Chapter 8

1330 Words
Po'v Ava Ang daming ka-artehan ng buhay ko sasaya ako saglit tapos babalik na naman ako sa pagmumukmok. Buti na lang at sa nakalipas ng Dalawang linggo hindi nag krus ang landas namin ni Lance.  Hindi ko alam ang dapat maging reaksyon ko kung nagkataon. Nandito kami ngayon ni Gina at Zallyna sa calssroom namin para sa 3rd class, hinihintay na lang namin ang proffesor namin na dumating. "Zallyna pahiram naman ng notes mo mamaya"paghihiram ni Gina kay Zallyna. "Bakit? Ikaw ah kung ano-anong nilalagay mo sa likod ng notes ko!"naiinis na sabi ni Gina kay Zallyna. Nung isang araw kasi sinulat niya yung pangalan ng crush neto sa likod ng notebook nito. Buti na lang nakita niya ito bago niya ipahiram sa iba. "Ano ba kayo!! Wag kayong mag away ah. Ayokong mag-awat lalo na ayokong pinagbabati kayo!"panigurado pag hindi ko sila sinita mag-aaway na naman tong mga baliw kung kaibigan.Magbubog-bogan pa o kaya sabunutan kung sabunotan. Saka mataas pa naman ang mga pride ng mga to pagnag-away. "Eh ito kasi! Sarap sabunutan at iuntog sa pader... nga pala samahan niyo naman ako sa pinsan ko doon engineering building" "Pass na muna ako may pupuntahan ako mamaya gurl. Kayo na lang ni Ava ang pumunta"tatangi sana ako dahil ayokong pumunta sa engineering building saka baka magkita kami doon ni Lance. Pero hito na naman siya nagmamakaawa at ginagawa na naman niya yung pag-nguso bakit ba kasi ang cute niya at panigurado pag nakita mo siyang naka nguso mapapa-oo ka na lang. "Hayss may pag-pipilian ba ako?"inirapan ko pa ito. Wala din naman akong choice kasi kakaladkadin niya ako papunta sa pinsan niya. "Ayyieee simpre wala kang pag-pipilian saka kung makita man natin ang hinayupak mung ex akong bahala sayo. Patikim ko pa sa kanya flying kick ko eh" halos 3 years din kaming makaklase nila Zallyna at Gina alam din nila na boyfriend ko si Lance este Ex-boyfriend kona si Lance. "Oo na, baka umiyak ka dyan eh! Hirap hirap mo pang patahanin nakakarindi pa yung iyak mo para kang batang kinuhanan ng candy"kumapit ito sa braso ko saka sumandal sa balikat ko.  "Buti kapa sasamahan ako eh yung isa dyan!"pagpaparinig niya kay Gina. "Eh sa may pupuntahan nga ako, Bawi na lang ako sayo next time"napipilitan na sabi ni Gina. "Wala nagtatampo ako sayo! Kaya wag mo akong pansinin"nagkatinginan kami ni Gina kaya naman tinanguan kona lang siya. "Aishh... Oo na bibilhan kita ng paborito mong banana cake, arte-arte mong hinayupak ka!" Natatawang napailing na lang ako sa kanila. Sa tuwing may away sila  sabihin mo lang na bibilhan mo siya ng paborito niya magiging ok na kayo. Iba talaga ang nakakagawa ng pagkain. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating na ang professor namin.  At kung minamalas ka nga naman may suprise long quiz kaming ngayon, maraming umangal dahil hindi namin napaghadaan. Pati si Zallyna at Gina nagmamaktol sa tabi ko. Bumubulong bulong pa ang mga ito para hindi marinig ng proffesor namin. "Basta talaga panot!"napabungis-ngis ako dahil sa sinabi niya. Panigurado pag narinig iyun ni Mr. Samarco bagsak na si Zallyna hanggang matapos ang semester. Nag-umpisa na lang ako sa pagsasagot, pag hindi napapatingin sa gawi namin si sir nag tatanungan kami ng sagot. "Hayss sawakas nakaraos din tayo sa pesteng long quiz na yan"naiinis na sabi ni Gina. "Kakainis talaga yung panot na yun grrr. Nakakagigil kalbuhin ko na siya ng tuluyan eh"napatawa na lang ako jusko panot na nga si sir tapos may balak pang tanggalin ni Zallyna yung natitirang buhok ni Sir.  