Chapter 9

1561 Words
Po'v Ava Bat ba ang tanga ko at hindi ko man lang naalala na siya pala yung tumulong sa akin. Ano ba namang katangahan ang ginawa ko? Ayan tuloy hindi kona alam ang gagawin ko! "Pasensya na talaga ah, nahihiya kasi ako nun eh alam mo naman kung bakit ako tumakbo"kaming dalawa na lang ni Jake ang magkasama tumawag kasi ang parents ni Daniel at pinapapunta silang dalawa sa bahay nito kasama si Zallyna kaya ito naiwan akong kasama si Jake. Nahihiya naman akong umalis dahil sa sinabi niya kanina. "Hindi ok lang besides gagawin ko din yung kung nagkataon, lalo na kung ako ang nasa sitwasyon mo" "Ang dami ko na palang utang sayo! Tara libre kita para naman mabayaran ko kahit papaano yung pag-tulong mo sa akin" "Sigurado kaba?" Tumango naman ako. "Saan mo ba gusto?"tanong ko dito tumingin siya sa orasan niya. "Dyan na lang sa street food tayo bumili may klase pa ako mamaya eh"napatango na lang ako saka kami pumunta sa tindahan ni Tita Perlita suki din kasi kami dito ni Lance dati kaya ayun kilala na niya kami. Hindi ko alam kung nabalitaan niya ba na wala na kami ni Lance o ano eh. "Tita pabili po!"tawag pansin ko kay Aleng Perlita. "Sabi ko na nga ba at ikaw yan eh, Ang tagal niyo atang hindi nagagawi dito simula nung mag-umpisa ang klase"paano ko ba sasabihin kay aleng perlita na wala na kami ni Lance?  Dahil sa sinabi nito malamang hindi pa niya nababalitaan. "Nako po tita busy din po kasi ako saka alam niyo na po maraming gastusin ngayon"sana lang wag siyang mag tanong tungkol kay Lance. Ayokong sagutin ang nga tanong niya.  Diyos ko!  Tulungan niyo po ako dito! "Oh siya ano bang bibilhin mo?"bumaling ako kay Jake. "Pili kana"naka ngiti  kong sabi kay Jake. Napakunot pa Si Aleng Perlita pero hindi naman na siya nag ungkat pa, at nagpapasalamat ako dahil doon. Nangmakapili na si Jake pinaupo muna kami ni Aleng Perlita sa upuan. "Kamusta ka naman iha?"ngumiti ako sa kanya ng matamis. "Ok naman po ako Tita kayo po ba? Mas lumaki po ang pwesto niyo dito ah"ayaw ni Aleng Perlita na tinatawag na Aleng kaya Tita na lang daw ang itawag namin sa kanya nung una namin siyang nakilala nung first year college pa lang kami. "Oo medyo nakapag-ipon din kasi yung anak ko na nag-saudi si Melanie  kaya pinalawak lang namin itong ihawan balak ko na nga ding maghanap ng makakatulong dito eh. Alam mo naman tumatanda na din ako" "Nako sigurado po ako tita na sisikat tong tindahan niyo pag nagkataon. Sa sobrang sarap niyo ba naman pong mag-luto. Ewan ko na lang"nakangiti kong sabi sa kanya. "Haha ikaw talagang bata ka hanggang ngayon binobola mo pa rin ako"hindi naman yun bola eh totoong masarap mag luto si Tita Perlita mas masarap pa nga itong mag-luto kaysa kay mama eh. Pag nalaman to ni mama panigurado batok ang abot ko sa kanya. "Oh ito na ang order niyo! Maiwan ko muna kayo at may kukunin lang ako sa kusina"paalam nito pagkalapag niya ng platong may laman na isaw, dinuguan, saka ulo ng manok. "Sige po Tita" tungon ko. "Close na close kayo ah!"pagtukoy niya sa amin ni Tita Perlita. "Ahh oo simula kasi nung first year college kami, suki na ako ni Tita Perlita kay ayun"nakikinig lang ito sa akin habang kumakain ng isaw. "Masarap diba!"tukoy ko sa kinakain niya ngumuya muna siya bago mag salita. "Oo masarap nga,  mukhang mapapagastos ka haha"biro nito sa akin. "Wag kang abusado ah 400 pesos na lang ang pera ko"sabi ko dito. "Haha kawawa naman yung bata konti na lang ang pera"pang-aasar niya sa akin inirapan ko na lang ito. "Tumahimik ka nga kumain kana lang dyan baka mamaya ma-late kapa sa klase mo"kailangan ko na din kasing bumalik sa university dahil may gagawin pa ako sa library mamaya tapos papasok pa ako sa last class ko. Wala pa akong kasabay umuwi mamaya dahil wala si Gina at Zallyna. Ang mga hinayupak na yun iniwan ako. Pero ok lang natutuwa naman akong kasama si Jake kasi palabiro ito at madaming baon na jokes. Hindi ko tuloy maiwasan na mapahalakhak sa mga jokes niya. "Hahaha tama na... Masakit na ang tyan ko kakatawa" pigil ko sa kanya ng hihirit na naman to ng corny jokes. "Ayan ang ganda mo pala pag tumatawa eh ganyan kana lang ah, mas gusto kong nakikita kang nakangiti ng malawak" seryoso nitong sabi, hindi ko tuloy maiwasan mailang sa sinabi niya. Pabiro akong tumawa at pinalo ito sa balikat para kahit papaano hindi halatang naging tensyonado ako sa sinabi niya" ikaw ah pala biro ka talaga!"singhal ko sa kanya. "Eh sa nagagandahan ako sayo pag ngumingiti ka" kumunot ang noo ko at pilyo ko siyang tinignan. "Ikaw ah... mamaya may crush kana pala sa akin" tukso ko sa kanya. "Hindi naman yun malabo diba? Mabait ka naman eh" Aba ang mukong na to hindi Pa sigurado kung mabait ako! "Mabait ako no!"reklamo ko sa kanya. "Ahh kaya pala sinabunutan mo ako"dahil sa sinabi na pinamulahan ako ng mukha. Alam na niya agad kung paano ako asarin. "Oo na...sorry naman kung nasabunutan kita hahaha pero deserve mo yun no kinukilit mo kasi ako that time" Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ni Jake at masasabi kong magaan ang loob ko sa kanya. Nakakatuwa nga siyang kasama kaysa sa mga kaibigan ko eh. Namimiss kona tuloy si Chen halos hindi na kami nag kakasamang apat na magkakaibigan eh. Nang matapos ng kumain si Jake ay nag paalam kami kay Tita Perlita na papasok na. Baka mahuli pa kami sa klase kung nag tagal pa kami. "Oh siya mag iingat kayo"kumaway pa ito sa amin kaya naman kumaway ako saglit saka tumalikod. "Salamat nga pala sa libre, ang sarap ng kinain ko haha"natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. "Lahat naman nang libre masarap ah"napakamot ito sa batok. "Haha ngayon lang kaya may nanlibre sa akin! saka isa pa ako ang palaging nanlilibre,  Alam muna kuripot mga kaibigan ko"Nakapasok na kami sa university at nagpaalam kami sa isa't isa.  Dumiretso naman ako sa library para mag-hanap ng topic para sa thesis na gagawin ko malayo pa naman ang dead line pero ayoko ng nagra-rush pag malapit na ang deadline. Kasalukuyan akong tumitingin sa libro ng may sumundot sa akin. "Kyaahh!"sigaw ko paglingon ko sa likod ko pilyong ngiti ang nadatnan ko kay Mike. Hindi yata narinig ng librarian yung sigaw ko kaya sa tingin ko naman ay ligtas kami. "Bat mo ako sinundot ha?!"pasigaw na bulong kung sabi sa kanya. nagkibit balikat lang ito saka ako inakbayan. "Gggrrr Ang bigat ng braso mo!"inis kong sabi. Ang laki-laking tao tapos mang-aakbay pa sa akin kung sa iba hindi sila nabibigatan pwes ako nabibigatan. "Sungit nito, May dalaw ka ngayon no?!"inirapan ko siya,ito na naman siya mang-aasar na parang isang bata. Hays ewan koba napapaligiran ako ng mga taong mahilig mang-asar. "Oy hindi nga may dalaw ka?"pangu-ngulit niya. "Wala nga!"inis kong bulong sa kanya. "Weh? Naiinis kana ba? hmm Ava?"mabilis niya pang sinundot ang tagiliran ko. "Sh*t ka Mike tigilan mo ako ah, may gagawin pa ako para sa thesis ko kaya pwede wag kang mang-istrobo!"inis kong sabi sa kanya at tinulak ko pa ito.  Nakita ko naman na bigla siyang nalungkot dahil sa ginawa ko. "Pasensya na gusto lang naman kitang asarin eh, alam ko naman na pag-uwi mo sa bahay niyo magmumukmok ka na naman. Sorry ah naistorbo pa pala kita, sige aalis na ako"akmang mag-sasalita na ako pero mabilis siyang tumalikod at umalis. "Gggrrr bat ba ang galing niyang ma-ngonsensya?"Yung balak kong mag hanap ng topic para sa thesis hindi kuna ginawa at pumasok na lang ako sa next class ko kahit na may isang oras pang natitira. Dahil wala ang tatlo kong kaibigan naging lonely ako ngayon. Siguro susuyuin ko na lang si Mike pagkatapos ng klase ko ngayon araw. Pupuntahan ko na lang ito sa bahay nila at para na rin mabisita ko si Tita Leila. Kinuha ko ang cellphone ko saka ko hinanap ang number ni Mike pero pagkaslide ko pataas nakita ko ang pangalan ni Jake. "Huh? bat may pangalan siya dito?"takang tanong ko sa sarili. Nagkibit balikat na lang ako saka ko pinindot ang number ni Mike. To Mike: mike sorry kanina ah, babawi na lang ako mamaya pupunta ako dyan sa bahay niyo. Bati na tayo please!! Hindi mo naman siguro ako matitiis diba? Sige ka mawawalan ka ng magandang girl best friend  niyan. From Mike: Tsk oo na!! Hindi naman kita matitiis eh. Pagkatapos ba ng klase mo saka ka pupunta dito? To Mike: Oo, sasakay na lang ako ng cab mamaya! From Mike:Sunduin na lang kaya kita? To Mike:Wag na, maya na lang baka dumating na prof namin. Nang hindi na nag-reply si Mike itinago ko na ang cellphone ko. Ilang minuto din kaming nag-hintay ng pumasok na Si Mr. Isidro. Wala naman kaming masyadong ginawa Nag-discuss lang ito saka nagpa-seatwork. "Ok class dismiss"sigaw ni Sir. "Hayss sa wakas tapos na ang last subject ko ngayon"nag-unat pa ako dahil nangalay ako sa kakaupo ng halos isang oras at kalahati. Papalabas na ako ng university ng may nag text kinuha ko ang cellphone ko saka ko binuksan ang message. To Jake: Hi ava kinuha ko yung number mo nung nasa cr ka, I hope you don't  mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD