"Ang pagkilala at pag kilatis sa dalawang manliligaw ni Kate"
Intramurals Day
Masaya at wala kaming pasok dahil sa mga patimpalak at sport kompitisyun sa school namin at isa ako sa mga aktibong manglalaro ng volleyball sa school namin kaya marami akung kakilala at kaibigan sa ibat-ibang kurso at karamihan pa dun ay mga baliko din katulad ko.
Daks: uy? kate? kate? anu ba? kamusta laro? panalo ba? ''hinahangal papunta sa kinatatayuan ko''
Kate: hi daks, oo naman syempre! ako pa ba daks?''habang nakasmile sa harapan ni daks'' nag select na din sila ng maglalaro para sa interschool at nakasama na ako dun.
Daks: wow congrats naman dzae..iba ka talaga..
si Daks ay baliko din katulad ko at isa sa pinakamatalik kung kaibigan sa paaralan namin at kumukuha ng kursong Industrial Engineering habang ako naman ay kumukuha ng bachelor of science in industrial technology major in automotive ''yes tama ang nabasa mo pagmimikaniko talaga ang kinuha ko''
Hindi naman ako masyado kapangitan may itsura naman din ako' ''Charr'' 5'4 ang height,morena, medyo matangus ang ilong ''medyu lang kasi pure filipina, mahaba ang buhok at parati sinasabi ng nanay ko sayang daw ako kasi kababae kung tao pero babae din ang gusto ko.'' sorry ma, di talaga mapigilan ehh''
(Levi: Hayy, salamat natapos narin ako sa project namin,hirap talaga mag nursing, mag f*******: nangalang muna ako, baka naman may makita akung kachat na maganda at cute,
scroll..scroll..scroll opss ay ito,teka lang..kilala ko to hap, ito ba yung volleyball player na magaling mag laro,na nakita ko sa court nung intramurals, eh add ko nga,.. mataas naman at cute..ito na talaga eh kiclick ko na ang add friend baka naman ma accept hehe..)
Malayu parents ko nasa kabilang probinsya kaya napilitan ako mag boarding house malapit lang sa paaralan namin. Habang naglalakad ako pauwi ay ko tumunog yung notification ko sa f*******: at dali-dali ko naman itong kinuha sa bulsa ko at ng tingnan ko ay isang friendrequest na hindi ko kakilala. at ito namang si ako syempre inistalk agad bago accept '' baka naman single eh'' hehehe kaya ayun pag click ko ng profile nya,.at napa smile ''as in smile talaga na abot tenga ha'' kasi sino ba namang mag-aakala na sa mukhang makulit na maamo kung muka nato (LOL) ay may mag aadd na maganda,maputi, at matamis na ngiti dala ng maamung muka ang nasa display picture pag tinitigan mo sa f*******: nya.
(Levi: hala enaccept ako,salamat naman,,cge eh Wave ko na talaga to ngayun baka naman mapansin..)
levi: (Wave)Thanks for accepting me
at reply naman agad ako ng walang patumpik-tumpik pa ''LOL'' sabi ko
kate: you're welcome po
at sumunod sunod na ang mga palitan ng messeges namin sa isat-isa
levi: kamusta? nag dinner kana?
kate: ok lang ,yup tapos na why?
levi:ahh wala lang,nagtatanong lang
kate: ah okay ,ikaw kamusta?
levi: ok lang din, hmm suplada mo naman
kate: di kaya baka ikaw LOL
levi: pwedi ba mag tanong?
kate: yes what?
levi: do you like girls?
kate; hmm yep why?
levi: i see, kasi i think i like you...
Kinalaunan ay masaya ako dahil malapit na ako makagraduate sa pag-aaral habang nag oojt "on the job training'' ako sa isang kompanya na sakto naman sa kursong kinuha ko at habang nag aaral ako ay di talaga maiiwasan na mapasali ako sa mga bisyu katulad ng pag iinum at barkada, Lalo na kasali ako sa isang grupo ng LGBT community dito sa lungsod namin. Masaya kasi marami ako kakilala na kapariho ko na baliko rin, at dun ko nakilala ang mga matatalik kung kaibigan ko na si Erna, Raz, Smile, at si orlen mga ''babaeng maganda na hanap rin ay babae'' masaya naman kami lalo na pagsa inuman, at hindi mawawala ang ''spin the bottle game'' na kung sino ang matutunuan ay syang bibigyan ng parusa katulad ng ''hahalikan ka sa lips for 10 sec ng kasama mo''at kapag nalasing ka naman at nakatulog ka, For sure pag gising mo ay puno na ng chikinini ang liig mo.(Ang lagkit diba).. Pagkatapos ay nag siuwian na kaming lahat.
Sabado na naman at walang pasok nag aya ang mga kaibigan ko na mag inuman , Kaya go lang talaga ako kahit saan,Single naman ako so, okay lang talaga sa sumama ako.
Smile: oh 'hahah'' inum pa kayu total single naman lahat'
tawa ng tawa kami habang nakatingin sa kabilang table dahil alam namin na isang grupo din cla ng mga bisexual.
Raz: uy diba mga bisexual din yun?
Orlen: oo nga dami naman nila
kate: yung iba lasing na ata kasi oh tingnan nyu,
habang nakatingin kami sa kanila ay masasabi talaga namin na lasing na lasing na lasing na sila dahil yung iba,nagpatungan ''Culture shock talaga kami'' at biglang may lumapit samin na isa mga kasama nila nag aya na pumunta sa table nila,at dahil may mga makasama rin kaming iba na kakilala din pala nila kaya ayun napilitan kaming mag join sa sa table nila (madami kami pala sa grupo namin kaya hindi ko nalang emimention ang name sa subrang dami) so ayun na nga nag join kami sa table nila . ( ako pala ay hindi masyado umiinum mga 1 to 3 ng baso lang kaya ko tipsy na agad si oks,) Kaya respito naman yung mga kaibigan ko sakin at kaya pag sila ang nalasing, ay,kita ko talaga lahat yung mga ginagawa na hindi kaaya ayang tignan sa mata ng ibang tao.Pero mababait naman sila at katunayan karamihan sa mga kagrupo ko ay mga professional at nakapagtapos na ng pag-aaral kaya madali para sa kanila pumunta sa mga outdoor bar's kahit kailan..
pasa-pasa ang baso kausap dito kausap duon yung iba sa dami ng enientertain ay hindi na halos makaupo yung iba patong dito patong duon sa ibang kasama nila '' masaya lang talaga kahit wild yung iba pag nalasaing na'' kalaunan ay hindi nakapagpigil yung grupo namin ay kami na mismo ang nag pasya na umalis sa table nila at bumalik nalang sa table namin dahil hindi na namin kaya makatabi ang iba sa sobrang kalasingan nila at pagkatapos nun ay nag pasya na kami magsiuwian dahil nga madaling araw na at kasama ko naman sa pag uwi si erna dahil room mate ko sya at nagtatrabahu si erna sa isang fastfoodchain malapit lang din sa boarding house namin mag sing-edad lang kami ni erna at maganda sya maputi,matangos ang ilong kung baga kaaya-aya ng tingnan yung tipo pag unang kita mo palang sa kanya ay siguradong maaatract ka talaga sa ganda ng karisma nya. May girlfriend si erna LDR sila nasa ibang province yung gf nya, parati silang nag-aaway dahil nga siguro malayu sila sa isat-isa at hindi nag tagal ay naghiwalay sila dahil itong gf ni erna na Ex na nya ngayun ay naghanap ng iba hindi kinaya ang LDR nilang dalawa kaya ito namang si erna naglalasing kung umuwi galing sa trabahu inum agad tapos lasing na naman at umiyak. Hindi nag tagal ay hinayhinay sya naka move'on sa tulong ng mga kaibigan namin at lalo na ako..
(Levi: kamusta kaya si kate? tingin ko para wala akung pag asa dun ,kasi hindi na sya nag chat,pero hindi eh..kasi hindi ako nag tanong kung may pag asa ba ako sa kanya,isip isp Levi kung ano dapat gawin..
ummm,,tsk,,cge mamaya pagkatapos ko dito sa thesis ko echat ko tapos tanungin ko kung kailan ba sya available makipagkita sakin, baka naman lord..)
Erna: kate?
kate: yes?
Erna: bat wala kapang jowa? "with smile"
kate: um, wala pa kasi akung ginayuma kaya wala
"sabay tawa kaming dalawa"
Erna: sakit ng ginawa nya,hindi nya kinaya kaya naghanap ng iba, Kaya pala ok lng sa kanya kahit hindi ako mag txt or magparamdam buong araw.(parang naluluha na ang mga mata nito sa pagkabigkas)
kate: alam ok lang yan, soon .. marerealize din nya ang sinayang ka.ilang taon na yun?
Erma: 19
kate: hahhah kaya naman pala, bata pa pala yun ''hahhahahha''
Erna: kaya nga eh,
kate: pero hindi naman nababasi sa edad yan eh, nasa stage lang siguro ngayun ang ex mo na hindi pa nya kaya ng commitment kaya ok lng sa kanya na maghiwalay kayu at maghanap ng iba.
Erna: kaya nga siguro,'' maluhaluha ang mata''
kate: matutulog na tayu may pasok pa bukas....
Erna: ok cge goodnight dzae
kate:goodnight ok lng yan smile kana..
matutuog na sana ako ng tumunog yung silpon ko at may nag chat.
Levi: hi
napaisip ako bago replayan'' bakit kaya ng chat naman tung scammer natu'' pero cge na nga replayan ko na..
kate: hello
Levi: bakit di kapa natutulog?
kate: matutulog na sana..
Levi: sorry naman,um may tanong ako
Kate: What?
Levi: suplada naman, um kailan ka available ?
kate: bakit?
Levi: makikipagkita sana ako kung pwedi lang
at napaisip na naman ako bigla '' may balak talaga to"
kate: nahihiya ako kasi pangit ako eh "LOL''
Levi: hahhahha wag kana mahiya pangit din naman ako
kate:sure ka ba dyan?
Levi: oo naman
kate: hmm okay
Levi: yes.yes thank you
kate: paran tanga to walang sisihan ha?
Levi: sure, tomorrow?
''wala naman akung pasok sa hapon kaya ok lang siguro''
kate:hmm okay mga 3pm ok lng?
Levi: sure why not.
kate: okay see u
Levi: thank you so much..
Kate: my pleasure, Goodnight
Levi: Goodnight
hindi lang si levi ang kachat ko na gustong makipagkita sa akin, Single naman ako at ok lang na mag chat ako kahit na sino basta gusto ko lang yung tao. at kasabay ni levi na kachat ko rin ay si rachel..cute di gaanong kagandahan pero mabuti "sa tingin ko naman", Kahit hindi ko pa sya nakikita in person.
Kinabukasan, aA ilang oras nalang ay magkikita na kami ni levi sa lugar na kung saan kami magkikita. pagkatapos ng klasi ko sa umaga ay umuwi ako sa bourdinghouse para mananghalian at para matulog saglit kasi 3pm pa naman kami magkikita so matutulog nalang muna ako "at bago ako matulog napaisip tuloy ako" "sigurado ba ako mamaya? baka hindi sure na magkikita kami, ah bahala na talaga matutulog nalang ako,tapos gigising ako ng 3pm magpapalate ako sa pagkakakita namin baka kasi eh hindi yun sure" HAHAHA..
kring...kring...kring....
napagising ako sa lakas ng tunog ng selpon ko dahil may tumatawag...
kate: hello?
Levi: san kana? 3:20pm na.
kate: hala,aaasure? sorry akala ko hindi ka matutuloy.."balisang-balisa habang nagsasalita"
Levi: okay lang,pumunta kana, hihintayin kita dito
kate: sorry talaga ha, wait lang mabilis lang to..
dali-dali akung naligo at nag bihis "bahala na ito nalang susuutin ko total sinabi ko naman sa kaya na hindi ako maganda" (LOL)
habang nakasakay ako sa jeep maraming tanong sa aking isipan kung itutuloy ko ba to or hindi,,kakanerbyos naman to dyoskolord...
so ayun na nga habang papalit ang jeep sa lugar kung saan kami magkikita pabilis ng pabilis naman ang takbo ng puso ko..at ayun na nga dumating na ako sa meetingplace namin at pumasok na ako agad sa isang convience store,
At pag pasok ko sabay txt ako agad sa kanya..
kate: hey i'm here san kana?
at nag reply naman agad si levi
Levi: dito sa loob
kate: eh nasa loob na ako eh san kaba?
Levi: dito nga sa maylamisa sa likod, laka kapa
kate: eh wala naman eh,,cge ka pag di ka nagpakita uuwi na talaga ako ngayun.
at may nakita akung babae na ng wave malayu mula sa kinatatayuan ko.at lumapit naman ako at saktong sya nga ang babaeng kachat ko na si levi..
kate: hi kanina kapa,sorry natagalan
"sabay shake hand"
Levi: ok lang,kumain kana?
kate: oo kanina pero ngayun parang gutom ako" walang hiya ko talaga LOL"
Levi: tara kain tayu,san mu gusto kumain?
Kate: kahit saan lang,"hehehe"
Levi: okay cge tara na..
Umalis kami at nag lakad papunta sa fastfoodchain at habang naglalaka kami ay tahimik lang.
"napaisip tuloy ako, ang awkward naman to, pero infairness magana tung dilag nato kahiya naman sa suot ko'' sya nka pants,tshirt white at naka denim jacket pa samantalang ako nka longsleeve at nka short kahiya naman,pero bahala na kebss nalang talaga to.''
habang kumain kami ,ay puro casual talks lang ,nalaman ko na schoolmate pala kami, at nursing kinuha nyang kurso at mas matana ako sa kanya ng dalawang taon. at nagkwentuhan kami tungkol sa mga exes namin kung bakit sila nag hiwalay,at ang rason kung bakit sila naghiwalay ay nalaman pala ng mama ni levi na mag jowa sila kaya pinahiwalay silang dalawa,,.
sabi ko naman agad sa kanya
kate: so sad naman
Levi: ok lang kasi matagal na yun
Kate: ahh ganun ba,so ngayun nag kocommu pa ba rin kayo?
Levi: wala na rin kasi may jowa na yun eh.
kate:ahh ganun ba....
kaya pagkatapos naming kumain ay nag pa sya na kaming dalawa na umuwi kasi gabi na at maypasok pa kami bukas.hinatid nya ako sa sakayan ng jeep at pagkatpos ay umalis na din sya. Habang pasakay ako ng jeep ay may natanggap akung txt mula sa kanya
Levi: take care ka,thank you sa time , sa susunod uli.
(Levi: ang ganda naman nya, yan tuloy hindi ako nakapag reply agad nung dumating sya sa convenience store kanina dahil nahihiya talaga ako kasi tangkad nya at maamu ang kanyang muka,natamimi tuloy ako nung lumapit na sya papunta sakin at sana hindi sya galit kasi matagal ko sya pinansin nung dumating sya. eh ttxt ko nalang ngayun na mag ingat sya pauwi,sana may sunod pa na pagkikita namin dalawa.)
kate: thank you din, ingat ka..
hindi pa ako nakarating sa bhouse ng may natanggap akung chat galing kay rachel
rachel: hi available ka ba tonight?
kate: umm sure,why not,,san ba tayu magkikita?
rachel: dun lang sa may plasa kasi may patimpalak dun at maraming streetfood
kate: sure okay..sabay tayu dinner..
rachel:ok see u
" napaisip agad ako" wow in 1 day, dalawang tao ang gustong makipagkita sakin..masaya to
"LOL single is real"
kaya ayun nagkita kami ni rachel at first meet din namin ito, comfortable ako kausap sya habang kumain kaming dalawa "madaming tao sa paligid namin kasi mga patimpalak"
rachel: may girlfriend kana ba?
kate: wala pa bakit?
rachel: ah wala lang,,ganda mo
kate: thank you di naman gaano,ikaw may gf kana?
rachel: wala din ehh.
matagal ang pag uusap naming dalawa at umabot sa pag uusap namin na uuwi pala si rachel sa kanilang probinsya kung saan 5 oras galing dito sa city papunta sa kanila sa kataposan at nabanggit din ni rachel na walang gaano signal sa kanila kaya pagnakarating daw sya sa kanila ay madalang na sya mag reply sa mga txt ko or txt nya dahil mahirap makakuha ng signal duon sa kanila.
kate: okay lang hihintayin ko nalang txt mo
rachel: salamat naman, sige lang pag nakarating ako dun txx agad kita kung may signal
kate: okay cge maganda yan " habang nakangiti"
rachel: at pagbalik ko dito sa city ay pupuntahan agad kita sa inyu,
kate: sure "habang tumitingin na nakangiti sa kanya"
masaya ako pagkapos magkita namin ni rachel at ramdam ko rin ang saya nya nung nakita nya ako, masaya aming kwentuhan dalawa at mula nung umuwi si rachel sa kanila ay nagttxt kami madalang nga lang kasi mahina talaga signal sa kanila pero kahit papaano ay masaya naman ako pagkausap sya at pati na rin si levi napadalas na rin ang pag uusap namin sa chat..
(Levi: parati kami nag uusap sa chat at feeling ko masaya naman sya pagkausap nya ako.,tatanong ko kaya si kate kung pwedi ba ako manligaw,alam ko bago palang kami magkakilala pero iba talaga eh,ramdam ko na gusto ko sya,at sana gusto nya rin ako,kaya bahala na talaga tatanongin ko sya kung pwedi ba ako manligaw ,bahala talaga self..)
Levi: kumain kana?
kate: hindi pa nga eh, ikaw ba?
Levi: tapos na, um, may tatanong sana ako sayu
kate: sure, anu yun?
Levi: pwedi ba manligaw?
"natulala ako pagkabasa ko ng chat nya"
kate: ha? eh bago palang tayo nag kakilala sure kaba dyan? hahaha
Levi: serysuso ako kate, alam ko bago palang pero gusto kita
kate: totoo ba to? hahaha "parang tanga"
Levi: oo nga..bigyan mu lang ako ng chance para ligawan ka seryuso ako sayu.
kate: hmm, okay cge tingnan natin..."lol
Levi: thank you,ipapakita ko talaga sayu na deserve mo ko
kate: baka sa una lang yan lev ha..haha
Levi: totoo to...um sabay tayu mag dinner bukas,
kate: okay sure , cgeee
kinalaunan at sabay kami parati mag dinner ni levi at hinahatid nya ako sa labas ng bhouse namin masaya, naman ako pagkasama si levi, napakakulit nga lang pero sa katunayan mas maganda sya kaysa sakin pero sya pa yung tao na iningatan ka talaga,pati nga bag ko ay kung minsan ay sya ang nag dadala kahit mas lalaki pa akung maglakad at kumilos sa kanya,pero sya naman ang nanligaw sakin eh so kebss lang talaga..at parang nahuhulog na din ako sa kanya..
teka waitt.. paano si rachel?,,kakalibog naman..mabait din si rachel at sinabing magkikita kami mamaya kasi nakabalik na pala sya galing sa kanila..bahala na sasabihin ko nalang sa kanya na may nanliigaw saking iba at nahuhulog na ako dun.ayu ko rin naman paasahin si rachel kasi hindi nya deserve na paasahin.
kate: hello rachel kamusta?hali ka upo ka
rachel: sure salamat, sorry ha matagal ako hindi nkapag update sayu kasi bihira talaga signal dun
kate: okay lang,wag muna isipin yun.importante nandito kana
rachel:kaya nga, may sasabihin nga pala ako sayu
kate; anu yun rachel?
rachel: okay lang ba kung ligawan kita/
kate: hala, sure ka?
rachel: gusto kita kate
kate: um gusto rin kita rachel, kaso
rachel; kaso anu?
kate: may nanliligaw sakin ng iba,at nahuhulog na ako sa kanya, sorry talaga rachel
rachel: okay lang bahala na,gusto kita kate
kate: kaso ayaw kung masaktan ka rachel, wag ganun
rachel: bahala na gusto talaga kita eh,una palang alam kung mahirap pero gusto kita kate,kahit dalawa kami okay lang.
kate:rachel bakit?
rachel: bahala na talaga,umm gusto mu bang kumain?
(Kate: natahimik nalang ako sa mga sinabi ni rachel at ibinahin nya ang usapan para hindi na tumaas pa ang pagtatalo namin tungkol sa panliligaw at kumain nalang kaming dalawa pagkatapos ay hinatid nya ako sa labas ng bhouse namin at umuwi narin,
habang nasa higaan ako patuloy ko pa rin iniisip mga sinabi ni rachel,na okay lang talaga sa kanya na may gusto akung iba basta gusto nya lang ako at gusto nya talaga akung ligawan.
at biglang ng txt si rachel sakin
rachel: thank you sa oras mo kanina, Masaya akung makita ka muli at gusto talaga kita. goodnight
kate: salamat din sa oras mo.goodnight..
...