Chapter 4

1388 Words
Po'v Ava Andito pa rin ako sa kwarto hindi ko na nga alam kong anong petsa na basta ang alam ko ayoko ng malaman. Wala akong gana sa lahat! Kahit kumain lang lumabas ng bahay o kaya naman mag enjoy haha. Miss kona yung dating ako. Sa bawat araw na lumilipas feeling ko ang hirap-hirap ng bumangon. Nakulong na ako sa sarili kong kalungkutan at hindi ko alam kung papaano pa ako makakabangon sa araw araw. Mabuti nga at meron pa akong pamilya na nakakaintindi sa akin. Dahil kung wala na din sila hindi kona alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Nagtalukbong ako ng kumot ng may kumatok na naman sa pintuan ng kwarto ko. Lagi nila akong kinakausap pero walang lumalabas na kahit anong salita mula sa bibig ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa napagod na siguro ang mga mata ko sa kakaiyak. Halos hindi kona rin maramdaman ang mga mata ko namanhif na ata sa paulit-ulit kong pag iyak. "Anak may dala akong pagkain please kumain ka naman ilang araw ka nang ganyan."hindi ako nag salita at hinayaan ko na lang mag salita si mama. Pinikit ko ang mga mata ko at isiniksik sa utak ko na mag isa lang ako sa kwarto nagpanggap din ako na parang walang naririnig.  Pero napabangon na lang ako ng marinig ko si mama na umiiyak at dahil yun sa akin. "Anak alam ko naman na mahirap ang pinagdadaanan mo pero sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan?! Kami din anak!! Nahihirapan kami ng papa at kuya mo na nakikita kang ganyan"tinitigan ko lang si mama akala ko ako lang yung nasasaktan? Pero hindi pala dahil sa pagpapabaya ko sa sarili ko nakalimutan kuna na may pamilya pala na nag aalala sa akin. May magulang at kapatid na nagmamahal sa akin ng lubos. Niyakap ko si mama ng mahigpit ngayon natauhan na ako! hindi pwedeng si Lance na lang ang palagi kong inaalala paano naman ang sarili ko? Paano naman ang mga magulang ko? Pagkatapos umiyak ni mama Inaya niya akong lumabas ngumiti naman ako at sinabi kong susunod na lang ako at maliligo muna ako. Pumunta ako sa banyo at naligo nag toothbrush na din ako.  Matapos mag bihis at mag aayos ng konti saka ako lumabas ng bahay. Nakita ako ni Kuya tumutulong ito kay mama na mag ayos ng hapagkainan. Mabilis ko siya niyakap mula sa likod naramdaman kong natigilan siya dahil sa ginawa ko.  Matapos kasi ng pagmamakaawa ko kay Lance hindi niya ako pinansin hindi niya din ako binisita sa kwarto ko madalas si mama at papa lang pumapasok kaya sigurado ako nagalit siya dahil nag makaawa ako. "Sorry kuya!"sabi ko sa kanya humarap siya sa akin saka ako hinawakan sa balikat nakatingin lang siya sa akin nag seryoso kaya yumuko ako. "Basta wag mo nauulitin yung ginawa mong pag mamakaawa Ava"tumingin ako sa kanya at nakita kong bahagya pa siyang nakangite kaya naman tumango ako sa kanya. "Hindi ko yun gusto lalo na dahil babae ka! At lalong lalo na hindi mo kailangan yung pagmamahal niya. You deserve to be love Ava wag kang magpakatanga sa lalaking yun na pinagpalit ka lang" "Sorry po kuya promise hindi kona po uulitin yun"pangako ko sa kuya ko. "Oh siya tama na yan wag na kayong mag dramahan dyan at maka mamaya mag-iyakan kayo. Maga pa ang mata ni Ava kaga tumigil kayo dyan. Tatawagin ko muna ang papa niyo sa labas para makakain na"tumango kami ni kuya saka kami umupo sa pwesto ko pag dating ni papa hinalikan niya ako sa noo ko. "Wag mo na ulit yung gagawin Ava ah!"bilin ni papa sa akin siguro na kwento na ni kuya kong paano ako nagmakaawa kay Lance kaya naman tumango ako kay papa saka ngumuti. "Sige na umupo kana Mahal! Para makakain na din tayo"Sumunod naman si papa habang kumakain kami ay nagpaalam ako kila mama na aalis ako at papuntang mall pinayagan naman nila ako.  Gusto ko din mag libang ngayon dahil puro problema na lang ang naiisip ko. Ayokong matulad sa mga babaeng nadepress at nagpakamatay. *** Andito ako ngayon sa national book store bibili ako ng gamit ko para sa school malapit na din kasi ang pasukan kaya andito na lang rin naman ako bumili na din ako ng libro habang tumitingin ako ng Fiction books may narinig akong familiar  na boses. "Babe! ano bang bibilhin mo?"napalunok ako at pasimpleng sumulyap ng tingin nakita ko doon si Angela at Lance nakahawak si Angela sa braso ni Lance habang pumipili ng libro. "Sabi ko naman sayo wag kang sumama eh alam ko naman na mabo-boring ka lang dito"sagot naman ni Lance nakita kong lilingon siya sa pwesto ko kaya dali dali akong dumapa. Kumuha din ako ng isang librong nakuha ko sa pinakamababang lagayan ng bookshelf. Agad akong gumapang paalis sa pwesto ko ng may nakita akong pares ng sapatos napapikit na lang ako kung minamalas ka nga naman eh. Baka makita ako ni Lance at Angela tapos isipin nitong Angela na sinusundan ko sila sh*t. Dahan dahan akong tumingala sa nakaharang sa daan. "Padaan"sabi ko sa kanya pero hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya at nakatitig lang sa akin. Bigla akong nailang kaya dahan dahan akong tumayo saka ko pinangharang ang nakuha kong libro sa mukha ko. "Excuse me Mr. dadaan ako"sabi ko pero hindi parin siya gumagalaw at nakatitig parin sa akin. "Ahh excuse me nakakailang kana ah!"may bahid na inis sa boses ko. "Ava!??"parang nagtataka pa nitong sabi, taka naman akong nakatingin sa kanya. Kilala ko ba to? "Kilala mo ako?"pagtatanong ko tinitigan ko ang mukha niya, teka parang familiar ang mukha niya? Nanlalaki ang mata ko saka ko siya tinuro. "Mike ikaw ba yan?!!"amaze na sabi ko agad naman siya tumango.  Si Mike ay childhood bestfriend ko pero bigla na lang silang lumipat ng bahay at hindi nag paalam sa akin si Mike noon. Basta ang sabi ni mama lumipat na daw sila ng bahay at hindi nila alam kong makakabalik pa ba sila sa lugar namin. Isang linggo din akong nagmukmok at nag hintay sa tapat ng gate nila inaasahan ko kasi noon na babalik sila pero nag daan ang linggo, buwan at taon. Kaya nga hindi ko na siya masyadong nakilala ngayon eh. Yayakapin niya sana ako ng marinig ko ang boses ni Lance dali dali kong hinila si Mike papunta sa ibang bookshelf ng narinig ko ang sabi ni Lance. "Huh? sino kaya ang bibili nitong mga notebook iniwan na lang dito yung mga bibilhin"nanlaki ang mga mata ko. "Mike!!"sabi ko sa kanya at mahigpit na hinawakan ang braso niya. "Bakit?"nagtataka nitong sabi. "Kunin mo naman yung mga bibilhin ko doon"tinuro ko ang pwesto nila Lance agad namang tumango si Mike at pumunta sa pwesto kong nasaan sila Lance nag tago ako sa bookshelf mahirap na baka makita ako. Buti na lang hindi na nag tanong pa si Mike. Kasi Hindi ko alam paano ko sasabihin sa sitwasyon na ganito Pagbalik ni Mike dala dala na niya ang mga bibilhin ko.  Mabilis ko siyang hinila papuntang cashier para magbayad. Kinuha ni Mike lahat ng pinamili ko at siya na ang nag bitbit. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong papunta na dito sila Lance iiwas na sana ako ng tingin ng magtama ang mata namin ni Lance natigilan pa ito ngunit agad ding naka bawi umiwas ako ng tingin saka ko hinila si Mike palabas ng National book store. "Teka sandali baka mahulog tong mga pinamili mo"sabi ni Mike "Bilisan mo kasi!"naiinis ko ng sabi. "Namiss mo lang ako eh"tukso niya sa akin saka  inakbayan tatangalin ko na sana ang pagkakaakbay niya sa akin ng may tumawag sa akin. "Ava!"napapikit ako ng mariin bago ako lumingon sa kanya nakaakbay pa rin sa akin si Mike. Nakita ko pa si Angela na nakasimangot habang bitbit ang pinamili ni Lance siguro siya na ang nag bayad para mahabol ako ni Lance. "Bakit?!"sinadya kong wag bigyan ng emosyon ang buong mukha ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. "I'm glad you're move on. Stay strong for the both of you!"pagkasabi niya nun agad niya hinapit sa bewang si Angela at sabay silang umalis. Napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya. Nakamove on ako? Haha... How I wish na ganon lang kadali ang mag move on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD