neto dahil siguro sa pagwawarm-up. Natauhan ako ng biglang may sumiko sa akin. "Wag mo masyadong ipahalata na gusto mo siya. Kung makatitig ka dyan kulang na lang matunaw na yung tao"bulong ni Chen sa akin. "Hindi ahh!"tanggi ko sa kanya. "Defensive ka masyado gaga"hinila pa neto ang hibla ng buhok ko. "Hi! Akala ko hindi na kayo darating eh... Tara ihahatid ko kayo sa upuan niyo" hinatid nga kami ni Jake sa uupuan namin at hindi naman namin aakalain na sa pinakaunahan talaga kami malapit sa beach area ng mga player. "Dito talaga kami?"pagtatanong ni Gina. Tumango naman si Jake sa amin. "Oo dyaan talaga kayo para mapanood niyo ng maayos yung practice namin"ang kalaban kasi nila taga ibang university kaya madaming nanonood ngayon. "Ahh ganon ba mamaya may ibang dahilan pa ah"tukso ni Zallyna at tumingin sa akin ng pilyo. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Kahit kailan talaga tong mga kaibigan ko sarap ibaon sa lupa! "Yup may iba pang dahilan"sumulyap pa ito sa akin, halos malaglag na ang puso ko dahil sa pag-sulyap niyang yun! Nagtitili naman na parang baliw sina Gina at Zallyna na parang nahuli din ang pagsulyap sa akin ni Jake. Ano kaba naman! Wag kang mag assume Ava! "May kukunin lang ako, babalik din agad ako"parang saakin siya nag papaalam dahil sa akin lang naman siya nakatingin kaya naman tumango ako. "Yieee nako Ava! Sa tingin ko may gusto na din sayo si Jake ahh!"sinundot pa nito ang tagiliran ko. "Mag-sitigil nga kayo! Wala lang yun"nakangiti kong sabi. "Wala daw pero kung makangiti wagas na wagas. Halla sige ka mapupuniy yang labi mo sa lawak ng ngiti mo!" Pananakot ni Zallyna. As if naman matatakot ako. "Tumigil na nga kayo dyan! Pag ikaw Ava na umiiyak na naman ng paulit-ulit dahil sa lalaki na naman itatapon kita sa pluto!"busangot na sabi ni Chen. Sa aming lahat si Chen lang ang hindi masyadong nagbibiro. Napakaseryoso kasi ng buhay ng babaitang to kaya ganito. "Ano kaba oo na! Alam ko naman na concern ka sa akin pero promise hanggang crush lang ako ngayon"ani ko, habang naghihintay kay Jake nag kwekwentuhan lang kami hanggang sa dumating ito dala-dala ang back pack niya. "Here back pack ko"inabot niya sa akin ang back pack niya. "Oh anong gagawin ko dito?"tanong ko sa kanya. "Andyan lahat ng gamit ko, dito na lang ako  pupunta pag nagtime out para sa tubig" napapantastikuhan akong nakatingin sa kanya. "So magiging yaya pa pala ako ngayon?!"biro ko sa kanya. "Hindi naman...aalagaan mo lang naman ako eh"parang bata nitong sabi. "Ano ka baby?"natatawa kong sabi. "Oo... Baby mo" nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya! Baby ko? Sh*t Jake pag nag biro kapa ng ganyan ewan kona lang! Baka yung sinabibkong hanggang crush lang mapunta na sa gustong-gusto na kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD