Chapter 16

1484 Words
Po'v Ava I saw Jake walking towards Katherine. Teka magkakilala ba sila? Pero sabi ni Katherine imemeet niya yung boyfriend niya, ibig niya bang sabihin si Jake ang sinasabi niyang boyfriend niya? Napakurap ako ng makita kong halikan ni Jake si Katherine sa pisnge. Hindi kona pala kailangan mag tanong ayun na yung sagot sa tanong ko. Hindi naman manghahalik ang isang lalaki kung wala silang relasyon, lalo na hindi hahayaan ng isang babae nahalikan siya kung wala talaga silang kaugnayan. "Sinong tinitignan mo dyan?"napabaling ako sa gawi ni Mike. "Ahh wala yun may nakita lang akong kakilala ko" "Yung Jake ba?" "Ha? Hindi ah, pftt saan mo naman nakuha yang idea na yan?" uminom ako ng tubig dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Para bang nililitis ako ng isang pulis at dapat hindi ako mahuli dahil sa pagsisinungaling ko. "You said he's name earlier"napalunok ako, narinig niya pala yun. Paano ako kakalusot ngayon? Ikaw kasi Ava bat ba kailangan mong sabihin pangalan niya! "Nakita ko lang siya dito pero hayaan mona" umiwas ako ng tingin sa kanya kasi naguilty ako. "Ava sana naman kung ako yung kasama mo ako lang iisipin mo hindi yung ibang tao. I know na nanliligaw pa lang ako sayo pero mali naman yata na isipin mo yung ibang tao habang kasama mo ako. Gusto ko sa akin lang ang atensyon mo pag magkasama tayo" Mas lalo akong nakonsensya dahil sa sinabi niya. Diko tuloy maiwasan na magsisi kung bakit pa ako lumingon sa gawi nila. "I'm sorry don't worry hindi nato mauulit" "I'm sorry if I'm giving you this much favor alam ko naman na hindi mo dapat gawin eh pero it's hurts me, kung hindi ko sasabihin sayo" "No worry tama ka naman eh dapat ikaw lang iniisip ko habang nagdadate tayo. Nagulat lang ako sa mga nalaman ko ngayon" "Can we go now? Ayoko na kasing mag tagal pa dito" Gusto ko munang umalis dito kasi mas lalo lang akong matetensyon lalo na alam ko na andito si Jake. Kaya pala hindi siya makapagtext sa akin busy pala siya sa girlfriend niya. Nagkabalikan na pala sila, kailan pa? I never experience this emotion na nararamdaman ko ngayon. Hindi katulad ng kay Lance wala akong naramdaman ng ganito ng malaman ko na sila na pala ni Angel. Well yes, nasaktan ako dahil sa pang gagago nila, But why I even feeling this? Mas masakit to eh, I feel betrayed. Kahit hindi ko naman dapat maramdaman. Dalawang beses lang kaming nakasama ni Jake for pete's sake! "You know what, I think you need to rest. Halata sa mukha mo na hindi ka ok. Let's talk when you feel better" mas lalo akong naguilty dahil sa sinabi niya pero wala din naman akong magawa. Kahit ako gusto ko ng umuwi at magmukmok na lang sa kwarto ko. But why? Hindi ko naman dapat to nararamdaman kay Jake diba? Hindi ngayon o bukas kahit pa sa susunod na araw, dapat hindi ko to nararamdaman! Hinatid ako ni Mike sa bahay nagulat din sila mama dahil ang aga namin umuwi halos dalawang oras lang ata kaming nasa labas ni Mike. Hindi na din pumasok si Mike sa bahay nagdahilan na lang ito na may gagawin pero alam ko na ginawa niya lang yun para sa akin at ng makapag-isip ako. "Akala ko ba magagabihan kayo anak?"tanong ni mama sa akin "May nangyari ba?" "Wala po ma sumama lang yung pakiramdam ko" "Ganoon ba kaya pala ang tamlay mo bigla.  Oh siya sige dadalhan na kita mamaya na makakain mo sa kwarto mo ng makapagpahinga ka" "Hindi na po ma kakain lang naman namin ni Mike kaya busog pa po ako" humalik ako sa pisnge niya. "Akyat na po ako"hindi kona hinintay ang sagot ni mama at nagtungo na ako sa kwarto ko. Pasalampak akong humiga sa kama, nakatingin ako ngayon sa kisame nablanko na ata ang utak ko sa mga nangyayari. They were so happy when I saw them earlier. Bakit ganon? Lahat na lang ng nakikilala ko ang saya-saya nila sa buhay pag-ibig nila eh ako? Hindi! Hindi na ako umaasa na matutuloy pa ang lakad namin ni Jake malamang busy siya kay Katherine. Hindi ko din naman siya masisisi sobrang bait ni Katherine plus napaka ganda pa niya. Sinabi din ni Jake na model ito sa ibang bansa kaya pala pamilyar siya sa akin. Katherine Gonzaga siya ang naging cover magazine sa isang sikat na clothing line sa Paris. Bakit ba hindi mo man lang narecognize na isang Katherine Gonzaga na pala ang kaharap ko. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng news article pero kahit ni isa wala akong naintindihan sa mga ito. "Grr ano bang use neto? Wala naman akong maintindihan" tinigil kona ang pagbabasa, at pinikit ang mga mata ko. Siguro kailangan ko lang ng pahinga. Yeah, ayun nga ang kailangan ko. Two weeks past at katulad ng inaasahan ko hindi nga natuloy ang lakad namin ni Jake. Hindi ko din naman masyadong inisip yun dahil malapit na ang midterm halos naging busy din ako sa pag pasa ng mga projects halos sa buong dalawang linggo ayun na lang ang ginawa ko. Si Mike naman busy din siya sa pag-aaral ok naman kami, well ok na kami hindi na siya nag tanong pa tungkol kay Jake at nagpapasalamat ako dahil doon. Si Chen naman hindi ko kasama ngayon dahil biglaan siyang tinawag ng mama niya na may importante daw sila pupuntahan. Kaya ito ako ngayon nag-iisa ulit, hindi ko tuloy maiwasan na isipin si Jake. Naguguluhan ako ngayon gusto kong makausap si Jake tungkol sa girlfriend neto. Kung nagkabalikan naba sila o hindi. I need assurance sa mga nakita ko baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Mukhang sumasang-ayon ang tadhana sa akin dahil nakita ko si Jake na naglalakad sa corridor. Dali-dali kong sinukbit ang bag ko at sinundan ko siya. "Jake! sandali lang Jake!"hinawakan ko siya sa braso para pigilan sa pag lalakad. "What? May kailangan kaba?"tanong nito sa akin. Bakit parang nag iba ang trato niya sa akin? "Gusto lang sana kitang makausap alam mona hindi natuloy yung lakad natin nung nakaraang linggo. Saka antagal na din natin na hindi nagkikita. Alam ko bang nag hintay ako sa text mo" Huli na bago ko mabawi yung mga sinabi ko. Sobrang daldal kasi netong bibig kong to. Nakakunot lang ang noo niya nanakatitig sa akin. Hindi ko kayang sabayan kung paano siya tumingin sa akin dahil kumakabog ang dibdib ko sa pagtitig niya kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. "Naging busy lang ako kaya nakalimutan ko na may lakad tayo" nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Nakalimutan niya pala yun, so all this time ako lang nakakaalala sa pagyaya ko sa kanya. Nakapa desperada kona ba? Dahil umaasa ako sa text niya at sasabihin niya na susunduin niya ako ako, na matutuloy ang lakad namin, na pupunta kami sa magandang lugar. "Sorry kung pinaghintay kita sa text ko pero hindi ko naman sinabi na maghintay ka" "Teka, galit kaba?" Kanino sa akin? Bigla na lang lumambot ang expresyon niya, kita ko sa mga mata niya ang pagod. Lumapit siya sa akin at halos kumabog ang dibdib ko ng isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Pagod na pagod na ako"ramdam ko sa boses niya ang pagod at lungkot. Tinapik ko ang balikat niya at maharang hinagod iyon. "Diba nga pag pagod ang isang tao nagpapahinga yan, pag nagugutom ka kumain ka,  kung inaantok ka matulog ka. Ilan lang yan sa mga kailangan natin sa buhay" tumingin siya sa akin. "Paano ako magpapahinga? Hindi kona alam Ava ayoko ng ganito mabigat na sa dibdib" mukhang may problema nga siya hindi ko man yun alam, alam ko na kailangan niya ng makakausap sa ngayon. "May klase kapa ba?" Umiling naman ito. "Good, may pupuntahan tayo"nakangiti kong sabi saka ko siya hinila papalayo. "Anong ginagawa natin dito?" Andito kami ngayon sa isang lawa malapit sa subdivision namin ako lang ata nakakaalam nito dahil yung lolo ko na namatay na lagi akong dinadala dito. "Alam mo pag may problema ako at wala akong magpagsasabihan, dito ako pumupunta" lumingon ako sa kanya ng nakangiti "guston mo bang malaman kung bakit?" Tumango lang ito, tumingin ulit ako sala lawa at pumulot ako ng bato saka ko hinagis. "Kasi habang tinititigan ko itong magandang view na to. Napapaisip na lang ako, na magiging ok din ang lahat, na kung kaya ng iba bakit ako hindi, diba?" "Na kung ang diyos hindi napapagod, bakit tayo susuko? Kaya kung ano man yang problema mo makakaya mo yan. Tutulungan ka ng diyos. After all siya lang ang makakatulong sa atin" "Thank your for bringing me here, it's bueatiful, and thank you for saying does words" he rest in my shoulder. "What's your problem?" I asked. "She's back Ava two weeks ago and I don't know what I'm going to do" my heart skip for a bit. But why? Am I falling for him?  In that very short time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD