ILANG araw matapos ang insidenteng iyon ay hindi na muling lumangoy sa dagat si Eli. Tila ba nagkaroon na siya ng trauma sa nangyari at hindi lamang iyon, hindi na siya pinayagan pa ni Aiden na maligo ito sa dagat. Simula nang mangyari ang bagay na iyon sa kanya ay nakapagtataka na ang ikinikilos na binata. Araw-araw na itong kasama niya sa kabilang bayan kapag may pasok siya. At hindi lamang iyon, napag-alaman niyang pumapasok sa kung anu-anong sideline ang binata sa palengke rin na malapit sa factory tulad ng pagbubuhat ng mga batya-batya. May isang gabi pa noon na nagulat na lang ang dalaga nang umuwi ang binata na may bitbit na plastic bag at naglalaman iyon ng sandamakmak na body patches. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Eli nang makita ang tila bang hinang-hina n

