Chapter 7

1358 Words
Po'v Ava "Kung nasasaktan kana... wag mo ng titigan dahil mas lalo ka lang masasaktan" Naramdaman ko na lang na hinila niya ako paalis sa lugar na yun.  Hanggang sa binitawan na niya ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata ko. Hindi ako nag salita pero patuloy pa rin akong umiiyak nakayuko lang ako at tinitignan ang sapatos ko, Napahawak ako ng mahigpit sa palda ko. Bakit?! Bakit kailangan ko pang makita ang eksena na yun?! Bakit kailangan pang ipamukha sa akin ng tadhana na hindi na niya ako mahal?! Masakit na eh!! madadagdagan pa? Ayoko na eh handa naman na akong mag move on!! Pero bakit kailangan ko pang masaktan ng sobra? Hindi pa ba sapat yung sakit na naramdaman ko? May humawak sa dalawang balikat ko at hinawakan niya ang isa kong pisnge. "Hey chin up lady!"umiling ako, ayokong makita ako ng iba na umiiyak tama na yung mga taong nakakita sa akin na sirang sira na ako. Narinig ko siyang nagbuntong hininga saka hinawakan ang baba ko at bahagya itong itinaas. Natitigan ko tuloy ang berde niyang mga mata. "It's ok to cry... Just let it go!!"nakangiti nitong sabi doon na ako nakahagulgol dahil hindi kona kaya. Mahal ko pa talaga si  Lance at hindi ko alam kong bakit ko hindi makalimutan ng peste puso ko ang lalaking yun!! Ayoko na!  Pagod na pagod na akong umiyak! Hindi kona napansin na nakayakap na pala ako sa lalaking humila sa akin pero kahit na narealize kong nakayakap na ako sa kanya, ayokong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Kailangan ko lang ng tao ngayon na pagbubuhusan ko ng sakit na nararamdaman ko. Ayoko naman umiyak sa harap ni Mike kasi ayokong mag-aalala siya sa akin. Ilang minuto pa ay tumahan na ako sa pag-iyak. "Ok kana? nailabas muna ba lahat ng sama ng loob mo?"bahagya ko pang pinunasan ang sipon ko gamit ang likod ng palad ko. Dugyot na kung dugyot sa wala akong panyo. "Oo, salamat sa pag-hila sa akin saka sa pag takip sa mga mata ko"binigyan niya ako namatamis na ngiti. "Wala yun, kahit sino naman siguro na makita kang umiiyak gagawin yun"tahimik lang ako, nasa likod lang kami ng education building kaya umupo na lang ako sa lilim ng puno. Umupo din siya sa tabi ko. "Wala kana bang klase ngayon?"basag niya sa katahimikan. "Meron pa pero last class kona yung ngayong araw,  pero hindi na muna ako papasok hindi din naman ako makakapag-isip ng maayos sa klase baka mapagalitan pa ako"tumango tango naman siya saka nangalumbaba habang nakatingin sa akin. Ewan ko pero hindi man lang ako nakaramdam ng ilang sa ginagawa niyang pag-titig sa akin. Siguro dahil tinulungan niya ako kanina. "Ikaw wala ka na bang klase?"pagtatanong ko saka ako umiwas ng tingin sa kanya. "Wala na" kung sabagay kakaumpisa pa lang naman ng klase hindi pa gaanong naguumpisa ang klase kasi madami ding ginagawa ang ibang professor. "ahhh ganon ba"nag-hari ang katahimikan sa pagitan namin, niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko isinubsob ang mukha ko. "Hindi kaba mag tatanong?"tanong ko sa lalaking tumulong sa akin. "Ano bang gusto mong itanong ko?"napaangat ang tingin ko sa kanya. "Kung bat ako umiiyak kanina?"patanong kong sabi sa kanya. "Kahit naman hindi ko tanungin halata naman na may gusto ka doon sa lalaki yun eh"may point naman siya kasi sino ba naman ang iiyak kung walang ka gusto sa isang tao. Tumahimik na lang ulit ako hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko eh.  Hindi na din siya nag salita kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag bunot ng masasamang d**o. Hanggang sa napalingon ako sa kanya nakatingin pala ito sa akin. Iiwas na sana ako ng tingin ng makita ko ulit yung matamis niyang ngiti. "Ex-boyfriend ko siya"bigla kung sabi ewan ko parang gusto kung sabihin yun sa kanya kaya kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagan na yun. "Ahh... pwedeng mag tanong?"tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. "Bakit kayo nag-break?"inaasahan ko na yung tanong niga pero walang lumabas sa bibig ko. Kahit pa alam ko naman yung sagot sa mga tanong na yun. Tahimik lang naman siya parang nag hihintay kung anong sasabihin ko. Napabuntong hininga na lang ako saka ako tumingin sa harapan ko. "Six years din kami ni Lance kagaya ng ibang couple nag-aaway,  tampuhan ding magaganap sa amin naging masaya naman kami pero bigla na lang nag-bago lahat ng yun. Hindi siya nag paramdam sa akin ng halos ilang linggo, hindi siya nag paramdam  sa akin, walang text o kahit reply man lang, walang tawag kaya naman kinabahan na ako simpre kaya bumisita sa kanya. The next thing happened we broke up. Telling me he loves someone else, Well thats life kahit pa gusto mong panghawakan yung relasyon niyo wala din naman mapapala kung may sinisigaw ng iba ang puso niya" "At hindi kapa nakakamove on?"hindi naman niya siguro ako masisisi kung oo diba? "Yes!! My bestfriend said I need to change my physical appearance and may personality" "Huh?  Why?" "Hindi kasi ako sexy magsuot saka mahina ako ayoko kasing lumalaban kahit na ako pa yung natatapak-tapakan. Ayoko kasing makapanakit ng ibang tao. Kaya nga nung nakipag break si Lance pumayag na lang ako dahil may nagugustuhan na itong iba. Pero ang nakakatawa sa sarili ko nagmakaawa ako na bumalik siya sa akin, silly right? Ayokong lumaban pero nag makaaawa ako" "Hindi mo naman kailangan baguhin ang physical appearance mo eh maganda ka naman lalo na kung ano ka talaga  hindi mo kailangan baguhin ang personality mo kasi ikaw yan"napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Tama ka kaya nga hanggang ngayon hindi ako gumagawa ng hakbang para lang mabago ang sarili ko"tinapik niya ako sa balikat. "Ang kailangan mong ayusin yang puso mong nadurog, hindi ang sarili mong pagkatao"may punto naman siya eh saka sa una pa lang ayokong baguhin ang sarili ko dahil lang sa nasaktan ako. Nalibang na lang ako dahil sa pang jo-joke niya hindi ko tuloy mapigilan na tumawa ng tumawa atleast nakalimutan ko saglit si Lance diba. "Salamat nga pala ah" "Kanina ka pag nag-papasalamat sa akin ah... Mabuti pa ilibre mo na lang ako para makabayad ka ng utang na loob"biro niya sa akin. "Sige ba kahit ano basta pagkain ah!"May ipon naman ako kaya maililibre ko siya ok na din yun para naman mabayaran ko ang pagtulong niya sa akin "Biro lang eh sineryoso mo naman"natatawang sabi nito nag kibit balikat na lang ako. "Hindi mo ba siya kayang kalimutan?"biglang tanong nito. "Oo eh,  biruin mo six years din kami talagang mahihirapan ako" "Nasasayangan ka ba sa six years na pag-sasama niyo?"Napa-isip ako saglit saka ako tumingin sa kanya. "Simpre naman six years din yun kung iisipin mo sobrang tagal namin na nag-sama diba?" "Hindi mo anman dapat paghinayangan yung six years eh kasi kung may nagugustuhan na siyang iba dapat inisip niya yung nararamdam mo, o mas mabuting isipin niya yung una kayong nagkakilala lalo na kung bakit ka niya minahal nun"tinamaan ako sa sinabi niya kasi totoo naman eh. Mag sasalita na sana ako ng mag ring ang cellphone ko.  Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko saka ako tumingin sa lalaking katabi ko tumango lang siya at bumaling na lang siya sa ibang direksyon. "Hello?"tumingin pa ako ng bahagya sa lalaking katabi ko. "Asaan ka"nahimigan ko sa boses ni Mike na nag-aalala siya. "Nasa likod ako ng education building... Bakit?" "Sige pupuntahan kita dyan, wag kang aalis"hindi pa ako nakakasagot ng binaba na niya ang tawag. Tinignan ko na lang ang cellphone ko at umiling-iling "Si Mike talaga"sa isip-isip ko hindi na din kami nag-usap ng katabi ko.  "Ava!!"napatayo ako ng makita ko si Mike. "Mike!"anas ko. Bigla na lang niya akong niyakap gusto kong mag sumbong sa kanya dahil sa nakita ko pero walang lumabas sa mga bibig ko. "Iuuwi na kita"sabi niya saka ni hinaplos ang mukha ko tumango na lang ako at nagpahila na sa kanya hindi pa kami nakakalayo ng maalala ko yung lalaking kasama ko. Tumigil ako sa pag-lalakad saka lumingo sa kanya. "Anong pangalan mo?!"sigaw ko sa kanya binigyan na naman niya ako ng isang ngiti. "I'm Jake!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD