Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay hindi tama ang aking ginawa. Ramdam pa din ng aking palad na hanggang ngayon ay naroon pa din ang sakit. Kasalanan ko to dahil sa nabigla ako nang makita kong wala siyang damit pang itaas. Nasapo ko bigla ang aking noo nang maalala ko ang nangyari kagabi na ngayon lang bumalik sa aking isip na nilalamig pala ako kagabi.
Nainitan siguro siya kaya nagtanggal ng damit pang itaas dahil sa pagkakapatay niya ng aircon. Naging padalos dalos ako sa aking kinikilos at masyado na yata akong nagiging conservative sa sarili.
Lumabas ako ng kuwarto upang hanapin siya at humingi ng tawad sa kan'ya pero wala ito dito nang tingnan ko sa salas at kusina.
Lumabas ako at nagpunta ng bakuran. Nakita kong may kausap siya'ng lalaki. Tumingin ang lalaki sa akin samantalang si Jeho ay parang ayaw niya kong makita.
"Who is she?" Tanong niya.
"She's manang Kayrelle. My maid," malamig nitong sagot na hindi ito tumitingin sa 'kin. Nginitian ko siya ng tipid 'yong lalaking nagtanong.
"Manang?" Ate is the other term of manang? So how old are you now?" Tanong nito sa 'kin.
"Im 24 years old po. Diyan lang po ako nakatira sa kabilang bukid," sabi ko pa kahit hindi niya pa ko tinatanong kung saan ako nakatira.
"Ah alright, were same age actually."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at patungo ito sa may gawi ko. "By the way, Im Lucio," sabay lahad sa kamay niya at agad ko naman 'yon inabot. Nagbitaw din kami agad ng kamay pagkatapos 'yon.
"Nice to meet you sir Lucio," magalang kong bati sa kan'ya na may ngiti sa aking labi. Si Jeho naman ay hindi na namamansin sa 'kin dahil masama pa siguro ang loob nito sa 'kin dahil sa pagkakasampal ko sa kan'ya.
"Ah Jeho, aalis na muna ako ha. Babalik na lang ako mamaya pagkatapos kong magpalit ng damit," paalam ko ngunit ganun pa din gaya kanina hindi ako iniimikan. Tumingin ako kay Lucio at sa kan'ya na lang ako nagpaalam.
Tumalikod na ko at iniwan silang dalawa pagkapaalam ko. Sa harapan ng gate ako dumaan at hindi na sa likod ng kan'yang apartment. Ayoko na muna dumaan sa may bukid dahil may trauma na ko sa mga tae ng mga hayop d'on sa bukid. Habang mag isa akong naglalakad sa kalsada, panay tingin naman ng mga babae sa gawi ko na parang kinikilig ang kanilang mga itsura. Kumunot ang aking noo dahil sa nagtataka ako. Patungo sila dito sa aking gawi ngunit biglang may umakbay sa aking balikat. Nilingon ko sa aking gilid kung sino 'yon. Napangiti ako dahil si Jeho 'yon.
"Ay kainis!" bulalas ng limang babaeng papalapit. "Taken na pala si pogi," sabi nila. Sabay padyak ng kanilang mga paa dahil sa sobrang inis.
"Jeho, p'wede mo na tanggalin 'yang braso mo sa balikat ko. Ang bigat eh. Wala na 'yung mga fans mo," sabi ko.
"AYOKO," sabi nito dahil nag uumpisa na naman itong mang asar sa akin.
"Ano ba problema mo ha?" Tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa boarding house.
"Ikaw!" madiin niyang sabi. Naisip ko tuloy 'yung ginawa kong pagsampal sa kan'ya kanina.
"Sorry na, nabigla lang ako eh. Hindi ko sinasadyang masampal ka," hinging tawad ko.
"Okay lang basta ikaw," agad niyang sagot. Nangasim mukha ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko siya maunawaan kung bakit ganito siya sa 'kin makitungo. Siguro dahil manang niya ko eh. Parang magkapatid lang ba.
"Okay lang sayo 'yon? Hindi ka galit?" Tanong ko pa.
"Oo naman, ang sarap kaya masampal galing sayo. Sa totoo lang, ikaw ang kauna unahang babaeng nanampal sa 'kin eh," pag aamin niya.
"Ha? Ako, edi wow! Bakit ako ang una? Eh 'yung mga naging gf mo, wala ba ni isa sa kanila?"
Hindi nasagot ni Jeho ang mga sunod sunod na katanungan ni Kayrelle dahil ang totoo ay hindi siya nagkaroon ng seryosong relasyon dahil sa wala siya ni isang sineryoso sa mga babae. Ayaw niyang sabihin kay Kayrelle na mabilis itong magsawa sa isang relasyon. 1month in relationship ay 'yon na ang pinakamatagal para sa kan'ya. Mabilis lamang magpalit ng mga babae si Jeho kaya ito ang rason kung bakit pinatapon siya ng kan'yang lola dito sa Probinsiya at isa pa sa kinasasakitan ng kan'yang ulo ay ang pagkabasagulero nito.
Mahilig sa tropa si Jeho kaya kapag may trouble na nagaganap sa kan'yang mga tropa ay agad na rumeresbak ang hari ng mga basagulero.
Narating din agad nila ang boarding house ng kan'yang ante. Tinanggal din agad ni Jeho ang pagkakaakbay niya sa balikat ni Kayrelle pagkapasok nila ng gate. Maaga pa ay marami ng bumibili dahil sa linggo ngayon.
"Kayrelle, hindi mo ba bibisitahin ang itay mo?" Tanong ni ante nang makasalubong ko siya rito sa loob ng kantina.
"Hindi pa po ako nakapagpaalam kay Jeho ante. Balak ko sanang dalawin si itay ngayon eh baka hindi ako payagan ni Jeho," sabi ko.
"Asan ba si Jeho at ipagpapaalam kita sa kan'ya."
"Nasa labas po nagyoyosi," agad kong sagot.
"Oh heto kumain ka na muna habang mainit pa 'yung sabaw. Kamusta na ang pakiramdam mo? Nilagnat ka daw sabi ni Jeho?" Tanong ni ante.
"Opo, magaling na po ako ante. Si Jeho po nag alaga sa 'kin," agad kong sagot.
"Mabuti naman kung gano'n at hindi ka niya pinabayaan. Inaya mo na sana siya'ng kumain para sabay na kayo."
"Kakain din po 'yon ante. Mauna na ko kumain dahil kanina pa po ako nagugutom."
Naupo na 'ko sa may bandang kanang upuan para maumpisahan ko ng kumain. Tumabi naman sa aking tabi si Jeho at mukha katatapos lang nitong magyosi. Ngunit amoy fresh pa din ang bunganga nito dahil hindi ko maamoy sa kan'ya ang amoy ng sigarilyo. Mapula pa din ang labi nito kahit naninigarilyo.
"Kumain ka na Jeho. Hindi ka mabubusog sa kakatitig mo sa 'kin. Hindi ako ulam," sabi ko habang panay ang sulyap ko sa kan'ya. "Hoy! kumain ka na," inis kong sabi.
"Ang ganda mo manang," biglang sabi niya. Humaba nguso ko nang sabihin niya 'yon.
"Alam kong maganda ako kahit hindi mo sabihin 'yon," sabay ngiti ko sa kan'ya.
Subukan ko kaya subuan 'tong kumag na 'to, ayaw kumain eh. Tignan ko nga kung isusubo niya ang kutsarang naisubo ko na.
Tinutok ko sa kan'ya ang kutsarang may laman na kanin at konting ulam. "Nganga!" sabi ko at agad naman niya itong sinubo. Laglag ang aking panga dahil hindi man lang ito nandiri sa kutsarang nalawayan ko na.
"Ehhmm..... sarap, isa pa." Sabi nito habang nginunguya pa niya 'yung pagkaing isinubo ko sa kan'ya.
Napakurap na lang ako dahil humirit pa ito. Napatingin ako sa kutsarang ginamit ko sa kan'ya. Kaya ko din kaya ang ginawa niya? Hay bahala na nga. Naumpisahan ko na eh. Walang malisya 'to dahil hindi naman kami magjowa eh.
Sumubo na din ako ng pagkain gamit ang kutsarang ginamit na pinangsubo ko sa kan'ya.
"Hey! pasubo," sabi nito dahil kanina pa siya nag aantay.
"Ikukuha na lang kita ng plato mo. Nakakahiya kasi Jeho eh. Ang dami ng tao." Tatayo na sana ako nang pigilan niya ko.
"Kumain ka na at ako na ang tatayo," sabi nito.
Bumalik ulit ako sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy kong muli kumain. Nakatatlong subo pa lang ako ay narito na siya na may dala dalang mga pagkain at isang bandehadong kanin sa plato.
"Ang dami niyan ha? Mauubos mo ba ang mga 'yan?" Puna ko.
"Dalawa tayong mag uubos niyan. Kumain ka ng marami para bumalik ulit 'yang sigla mo," sabi nito.
"Masigla kaya ako, dati pa."
"Lets eat sweetheart," sabi nito nang may tumikhim sa aming likuran at si ante 'yon nang lingunin naming dalawa ni Jeho. Parang kinikilig pa si ante sa amin na parang isang teenager. Palibhasa kasi hindi man lang naranasang magkalovelife at tumandang dalaga na lang siya.
Sinamaan ko ng tingin si Jeho dahil sa pagsasabi niya ng sweetheart sa 'kin pero kinindatan niya lang ako. Kumunot uli ang aking noo dahil sa kakulitan niya.
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam ako kay Jeho na may pupuntahan ako ngayon ngunit hindi siya pumayag dahil hindi ko masabi sa kan'ya kung saan ako pupunta. Ayaw kong malaman niya na may ama akong nasa kulungan. Gusto kong itago ito sa kan'ya at baka layuan niya din ako gaya ng iba. Kaya hindi na lang ako nagtuloy na bisitahin ang aking itay sa kulungan.
Bumalik din kaming dalawa sa kan'yang apartment nang matapos kong maligo at magpalit ng damit.
Naglinis pa ko saglit sa loob ng apartment bago pa man siya makalabas sa kan'yang kuwarto nang matapos na ko sa paglilinis. Bihis na bihis siya ngayon at hindi ko malaman kung saan ito pupunta.
"Ang gara natin ngayon Jeho. Saan ang punta mo?" Tanong ko.
"We're leaving," tipid nitong sagot.
"Ha pati ako? Isasama mo?" Takang tanong ko.
"Yeah, isasama kita."
Napatingin ako sa suot ko dahil nakabihis pambahay lang ako. "Pa-paano ang suot ko?" Utal utal kong sabi.
"Maayos na yan. Hindi mo na kailangan pang magpalit ng damit dahil maganda ka na. Gusto ko ako lang titingin sayo, wala ng iba," seryosong sabi niya.
Sa sinabi niyang 'yon, para akong hinile sa ere dahil sa lambing nitong magsalita. Hindi ko alam kung biro ba 'yon o totoo. Pero ramdam ng aking puso na totoo ang kan'yang mga sinasabi.