"Manang!' Sigaw ng apat na lalaki. Lumingon ako at kinabahan.
Napatingin ako sa paligid na nagkalat ang tae ng kambing, baka at kalabaw. Napaurong ako nang wala sa oras dahil sa mapagtripan na naman nila ako. Malapit na sila sa gawi ko ngunit napatakbo na lang ako bigla. Akala ko ay hindi sila makikisabay sa 'kin sa pag alis ngunit mali pala ako ng akala.
Hingal akong nakarating dito sa apartment habang ang iba ay hinihingal din. Sabay sabay na natuyo ang aming mga damit dahil sa init ng araw.
"Bakit ka ba tumakbo ha manang? Pinamukha mo lang sa amin na isa kaming r****t," sabi ni Marko.
"Aba! sa gusto ko nga eh. Sinabi ko bang tumakbo din kayo," inis kong turan saka ko sila tinalikuran.
Nagtungo ako sa laundry area at naroon na ang mga lalabhan ko. Napaawang na lang ang aking ibabang labi nang makita kong sobrang dami ng lalabhan ko. Isang gabundok ba naman ang aking lalabhan. Kailan kaya ko matatapos nito? Badtrip talaga itong Jeho na 'to. Hindi man lang matutunang maglaba, maglinis at magluto.
"Hey! umpisahan mo ng maglaba. Hindi ka matatapos niyan kung papanoorin mo lang yan," sabi nito mula sa aking likuran.
"Alam mo Mr. Jeho," pagdidiin ko sa pangalan niya. "Hindi ka sana maiipunan ng ganitong kadaming labahan kung marunong ka lang gumawa sa mga gawaing bahay. Huwag mong gawing tamad yang sarili mo. Alam mo ba kung ano ang tawag diyan? BATUGAN!" Pagdidiin ko ngunit nginisian niya lang ako.
"I have a lot of money so I make my own discision. And one more thing, I know something about housework and I'm sure you'll be happy to see that," sabi nito kasabay ng pagkunot ng aking noo.
"Ano naman ang alam mo? Aber!"
"You will find out soon sweetheart," bulong nito malapit sa aking tenga.
"Sweetheart ka diyan. Huwag mo ko matawag tawag na sweetheart dahil ayoko sayo. Parang nakakabatang kapatid lang kita," sabi ko.
"Really? Kapatid? Baka kainin mo din yang sinasabi mo Kayrelle," sabi niya. "I'll make sure na magiging sweetheart din kita," sabay talikod nito sa akin.
Naiwan akong nakatunganga dahil sa mga sinasabi niya. Napangiwi ako dahil imposibleng magkagusto siya sa 'kin. Sa yaman niya imposibleng wala ni isang gf ito. Hays, alam kong nagbibiro lang ito. Ngunit tinawag niya kong Kayrelle sa pangalan ko at hindi manang. Napangiti ako ng wala sa oras pero saglit lang 'yon dahil naalala kong mas bata pala ito sa 'kin kaya ekis. Itinatak ko sa isip at puso ko na hindi siya 'yung tipong lalaking mamahalin ko. Ayaw ko sa mas bata kaysa sa 'kin. Kaya habang maaga pa ay ilalayo ko na ang aking sarili sa kan'ya.
Nag umpisa na kong maglaba. Hiniwalay ko na ang mga puti sa di color na damit. Napaawang na lang ang aking labi nang makita kong may mga underwear sa ilalim ng mga damit nang maihawalay ko na ang mga ito.
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa kan'yang mga underwear at isa isa ko 'yon sinuri. Napangiti na lang ako ng husto dahil sa amoy mabango pa ito. Luminga linga pa ko sa paligid kung may tao pero wala naman kaya inamoy ko ulit 'yon.
Oras oras kaya nagpapalit ng brief 'yon kaya amoy mabango pa din ito? Tanong ng aking isip. Ang laki naman ng kan'ya kung ganito kalaki ang kan'yang brief.
May tumikhim sa may bandang likuran ko kaya naihagis ko bigla ang brief na hawak hawak ko dahil sa gulat ko. Para akong nabato sa kinauupuan ko nang marinig ko na may tao sa aking likuran.
"I saw you sweetheart."
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nahuli niya ko. May namumuo na ding pawis sa aking noo dahil sa dagundong ng aking dibdib.
Tumayo ako para harapin siya pero bago pa man 'yon ay pinunasan ko na muna ang namumuo kong pawis.
Confident ko siyang hinarap. "Ahm mali ang iniisip mo Jeho. Sa katunayan nga sanay na kong maglaba nang mga underwir," napadiin ang pagkakasabi ko sa huling sinabi ko dahil sa kinakabahan ako. "Tsinitsek ko lang kung may butas o wala. Baka kasi pagbintangan mo ko kung bakit nagkaroon ng butas ang maliit mong brief," bigla kong sabi. Napahawak na lang ako sa aking bibig dahil walang preno preno akong magsalita.
Nangunot ang kan'yang noo pagkasabi kong 'yon.
"What you say?" Galit nitong tanong. "Is this small size for you?" Turo niya ang kan'ya. "A 3xxxl size is not big for you? Baka pag nakita mo 'to mag collapse ka riyan sa kinatatayuan mo at mangisay," seryosong sabi nito.
Hindi ko na magawang ikurap ang mga talukap ng aking dalawang mata dahil sa kan'yang tinuran.
Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa kan'ya dahil sa nasabi ko ngunit wala na kong magawa dahil nasabi ko na eh.
