Chapter 2

1457 Words
Po'v Ava Araw ng linggo ngayon napag desisyonan namin na mag simba ngayong araw nakasuot lang ako ng t-shirt na white saka ko tinirnuhan ng jeans saka rubber shoes. "Ava tapos kana ba"alam kong naiinip na si kuya sa kakahintay sa akin palibhasa hindi naliligo. "Oo ito na, hindi makapag hintay"binulong ko yung huli kong sinabi mahirap na baka mapag-tripan ako. Binuksan ko ang pintuan nakita ko doon si kuya nakasandal sa pader katapat ng kwarto ko. "Akala ko umalis kana!"sabi ko at nag lakad papuntang sala. "Tsk mabagal ka kayang kumilos mahirap na kong magtatagal ka pa sa loob ng kwarto mo"naramdaman kong sumunod na sa akin si kuya saka ako sinabayan sa pag lalakad. "Ma, Pa tara na"aya ko kila mama at papa kinuha ni mama yung bag niya saka kami lumabas ng bahay sabay sabay kaming nag lakad papunta sa waiting area. Naramdaman kong umakbay si kuya sa akin. "Kuya ang bigat ng braso mo eh!!"sabi ko dahil halata naman na pinapabigat niya yung braso niya sa balikat ko. "Mabigat ba sadyang payatot ka lang Ava magpataba ka nga kahit konti"alam ko naman na pumayat ako dahil hindi ako maayos na nakakain ng dalawang buwan dahil nga sa hiwalayan namin ni Lance pinilit kong wag isipin ang paghihiwalay namin ni Lance hanggang sa matapos ang simba. "Kain tayo"sabi ni papa agad naman kaming sumang ayon kay papa dahil gutom na din naman kami maaga kasi kaming gumayak para sa first mass kaya ito hindi na kami nakakain ng almusal. Pumunta kami sa Karenderya ni nanay nilalakad lang ito mula sa simbahan kaya hindi na kami sumakay. "oh ito kanin mo tong lahat anak"sabi ni mama habang nilalagyan ng tinulang manok ang plato ko sobrang daming rice ang nilagay nila sa plato ko may balak ata silang punuin yung plato dahil nilagyan pa ni papa ng pakbet yung plato ko habang si kuya naman nilagyan niya ng menudo. "Kuya tama na baka hindi ko na maubos ohh!!."suway ko kay kuya ng akma na naman niyang lalagyan ng chopsuey. "Haha iniinis lang kita ang pangit kasi ng mukha mo habang nilalagyan namin ng ulam yang plato mo"napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya kahit kailan talaga mapang asar si kuya. Wala talaga tong ginawang matino kung hindi ang asarin ako ng asarin. Iniisip ko nga na baka ampon ako kasi lahat sila magaling mang-asar. Ako lang ata ang matino sa aming lahat. "Tama na yan kumain na lang kayo saka Dave inaasar mo na naman kapatid mo at ikaw Ava ubusin mo lahat yan. Sobrang payat mona dahil hindi ka nakakain ng maayos"sabi ni mama sa amin kaya tumango na lang ako. Halos hindi ko na maubos yung pagkain ko kong hindi lang ako pinaglalakihan ni mama ng mata baka hindi ko na yun inubos. Nakasimangot tuloy ako ng matapos kaming kumain. "Ano kaya mo pa bang maglakad"pang asar ni kuya sa akin dahil dahan dahan lang akong mag lakad. "Isa pa kuya masasapak na kita!"sabi ko sa kanya dahil naiinis na talaga ako. Hindi din ako makahinga ng maayos dahil sa busog ko. "Pa, iwan na natin si Ava tagal maglakad eh"Sigaw ni kuya dahil malayo na din sila papa na nag lalakad napasimangot ako. "Humanda ka pang bumaba yung kinain ko"pagbabanta ko sa kanya. "Sige sabi mo eh... pangit!"sabi nito at tumakbo papunta kila mama napasimangot na lang ako habang nag lalakad ng dahan dahan talagang iniwan pa ako ng mga yun. Hindi bale sa park naman sila pupunta malapit lang naman yun dito pero mukhang matatagalan ako dahil sa busog ko. Buti na lang umaga pa dahil hindi pa gaanong mainit dito. "Saan ka pupunta"napapitlag na lang ako ng may magsalita sa likod ko. "Bakit kaba nangugulat!"inis ko sabi sa nanggulat sa akin pag lingon ko siya yung nasa engineering building yung nag sabi sa akin ng papakasalan daw ako pag nakita niya ulit ako umiyak tinaasan ko siya ng kilay. "Wala kang pakialam kong saan ako pupunta"sabi ko at mas binilisan ko ang mag lakad. "Oy pwedeng sumama sayo?"tinignan ko siya ng masama. "Hindi pwede, kaya kong pwede ba umalis kana!!"naiinis na nga ako kay kuya dumagdag pa ang isang to. Magkamukha na nga sila... Mukha silang mga garapata! Mas bilisan ko pa yung paglalakad ko pero naka ramdam ako ng sakit sa tyan kaya tumigil ako sa pag lalakad napapikit ako dahil sa sakit ng tyan ko. Sh*t ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit ba kasi ako kumain ng madami? "Miss ok ka lang?"tanong sa akin ng lalaking sa engineering building "Wag kang lumapit!!"banta ko sa kanya dahil nararamdaman kong magpapaputok ako ng masamang amoy. "Wag kang lalapit sabi!!"sigaw ko sa kanya may mga nag lalakad din dito pero konti lang ano ba yan! Lumapit pa rin siya sa akin hinawakan niya pa ang balikat ko, aalisin ko na sana yung kamay niya ng kusang sumabog ang hindi dapat napapikit ako dahil sa baho ng inilabas ko. "Ang baho" sabi niya habang naka ngiwi. "Sabi ko naman sayo wag kang lumapit"nahihiya kong sabi sa kanya naramdaman ko ang pagliyab ng tyan ko kaya hinila ko yung laylayan ng damit niya tumingkayad ako para maka bulong sa kanya. "Kailangan kong tumae"bulong kong sabi saka ako umiwas ng tingin. Isa tong malaking kahihiyan panigurado pero kailangan kona talagang tumae! "Ha? "parang wala pa siya sa sarili niya kaya nasabunutan ko siya ng wala sa oras. Bahala na!  Ang mahala makatae ako! "Gusto kong tumae sabi!!" "Sh*t... o-oo na bitawan mo buhok ko!! masakit aray!"natauhan naman ako dahil sa ginawa ko kaya binitawan kona yung buhok niya at dahil nga nasabunutan ko siya tinulungan niya akong makahanap ng cr. Halos takpan kona yung ilong ko dahil sa sobrang baho ng tae ko, sana lang hindi maamoy hanggang sa labas ng cr kong hindi malaking kahihiyan na naman ang abot ko at sana wala pang pumasok na ibang mag c-cr. Ok na sana na, kahit ako na lang ang maka amoy para wala akong ikahihiya pero malabo yun dahil sa narinig ko. "Bat ang baho grabe naman yung tumae dito"rinig kong sabi ng isang babae. "Oo nga, para siyang kumain ng bulok na pagkain dahil sa sama ng amoy!" "Tara na nga sa ibang cr na lang tayo umihi ang baho talaga"rinig kong sabi ng isang babae baka magkaibigan sila. Jusko ayoko na atang lumabas ng cubicle nahihiya na talaga ako. Kahit na ayaw ko pang lumabas pero hindi ko na talaga kaya ang baho na naamoy ko. Medyo ok na din naman ang pakiramdam ko. Nag hugas ako ng kamay ko saka ako lumabas nagulat pa ako kasi andito pa yung tumulong sa akin. "Ang tagal mong tumae"sabi nito nakaramdam ako ng init sa mukha. "Ah thank you sa pagtulong"sabi ko at kumaripas na ng takbo wala na akong mukhang maihaharap jusko akala ko wala na siya dahil halos dalawang oras akong tumae hinding hindi na talaga ako kakain ng iba't ibang putahe ng sabay sabay huhu. *** "WWHHAAA NAKAKAHIYA"sigaw ko sa loob ng kwarto ko dahil sa nangyari kanina. "Nakakahiya ka Ava!"napahilamos na lang ako ng mukha. "Ava lahat naman ng tao tumatae ah"kumbinsi ko sa sarili ko. "Pero bat ka nagpatulong sa kanya grabe nakakahiya nakakahiya whhaaaa ayoko na talaga!!"sigaw ko sa kwarto ko nagpagulong gulong pa ako para makalimutan ko yung nangyari kanina sinubukan ko ding matulog pero yun pa rin ang naaalala ko. Napaupo ako sa kama saka ko sinabunutan ang sarili ko sinampal ko din gusto ko ng magising na ako sa panaginip ko. "Gusto ko ng magising"sabi ko saka ko sinampal ng malakas ang sarili ko pero nasaktan lang ako. "Ouch ang sakit!!"sabi ko saka ko hinimas himas ang pisnge ko ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration "Ma, Pa dalhin na natin si Ava sa mental nababaliw na siya!!"napatingin ako sa pintuan nandoon si kuya habang naka ngisi sa akin. "Kuya!"hinagis ko ang unan ko sa kanya pero nasalo niya kaya mas dumagdag pa yung inis ko "Umalis ka nga dito letche ka!! Kasalanan mo din to eh kung hindi mo dinagdagan kinakain ko kanina edi sana hindi sumakit tyan ko!"mabilis ko siyang tinulak saka ko malakas na sinarado yung pintuan ng kwarto ko. "Alam mo Ava ok lang naman umutot sa harapan ng lalaki pati na rin yung humingi ka ng tulong para lang madala ka sa cr ng mabilisan pero yung baho ng tae mo nakakamatay... yun ang nakakahiya"natatawa nitong sabi. "Umalis kana nga kaya hindi ka nag kaka girlfriend eh ang lakas mong mang asar!!"sigaw ko sa kanya nakarinig ako ng yabag tanda na umalis na si kuya. Tinataga ko sa bato makakaganti din ako sayo kuya. At sa lalaking tumulong sa akin kanina sana lang diko na siya makita pa ulit. Tama na yung kahihiyan na inabot ko!! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD