Po'v Ava
"Isa Lance akin na yan"naiinis kong sabi kay Lance.
"Galit na ba ang baby ko" natatawa nitong sabi.
"Lance isa nakakahiya akin na yan please!!"pagmamakaawa ko paano ba naman kinuha niya yung napkin na bibilhin ko sana naubusan na kasi ako ng stock ng napkin sa bahay eh hindi ko naman alam na pupuntahan pala ako ni Lance sa bahay at ang magaling kong kuya sinabi na bibili daw ako ng napkin, which is true kaya ito ako ngayon nag mamakaawa na ibigay ni Lance ang napkin na bibilhin ko sana.
"Ako na mag babayad Ava"pagpupumilit niya naiinis na talaga ako dito!
"Ok fine but put it down nakakahiya na ohh"naiinis kong sabi ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Nahiya kapa eh hinahalikan nga kita sa harap ng kuya mo eh"halos mapahilamos ako sa mukha ko dahil sa kakahiyan.
"Ikaw ggrrr nakakainis ka! Bahala ka dyan sa buhay mo! Wag na wag mo akong kakausapin...kahit na kailangan!"inis kong sabi saka ko siya iniwan. Kumuha ulit ako ng bagong pack ng napkin mabilis ako pumunta sa counter para mabayaran na. Napapikit na lang ako dahil sa inis ng may sumundot sundot sa tagiliran ko.
Bakit ba napakakulit ng taong to? Hindi pa ako tigilan sa kakulitan!
"Baby sorry na"lumingon ako sa kanya naka pout pa ito kala mo naman kung kinagwapo na niya.
Inirapan ko lang siya ng makabayad na ako hindi pa din siya tumitigil kakasundot sa tagiliran ko.
"Ano ba!"naiinis kong sigaw.
"Sorry na i love you"
Kahit na naiinis ako sa kanya hindi ko maiwasan na mapangiti sa sinabi niya.
"Yiee ngumiti na siya"niyakap niya ako ng mahigpit.
"Bati na tayo ahh?!"
"May magagawa paba ako? Eh na pangiti mona ako"natatawa kong sabi.
***
Pinunasan ko ang mga luha ko ng nakarinig ako ng katok mula sa pinto.
"Anak enrollment niyo na daw sabi ng kuya mo hanggang kailan kana mag mumukmok dyan ha?"nahimigan ko ang inis sa boses ni papa pero nag talukbong lang ako ng kumot kahit na dalawang buwan na kaming hiwalay.
Hindi pa din mawala ang sakit ng nararamdaman ko halos palagi na lang akong nasa loob ng kwarto ko minsan na nga lang akong lumabas ng kwarto lalo na pag nagagalit na si mama dahil sa pinag gagagawa ko.
"Anak buksan mo tong pinto"rinig kong sabi ni mama. Nahimigan ko ang inis sa boses neto pero nanatili lang akong nakahiga sa kana habang nakatalukbong ng kumot.
"Ava Delos Reyes lalabas kaba dyan o hindi pinapabayaan muna ang sarili mo dahil sa isang lalaki! Hindi na ako natutuwa sayo Ava binigyan ka namin nila mama at papa para mag isip pero anong petsa na nandyan ka pa din sa kama mo nagmumukmok"
"Ano ha?! Magkakaganyan ka dahil sa gag*ng yun? Sige mag mukmok ka dyan habang siya masaya na sa iba!"
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at binuksan ang pinto nakita ko silang nag aalala sa akin kaya ngumiti ako
Yung ngiting totoo walang halong lungkot.
Tama sila dapat hindi na ako nagmumukmok dito ng matagal. Kailangan ko din maging masaya para sa sarili ko at sa pamilya ko.
"Mag eenroll na po ako ma, pa, kuya mag aayos lang ako wag po kayong mag alala kaya ko po ang sarili ko. Tama ka kuya dapat hindi ako nagkakaganito dahil sa isang lalaki lang. Sorry kung masyado kona kayong pinag-aalala"
Kagaya ng sabi ko kila mama nag enroll ako ng mag isa, sinabihan pa ako nila Chen mga kaibigan ko na sabay-sabay na kami. Pero tumanggi ako sa alok nila ayoko pa kasing sumama sa kanila. Alam ko naman na magtatanong sila bakit kami nag hiwalay ni Lance.
Sinabi ko din na may dadaanan muna ako bago mag enroll kaya wala na silang nagawa kanina.
Pag tapos kung mag enroll naglakad na ako paalis sa registration ayokong tumagal sa university naalala ko lang si Lance pag nag tagal lang ako dito.
Hindi pa ako nakararating sa sakayan ng jeep ng makita ko si Lance doon kasama niya si Angela nakita kong tumatawa si Angela halatang may sinabing joke si Lance kaya ito tumatawa habang si Lance naman naka ngiti habang pinagmamasdan si Angela.
Kung makikita sila ng ibang tao magmumukha silang perfect couple.
Imbis na umuwi dinala ako ng paa ko pabalik sa university mas mabuti na lang na maalala ko lahat ng masasayang alaala namin keysa makita ko siyang masaya na sa iba. Diko pa rin maiwasan na masaktan kung sabagay ako na lang naman ang hindi pa nakakalimot sa aming lahat.
Mahirap naman kasing makalimut ang dali-daling sabihin pero mahirap gawin. Nakulong na ako eh, nakulong ako sa nakaraan na ginawa namin ng magkasama.
Pumunta ako sa likod ng Civil Engineering Building.
Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto kay Angela isa siya sa cheering squad dito sa school sikat din siya matalino, maganda, saka may kaya sa buhay.
Napaiyak na lang ako dahil sa naiisip ko hindi man lang dumalaw si Lance sa akin nung mag hiwalay kami. Kahit man lang kamustahin ang kalagayan ko kahit papaano sana gumaan yung loob ko pero wala eh. Naghintay ako hanggang sa lumipas ang isang araw at nasundan la hanggang sa naging dalawang buwan na pala.
Isa pa tong pesteng luha ko hindi na naubus-ubos lagi na lang maga ang mata ko dahil sa kakaiyak.
Oo nga pala ex na pala niya ako sino ba naman ang bibisitahin ang ex niya diba tanga lang siguro ako na naghihintay sa kanya na bawiin ang mga sinabi niya.
Umasa lang siguro ako kasi anim na taon din kami halos makilala na niya ang buong pamilya ko maski mga pinsan ko matalik nga silang magkaibigan ng kuya ko eh.
Naalala ko ang sabi sa akin ng lola ko na nag babago ang pagkatao ng isang tao maski ang puso nito nag babago ang tinitibok.
At totoo nga yun, mapait akong ngumiti. Hindi ko alam na mangyayari pala sa akin yung sinabi sa akin ni lola. Na yung lalaking mahal ko iba na ang mahal.
***
"Baby inaantok na ako"inaantok kong sabi halos matulugan ko na ang huli kong subject dahil sa antok ko
tinapos ko kasi kagabi yung thesis namin deadline na din kasi nun ngayong araw kaya tinapos kona kagabi. Nakalimutan ko kasi yung deadline eh buti na lang sinabi sa akin ni Gina na ngayon ang pasahan.
"Sige matulog kana baby babantayan kita"isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Lance saka ako hinatak ng antok.
"I love you Lance"
***
"Oy anong tinitignan mo dyan?"napapitlag ako ng may mag salita sa gilid ko.
"Lance papatayin mo ba ako sa gulat ha? " inis kong sabi habang hawak hawak ang dibdib ko dahil sa gulat.
"Hahaha ano ba kasi tinitignan mo dyan baby? " pag tatanong niya sa akin.
"Wala tinitignan ko lang yung ice cream"tinaasan niya ako ng kilay.
"Seryoso ako Lance yung ice cream talaga tinitignan ko"bigla na lang niya akong hinila papunta kay manong na nag bebenta ng ice cream.
"ayiee thank you Lance"sabi ko dahil alam kong ililibre niya ako ng ice cream hindi naman talaga ice yung tinitignan ko kundi yung necklace na puso ang pagkakaalam ko doon pwede kang mag palagay ng picture gusto ko sanang bumili doon sa shop kaya lang wala pa akong pera siguro next time na lang.
***
"Ava andito si Lance"rinig kong sabi ni mama kaya nag mamadali akong bumangon sa pagkakahiga kanina kopa kasi hinihintay si Lance eh.
"Opo ma palabas na"sigaw ko mula sa kwarto dali dali akong lumabas kasi ayokong pinaghihintay si Lance ganito siguro pag inlove.
"Hi" nahihiya kong sabi tinitigan niya lang ako mula sa kinatatayuan niya.
"Oy pangit ba? Teka magpapalit lang ako"tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
"No!...ang ganda mo nga eh"naramdaman ko na lang na biglang uminit ang pisnge ko dahil sa sinabi niya.
"Thank you Lance"sabi ko.
***
"I love you Ava...my baby!" nagulat na lang ako ng sumigaw si Lance sa hallway.
"Hoy anong ginagawa mo"inis akong lumapit sa kanya dahil pinagtitinginan na kami nginitian niya lang ako saka inakbayan.
"Para malaman nila na akin ka lang baby"kahit na naiinis ako sa kanya hindi ko maiwasang kiligin dahil sa sinabi niya.
***
napapikit na lang ako ng maalala ko yung masasayang alala namin
"Ava hindi kapa ba pagod umiyak?" tanong ko sa sarili ko.
Kailan ba kasi mauubus tong mga luhang to ang arte arte ayaw pang huminto ayoko ng umiyak ng umiyak.
Napalingon ako ng may umupo sa tabi ko.
"Umiiyak ka na naman"kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking to.
"Ano? "sabi ko at pinunasan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko dugyot na kong dugyot sa wala akong panyong dala.
"Ang pangit mong umiyak alam mo yun"nainis ako dahil sa sinabi niya. Kailangan talaga laitin ako? Eh ano naman kung pangit ako! Sampalin ko kaya to?!
"Ano bang pakialam mo, Wala kang alam!" sabi ko sa kanya saka ako tumayo.
"Hey miss pag nakita ulit kita umiiyak papakasalan na kita" nilingon ko pa siya dahil sa sinabi niya baliw ba siya? Umiiling na lang akong umalis hinding hindi na ako babalik sa engineering building may nababaliw ng lalaki.
Hindi lang siya judgemental! Baliw din siya!