Hindi na lang naawa sa panot "Hayaan niyo na atleast may mga nasagutan naman tayo doon,  saka panigurado naman na hindi tayo bagsak doon. Buti na lang at hindi niya tayo nakita kanina"sabi ko. Biglang nag ring yung cellphone ni Gina, tumingin pa ito sa amin ni Zallyna suminyas lang ako na sagutin na niya ang tawag. "Hello? Sige papunta na ako... Bye!"Mabilis na nag-paalam si Gina sa amin saka mabilis na umalis. "Teka sinabi niya ba kung saan siya pupunta?"takang tanong ko nagkibit balikat naman si Zallyna. Ang gagang yun talaga hindi pa nagsasabi. "Wala eh! Pero tara na sa engineering building"Nag-umpisa na akong magdalas para lang hindi mag cross ang landas namin ni Lance. "Jusko! wag naman sanang makita ko si Lance hindi pa ako handa"sa isip-isip ko. Gusto ko na sanang umatras pero yakap yakap naman ni Zallyna ang braso ko. Hindi tuloy ako makabalik sa dinaanan namin. "Dito na lang kaya ako?"kinakabahan kung sabi kay Zallyna. Tinignan niya ako ng masama. "Sasama ka sa akin o sasama ka sa akin?"yan na naman ang choices na wala naman talagang pagpipilian. Hindi na ako umangal ng hilahin niya ako sa tapat ng entrance ng building. "Wait tawagin kona siya na bumaba"kinuha nito ang cellphone sa bulsa saka tumipad doon. "Bumaba kana andito na kami"pagkasabi niya nun ay pinatay niya agad ang tawag. "Sino ba kasi yung pinsan mo na yun?"tanong ko sa kanya. Sana lang bilisan ng pinsan ni Zallyna na bumaba dahil ayokong magkita kami ni Lance. "Ah si Daniel may kukunin lang ako na regalo mula sa mommy niya, Alam muna bigay ni tita para sa akin. Nakakainis lang kasi ako pa ang uutusan ng magaling kung pinsan na, ako ang pumunta dito!"napailing na lang ako panigurado damit na naman ang binigay sa kanya.  Mahilig kasi ito sa mga branded na damit kaya hindi na ako mag-tataka na mag e-effort pa siya para makuha ang regalo na bigay ng tita niya. Naghintay pa kami saglit ng may tumawag kay Zallyna. "Oh!! Sipsip ka talaga kay mommy ako nga hindi niya binilhan ng pasalubong tapos, Ikaw meron!"naiinis na saad ng pinsan ni Zallyna. Tinawanan at inilabas ni Zallyna ang dila niya para maasar lalo ang pinsan nito. "Mabait kasi ako, saka maganda.  Hindi kagaya mo na pangit!!Pangit!! P-A-N-G-I-T, inshort pangit"napabungis-ngis ako dahil sa inim- imphasize  pa ni Zallyna ang pangit.  Hindi naman totoo ang sinabi nito dahil gwapo ang pinsan niya may pagka chubby lang ang mukha nito pero makikita mo pa rin yung gandang lalaki nito. "Hi!"napatingin ako sa kasama ni Daniel na pinsan ni Zallyna,  May kasama pala ito ngayon ko lang napansin. "Jake!?"hindi pa ako sigurado kung si Jake nga ito. "Ako nga! Buti naalala mopa ako?"paanong hindi ko siya maalala eh tinulungan niya ako nung isang araw. "Magkakilala kayo?"tanong ni Zallyna. "ahh kilala niya ako pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya"natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Jake. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya ang pangalan ko.  Katangahan nga naman Ava! "Pasensya na nakalimutan kung sabihin name ko eh... Ava nga pala"nahihiya akong ngumiti sa kanya. "No, it's  ok!"ayun na naman yung ngiti niyang nakakatunaw. Bakit ba parang ang tamis-tamis ng ngiti niya. "Ahh, so ikaw pala ang kinikwento ni Ava na tumulong sa kanya"napatango-tango pa si Zallyna. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa tapat lang ng university namin. Sakto din kasi na wala ang professor nila at mamaya pang 3 pm ang klase namin ni Zallyna kaya napag desisyonan namin na pumunta muna dito para magkape. "Actually we meet in the jeep, pero hindi na ata naalala ni Ava"kumunot ang noo ko sa sinabi niya teka sa jeep? Kailan ko siya nakasabay at nakilala sa jeep? "Shemas naman Ava makakalimutin kana"sa isip-isip ko. "Edi sana si Lance na lang ang kinalimutan ko"isang bahagi ng isip ko.  NAbabaliw na ata ako bat ko ba kinanakausap sarili ko? "Yung umiiyak ka nun ako nag bigay sayo nung panyo"unti-unti ko ng naalala. "Ahh oo nga ikaw pala yun"sabi ko dito tinitigan naman niya ako na parang may dapat pa akong maalala.  Teka nagkita ba kami ulit? bukod sa jeep?. Isip Ava saan ba kami ulit nag kita? "Ok hindi muna maalala pero sinabunutan mo ako noon, pagkatapos kitang tinulungan tinakbuhan mo ako"simpleng paliwag nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Wag mong sabihin na siya yung tumulong sa akin nung natatae ako? Grabe na ang kahihiyang inabot mo Ava!"sa isip-isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD