Chapter 5

1401 Words
Po'v Ava "So you're saying that the both of you broke up because he like someone else?"Paninigurado ni Mike sa akin, na kwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa amin ni Lance pero simpre hindi kuna isinali yung pagmamakaawa ko kay Lance na bumalik sa akin. "Correction sila na"pagtatama ko sa sinabi niya, saka kung iisipin wala naman na akong magagawa. Sobrang tanga ko lang na nag makaawa ako sakanya. "What's you're plan now?"tanong niya saka humigop ng cappuccino na inorder namin nasa isang coffee shop kami. Matapos kasi ng nangyari kanina hinila ako ni Mike papunta dito. "I really don't know Mike, maybe move on?"patanong na sagot ko umiling lang siya sa akin. "Ava look you can't move on kung hindi mo pa naayos ang sarili mo"naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ayusin ang sarili ko? Pero bakit? "Fix myself?Walang mali sa akin Mike"sabi ko sa kanya at uminom ng kape na inorder ko. "Really huh? Ava wala ka ba talagang alam sa paligid mo? Napag-iiwanan kana ng panahon" Agad kong tinaas ang isa kong kamay para tumigil siya hindi na maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya. Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi niya. "Wait...hold on Mike!"bumuntong hininga ako"Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin Mike, sabihin muna straight to the point!"sabi ko sa kanya. "What I'm trying to say Ava Fix yourself first!.. then you can move on"sabi nito mas lalo lang akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Wala naman mali sa akin eh. "Sa pag kakaalam ko Mike ok naman ako wala akong dapat ayusin sa sarili ko" "Ava hindi mo ba alam na ang boring mong babae"saglit akong natigilan sa sinabi niya. Boring ba ako? Oo minsan nagiging kj ako lalo na pag lalabas o manood ng sine  mas gusto ko pa kasi na magbasa na lang sa isang sulok kaysa maki-halubilo sa iba. "Kaya siguro siya nag kagusto ng iba kasi boring ka. I'm saying this Ava because I'm your bestfriend"dagdag niya pa. "Ayusin mo muna ang pananamit mo then wag kang nagpapaapi, hinayaan mona lang yung boyfriend mo na maagaw ng iba. Hindi ko sinasabi na mag bago ka Ava pero maging palaban ka naman. Ipagtanggol mo yung sarili mo. Yes... Mabait ka pero hindi mo man lang napagtanggol yung sarili mo noong mga bata pa tayo at hanggang ngayon nasasaktan ka parin dahil hindi mo kayang maging matapang. Malamang sa malamang hindi mo sinampal yung babae"Tama siya sa sobrang bait ko hindi ko kayang manakit ng tao.  Mas pipiliin ko na lang kasing ako ang masaktan kaysa makapanakit ako ng ibang tao. "Hindi ko kaya"nakayuko kung sabi sa kanya. Sa totoo lang hindi ko alam kong saan ako mag uumpisa. "Kaya mo Ava... Kayanin mo kong gusto mong makalimot"hinawakan niya pa ako sa balikat. "Pag-usapan na kang natin kung anong nangyari sayo matapos kong mawala"Tumango ako sinabi ko sa kanya na naghintay ako sa gate nila ng halos isang linggo na hindi niya pinaniwalaan. "Seryoso?! Ginawa mo yun?"gulat na gulat na sabi niya sa akin napailing na lang ako. Ikaw ba naman mawalan ng bestfriend simpre hihintayin mo pagbabalik niya. "Oo nga... simpre ikaw lang yung kaibigan ko noon tapos mawawala kapa. Nagagalit nga sila Mama kasi halos ayaw ko ng umuwi noon eh"bigla na lang siyang tumawa. "haha... pinalo kaba ni tita?"sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya naalala ko tuloy na pinalo ako ni mama sa pwet dahil ayokong umalis sa harap ng bahay nila niyakap ko pa nga yung gate dahil hinila na ako ni mama kaya dahil sa galit ni mama napalo niya ako sa pwet. Dahil sa pagtingin ko sa kanya ng masama mas lalo pa siyang natawa naka kuha tuloy kami ng atensyon. "So pinalo ka nga ni Tita hahaha.... sayang hindi ko  nakita"inirapan ko na lang siya pasalamat siya at hindi ko siya katabi kung hindi kukurutin ko siya sa tagiliran dahil sa inis ko. Inubos ko na lang yung kape na inorder ko ng bigla siyang tumayo. Tumingin lang ako sa kanya ng ilahad niya yung kamay niya sa akin. "Tara... "sabi niya sa akin. "Huh? saan tayo pupunta?"taka kong tanong sa kanya. Hindi pa nga nito nauubos yung kape niya eh. "Sa bahay niyo"sabi nito, kinuha ko lang yung sling bag ko saka ko kinuha yung kamay niya naglakad lang kami ng magkahawak kamay simula pa nung bata ganito na kami ni Mike. Mas mabuti na rin na andito si Mike para hindi ko maisip si Lance. *** Tuwang-tuwa sila mama at papa na makita si Mike pati na din si kuya tuwang-tuwa nakalimutan na nga ata nila ako eh kasi sila lang ang nag uusap usap habang ako ito nakaupo sa single sofa habang nakikinig sa kanila. "Actually tito kakauwi lang namin last week balak ko po talagang pumunta dito para bisitahin kayo napaaga lang kasi nagkita kami ni Ava sa national book store kanina"mahabang paliwanag ni Mike kay papa. "Ah ganoon ba Iho... Pero wala na ba kayong balak bumalik dito?"tanong ni Papa napakamot naman sa batok si Mike. "Kahit na gusto po namin Tito kaya lang nabenta na namin yung lupa at bahay eh. Saka nakatira naman po kami sa stepfather ko"sabi nito hindi ko nakilala ang papa ni Mike dahil namatay daw ito habang pinagbubuntis daw siya ng mama niya. "Oh tama na ang kwentuhan halina kayo at kakain na"tawag sa amin ni mama dali dali naman akong pumasok sa kusina at umupo sa pwesto ko. Sa tagal nilang mag kwentuhan ako ang nagutom sa kanila. Palibhasa hindi nila ako kinausap. "Oh andito ka pala Ava! Basta talaga pagkain ang bilis mo"gulat na sabi ni kuya inirapan ko na lang siya. "Duh!! kuya andoon din kaya ako sa sala hindi niyo lang napansin... Hindi niyo nga ako pinansin kahit na andoon ako eh!!"sabi ko may umupo sa tabi ko at nakita ko si Mike doon. "Nagtatampo ang bestfriend ko... Wag kang mag alala ikaw lang bestfriend ko."bahagya niya pang pinisil ang pisnge ko mabilis na rumehestro sa isip ko si Lance. Mabilis kong natampal ang kamay niya na ikinagulat nila maski ako nagulat sa ginawa ko. "P-pasensya na, ginagawa kasi ni Lance sa akin yan. Nagulat lang ako... pasensya na"sabi ko at umiwas ng tingin kay Mike nagkaroon ng tensyon sa aming lahat dahil sa ginawa at sinabi ko. "Tara na kumain na tayo para makapagpahinga na din tayo"sabi ni mama mabilis naman nag si upuan si Papa at kuya. Buong hapunan kaming walang imik habang kumakain. Wala na din sumubok mag bukas pa nangpag-uusapan naramdaman siguro nila na ayaw kong mag salita. Nakakainis tuloy kahit na ayokong maging ganito ang kalabasan ng hapunan namin nangyari na eh. Hays sana sa susunod na hapunan namin hindi na ganito. Bakit ba naman kasi pumasok sa utak ko yun! "Aalis na po ako Tita, tito,  Kuya Alex hmmm Ava aalis na ako"nag-aalangang sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.  Wala naman siyang kasalanan hindi naman niya gustong maalala ko si Lance dahil sa ginawa niya. "Hatid na kita sa labas"tumango naman siya kaya nauna na akong naglakad naramdaman ko naman ma sumunod siya. Nag makarating kami sa gate ng bahay namin pareho lang kaming nakatayo doon. "Hmm Ava sorry sa nangyari kanina hindi ko naman alam na ginagawa niya pala sayo yun"paghihinging paumanhin niya sa akin. Umiling ako at sinabayan ko pa pagwagayway ko ng kamay tanda na wala siyang dapat ihingi ng tawad. "Hindi wag kang mag sorry...  Hindi mo naman gusto na maalala ko si Lance dahil sa ginawa mo. Saka ano kaba ok lang yun sapakin kita dyan eh"natatawa kong sabi "wag kang oa"pahabol ko. Ginulo niya tuloy ang buhok ko na kinainis ko. "Ehh ano ba!"tampal ko sa kamay niya tinawanan niya lang ako, alam na alam talaga niya kung paano ako inisin. "Pftt dika pa rin nag babago sige na aalis na ako"paalam niya sa akin. "Sige mag-ingat ka" kumaway ako sa kanya habang papasok ito sa kotse niya. Pagkasakay niya sa kotse niya agad din siya umalis tinanaw ko lang ang kotse niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pumunta na ako sa kwarto ko hindi ko maiwasan ang isipin ang mga sinabi ni Mike sa akin. Babaguhin ko ba ang sarili ko? Kasi kung dapat lang baguhin ko ang sarili ko saan ako mag uumpisa? Napailing na lang ako. Nakatulog na lang ako dahil sa pag iisip kong aayusin ko ba ang sarili ko o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD