Po'v Ava
Isang linggo na din simula nung nangyari sa aking kahihiyan buti na lang at hindi ko na masyadong naiisip yun kong hindi baka mamatay na ako dahil sa kahihiyan.
Andito ako ngayon sa kwarto ko nililigpit lahat ng binigay ni Lance balak ko sanang itapon tong lahat pero hindi ko kaya. Kaya naisipan kona lang naisuli ito sa kanya.
Mas mabuti sigurong isuli ko na lang lahat siya na lang bahalang mag tapon o kahit anong gusto niyang gawin sa mga gamit na binigay niya.
Napatigil ako sa paglalagay ng picture frame ng makita kong masaya pa kami sa litratong to.
Napangiti ako ng mapait napailing na lang ako at dali-daling inilagay ang lahat ng gamit ayoko ng umiyak siguro tama na yung dalawang buwan.
Sa ngayon gusto ko munang makalimutan lahat ng pinag samahan namin pero hindi ibig sabihin na kinalimutan kuna lahat ng alalang binuo namin hindi ko na siya mahal siguro dadating din sa akin yung lalaking para sa akin yung ako lang ang mamahalin yung hindi magbabago ang t***k ng puso niya.
"Ava anak lumabas kana dyan ano bang ginagawa mo"narinig kong kumakatok si papa kaya dali dali ko itong binuksan
"Pa nagliligpit lang po ako"sabi ko sa kanya lumingon naman siya sa likod ko nakapatong lang sa kama ang mga kahon na pinaglagyan ko. Pumasok si papa kaya hinayaan kuna na tignan niya ang mga niligpit ko
"Itatapon mo ang mga to anak?" umiling lang ako sa kanya
"Hindi po pa ibabalik ko kay Lance hindi ko po kasi kayang itapon yang mga yan eh, siya na lang po bahala kong anong gagawin niya dyan sa mga gamit"paliwanag ko kay papa napatango tango naman siya.
"Sige sasabihin ko sa kuya mo na samahan ka"mabilis akong umiling. Kaya ko naman pumunta doon ng mag-isa saka baka kung anong manyari pag nagkita sila. Masama na kasi ang loob ni kuya kay Lance kaya mas ok na ako na lang ang pumunta.
"Hindi na po pa kaya ko naman eh saka baka magkagulo pa kong makita ni kuya si Lance saka tatlong box lang naman po yan eh kayang kaya ko naman po siguro isa isa ko na lang pong ibababa sa jeep"tinitigan ako ni papa parang sinusuri niya pa ako kong kaya ko talaga o baka sinuri niyang kong kaya ko bang harapin si Lance. Kakayanin ko naman na harapin si Lance eh nakamove on na ako.
"Pa kaya ko po sarili ko saka kong hindi kung hindi naman po sasabihan ko naman po kayo nila mama eh"paninigurado ko kay papa napabuntong hininga na lang siya at tinulongan akong mag ligpit tinawag niya pa si Kuya para tulungan kami para mabilis na matapos.
"Sigurado kaba Ava pwede naman kitang samahan eh"napairap na lang ako nakailang beses na siyang nag tanong sa akin pero palagi kong sinasagot na hindi na.
"Kuya Dave kaya ko na saka nakailang tanong kana sa akin eh. Nakakairita kana supalpalan kita ng unan dyan eh!"tinawag ko na siya sa pangalan niya para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko.
"Eh kahit ihatid na kita hanggang sa apartment ni Lance mabigat pa naman tong mga kahon aalis din ako agad"magsasalita pa sana ako ng may humintong jeep dali dali itong sumakay sa jeep napailing na lang ako kahit kailan talaga si kuya.
Tahimik lang kami ni kuya sa byahe lutang din ang isip ko dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko pag nagkita kami ni Lance ngayon lang ulit ako magpapakita sa kanya halos mag ta-tatlong buwan na din kaming hindi nag uusap saka yung huli ko pa siyang nakita kasama niya si Angela sa hintayan ng jeep.
"Ava baba na tayo"nabalik sa realidad ang sarili ko ng mag salita si kuya tumingin ako sa bintana. Oo nga andito na kami, dali dali kaming bumaba ng huminto na ang jeep
kagaya nga na sabi ni kuya hinatid niya lang ako sa apartment ni Lance pero hihintayin niya daw ako sa sakayan ng jeep tumango na lang ako.
Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko
"Kumalma ka Ava"bulong ko sa sarili ko taas noo akong kumatok sa pintuan ng apartment ni Lance
Ilang minuto pa akong nag hintay ng may bumukas ang pinto halos hindi na ako makahinga na makita ko si Angela ang bumukas naka sando lang ito at maikling short.
"Ikaw yung ex ni Lance diba?" tinignan ko siya saka ngumiti
"Ako nga andyan ba si Lance?"tinaasan niya ako ng kilay.
"Aware kaba na boyfriend kuna siya ngayon"may panunuya niyang sabi sa akin natigilan ako dahil sa sinabi niya sila na? kailan pa? bat ang bilis? Napapikit lang ako kaya mo yan Ava wag mong ipakita na nasasaktan ka. Well inaasahan kona din naman to eh simula ng makita ko silang magkasama alam kona na siya ang gusto ni Lance.
Ngumiti ako sa kanya" Well congrats sa inyo stay strong Angela saka wag kang mag alala may isasauli lang ako sa EX-BOYFRIEND ko"inimphasize ko pa ang ex boyfriend. Takot ata siyang mawala ang boyfriend niya kono.
"Angela bat ang tag--"hindi na natapos ni Lance ang sasabihin niya ng makita niya ako ngumiti naman ako sa kanya.
"Ahh Angela pumasok ka muna kakausapin ko lang siya"inirapan pa ako ni Angela saka pumasok sa loob dali-dali namang lumabas si Lance hinawakan niya pang ang braso ko nang masarado na niya ang pinto hinila niya ako palayo sa pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?"naiinis nitong sabi aba at siya pa ang may ganang mainis!!.. ahh oo nga pala baka naistrobo ko sila.
"Ibabalik ko lang yung mga gamit na ibinigay mo sa akin Lance at sorry kong naistrobo ko kayo"pinilit ko ang sarili kong wag pumiyok dahil naiiyak na naman ako.
"Binigay ko sayo ang mga yan bat hindi mo na lang itinapon"naiinis niyang sabi saka tumingin sa tatlong kahon na nasa gilid ng pintuan niya.
Mapakla akong tumawa kusa na ding tumulo ang mga luha ko parang natigilan pa siya dahil umiiyak ako sa harapan niya. Ngumiti ako sa kanya.
" Ano sa tingin mo ha? Na Kaya kong itapon lahat ng yan?! Ano sa tingin mo na naka move on na ako? Well, para ma inform ka, hindi pa ako naka move on sayo. At bakit ang dali lang sabihin sayo na itapon ko yang mga yan?! Ah.... Oo nga pala, IKAW nga, natapon mo yung 6 years na pagsasama natin eh!!" pinunasan ko ang mga luha ko. Sh*t akala ko nakamove on na ako pero hindi pala nakita ko lang ulit siya bumalik na lahat lahat. Napakatanga ko sa part na sinabi kong nakamove on na ako pero hindi pa pala, hahaha patawa ka Ava!
"Kalimutan muna lahat Ava"nakatingin siya sa akin hindi ko mapigilan ang sarili ko sinampal ko siya saka ko pinagpapalo ang dibdib niya.
"Madali lang sabihin sayo yan kasi may mahal ka ng iba madali lang sayo kasi hindi ka nasasaktan! Madali lang sayo ang lahat dahil hindi ikaw ang nakakaramdam ng sakit na dinaranas ko ngayon!!. Madali lang sayo ang lahat kasi hindi muna ako mahal!! Bakit? Bakit Lance?!"naiiyak kong sabi sa kanya.
"I'm sorry Ava"mahina nitong sabi.
"Please tayo na lang ulit babaguhin ko yung sarili ko sabihin mo lang kong anong ayaw mo sa akin, please ako na lang ulit mahalin mo"pagmamakaawa ko sa kanya tumingin siya sa akin may lungkot sa mga mata niya.
"Ako na lang ulit Lance, Magbabago na ako please!"niyakap ko siya ng mahigpit.
"No! Ava wala kang dapat ibago...ako yung nagbago, yung puso ko ang nag bago, I'm sorry kong hindi na ikaw"pilit niyang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
"No Lance please I'm begging you ako na lang ulit!"tuluyan na niyang natanggal ang pagkakayakap ko sa kanya kaya dali-dali akong lumuhod sa harapan niya. Desperada na kung desperada! Pero gusto kona siyang bumalik sa akin.
"Ava!! sh*t tumayo ka dyan"umiling ako.
"No, Lance hindi ako tatayo dito"tinitigan ko siya nakita ko sa mga mata niya ang awa.
"Ava please wag mong pahirapan ang sarili mo hindi na ikaw ang mahal ko!"sigaw niya sa akin magsasalita pa sana ako ng may biglang humila sa akin patayo.
"K-kuya"umiiyak kong sabi.
"Wag ka nang mag-alala sa kapatid ko kami na ang bahala sa kanya at sana yang babaeng ipinalit mo sa kapatid ko wag mong gawin ang ginawa mo sa kapatid ko"sabi ni kuya saka ako hinila nagpupumiglas ako.
Dahil gusto kong makausap si Lance
"Kuya bitawan mo ako please!"pagmamakaawa ko
Tumigil siya sa pag lalakad at hinarap ako hinawakan niya ang balikat ko saka ako niyugyog.
"Tang*na Ava nagpapakatanga kana hindi ka namin pinalaki nila papa para lang mag makaawa ng pagmamahal sa gagong yun"napahagulgol na lang ako dahil sa sinabi ni kuya agad naman niya akong niyakap at pinatahan.