Ibinaling kong muli ang mga gabundok kong labahin. Inumpisahan ko ng mag kusot ng mga damit at 'yong iba ay ilalagay ko na lang sa washing machine. Kailangan kong matapos agad sa paglalaba dahil maglilinis pa ko sa kan'yang kuwarto.
Tatlong oras ako natapos sa paglalaba at naisampay ko na din ang mga ito. Saglit lang ako namahinga at pagkatapos ay dumiretso na ko sa loob ng kan'yang kuwarto. Inumpisahan ko ng maglinis dito sa loob. Hindi naman gaanong madumi kaya mabilis ko naman natapos ito. Ramdam ng aking katawan ang pagod at kailangan ko ng pahinga ulit. Hindi ko alam kung bakit sobrang napagod ako ngayong araw na ito at tila lalagnatin ako anumang oras. Hapon na nang matapos ako sa paglilinis at paglalaba. Kumain muna ko ng meryenda na inihanda ni Jeho kanina pa ngunit hindi ko agad kinain 'yon. Inantay ko muna siyang umalis bago ko ito kainin. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Pero sabi niya ay antayin ko muna siya bago umuwe.
Binalak ko na lang magpahinga ulit at sa sofa ako nahiga at dito ko na lamang siya aantayin pagkadating niya. Baluktot ang aking ayos sa pagkakahiga dahil ramdam ko ay para akong nilalamig at hindi ko na namalayan na nakatulog na ko sa pag aantay ko sa kan'ya.
Kinagabihan............
"Hey manang wake up," yugyog niya sa aking katawan. Gusto ko sanang idilat ang aking mga mata ngunit ayaw sumunod sa nais ko. Ramdam kong sinapo niya ang aking noo, "s**t! you have a fever," dinig kong sabi niya.
"Ang lamig," nginig kong sabi.
"Im sorry, hindi ko alam na lalagnatin ka. Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot," sabi nito ngunit tamad akong bumangon kaya inalalayan niya ko. "Heto higupin mo itong sabaw habang mainit init pa. Kagagaling ko lang kay ante Minda at sa kan'ya galing yan," mahabang sabi niya ngunit wala ako sa huwisyo para makinig sa mga sinasabi niya.
Napayakap ako sa sarili kong katawan dahil sa nilalamig ako habang nasa tabi ko naman si Jeho na sinusubuan ako.
"Ayoko na Jeho," pagod kong sabi. "Kailangan ko ng umuwe." Wala sa huwisyo nang makatayo ako ngunit hinawakan niya agad ang aking kamay. Napaupo ako bigla sa kan'yang lap at hindi ako agad nakaiwas sa kan'yang katawan dahil sa lanta na ang aking katawan. Wala akong lakas para iwasan siya at hinayaan na lang ng aking katawan na madikit sa kan'ya dahil ramdam ko na komportable ako sa kan'ya. Damang dama ko ang init ng kan'yang katawan ng hagkan niya ko ng yakap.
"Stay here beside me Kayrelle. I will not allow you to let go if you are not feeling well. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa ante mo," sabi nito.
Lantang gulay akong binuhat ni Jeho at ipinahiga sa malambot nitong kama. Nag umpisa na naman manlamig ang buo kong katawan nang mahiwalay ang katawan ko sa katawan niya. Kahit may makapal na kumot na nakabalot sa aking katawan ay nanginginig pa din ako sa lamig. Pakiramdam ko ay iniwan akong mag isa rito sa loob ng kan'yang kuwarto.
"Ang la-mig," nagdidileryo kong sabi. "Je-ho nasaan ka?" Mahina kong sabi kasabay 'yon ng panginginig ng aking buong katawan.
Hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na pangyayari dahil parang bumuti ulit ang aking pakiramdam nang may yumakap sa akin.
................
Kinabukasan, 9am nang magising ako. Iminulat ko ang aking dalawang mata. Bakas sa mukha ko ang patataka dahil parang hindi naman ito ang aking kuwarto. Ramdam ko din na parang may mabigat na nakadagan sa 'kin. Napatingin ako sa bandang ibaba. Nakita ko ang isang kamay at isang paa na nakadantay sa aking katawan. Lumaki ang dalawa kong mga mata nang mapag sino ang nagmamay ari ng mga 'yon.
Agad ang aking pagbangon kaya nagising ang aking katabi.
"Ano ba manang," inis nitong sabi dahil sa nabitin ang kan'yang pagtulog. Wala din itong suot pang itaas at tanging boxer short lang ang suot niya. Naningkit ang dalawa kong mga mata dahil sinamantala niya habang may sakit ako kagabi.
"Anong ginawa natin dito ha? Bakit wala kang suot na pang itaas? Nananadya ka ba habang nilalagnat ako?" Sunod sunod kong sabi. "Galit ako sayo Jeho," inis kong sabi.
"Hey relax ka lang manang. Wala akong ginawa sayo." Tumayo siya at lumapit sa akin ngunit bigla ko siyang nasampal. Alam kong malakas 'yon dahil hindi ko napigilan ang sarili at tumama ang kaliwang kamay ko sa kanang pisngi niya. Maging ang palad ko ay ramdam ang lakas ng pagsampal ko sa kan'ya. Napapikit siya sa ginawa ko. Seryosong binaling niya muli ang mukha niya sa harapan ko. Parang nakonsensya pa ko sa paggawang paninitig niya.
"Ganyan na ba ang tingin mo sa akin samantalang ako ang nag alaga sayo kagabing inaapoy ka ng lagnat. Akala ko pasasalamatan mo ko at maiintindihan mo kung bakit ko 'to ginawa, pero mali pala ako ng akala," sabi nito.