Chapter 1: Jayden Clark Olivares Montenegro
“GOOD morning, Sir,” pagbati ng mga empleyado sa may-ari ng Montenegro Shipping Line Corporation na si Jayden Clark Olivares Montenegro.
Ang ilan sa mga empleyadong nasasalubong nila ay halos pag-usapan siya habang dumadaan sa napakalawak na pasilyo. Ngunit hindi ‘yon pinagtuunan ng pansin ng binata at dire-diretso lamang itong naglakad patungo sa private elevator kasama ang kaibigan at secretary o personal assistant niyang si Lester Ace Bonifacio.
“Lester, please call Mr. Gomez to cancel the meeting,” saad ng binata habang nasa elevator sila patungo sa ika-limampung palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang opisina ng CEO.
“I’m sorry, Sir, but Mr. Gomez was expecting you to join him on a late lunch.”
“That’s why you should call him and cancel the meeting. I have a business trip to attend,” patungkol nito sa gagawing pagbisita sa Chocolate Factory sa Cebu.
Nang nakarating sa 50th floor ay kaagad na pumasok si Jayden sa opisina. Inilapag nito ang suit at kinuha ang phone na tila ba may tine-text.
“Ano ka ba naman, Jayden? Paniguradong uusok na naman ang ulo nang panot na gurang na ‘yon sa ‘yo.” Ang kaninang magalang at seryosong awra ni Lester ay biglang nawala na para bang tropa lamang ang kausap.
Tiningnan siya nang masama ng binata ngunit hindi niya pinansin iyon. Tumuloy siya sa sofa na kaharap ng amo at prenteng umupo roon. Hindi naman iyon pinansin ni Jayden. Binalik nito ang tingin sa telepono at nakita ang ipinadalang litrato ng kaniyang tauhan.
“F**k, wala na bang ililinaw ‘to?” he frustratingly said and threw his phone on the table. Napatingin naman ang sekretarya nito sa kaniya at nagtatakang inilipat ang tingin sa phone ng binata.
“Ang aga-aga ang sama ng mukha mo. Chill ka lang, Boss.”
“Shut up, Bonifacio.”
Natatawang umiling na lang ang binata sa sinabi ng amo atsaka muling binalik ang tingin sa phone nito.
Muling tiningnan ni Jayden ang litratong ipinadala sa kaniya ng tauhan. Iyon ang kuha ng taong may gawa sa pagsabog at paglubog ng barkong sinasakyan ng kaniyang mga namayapang magulang limang taon na ang nakaraan. Hindi niya lubos makilala ang nasa litrato dahil bukod sa sobrang labo nito ay sobrang layo rin ng pagkakakuha rito.
“Do you want me to contact Mr. Dela Vega for that, Sir?” tanong naman ni Lester sa binata nang makita kung gaano ito kaseryoso. Basta ganoon ay kailangan niya munang maging secretary nito at isantabi muna ang pagiging magkaibigan nila.
“Yes, please.”
Hindi na nag-atubili pang tawagan ni Lester ang private investigator. Si Mr. Dela Vega ang private investigator na na-hire ng ama ni Jayden tungkol sa mga anomalyang nangyayari noon sa kanilang kompanya. Alam niya kung gaano ka-eager ang kaibigan na mahanap at mapanagot ang may sala sa pagkamatay ng mga magulang nito. Saksi siya sa pagluluksa nito at ramdam niya ang galit sa puso ni Jayden tungkol sa mga pumatay sa parents nito.
“He will be here in any minutes, Sir.”
Napahilamos na lang ng palad si Jayden dahil sa frustration. Kahit ano ang gawing zoom niya sa phone ay hindi niya talaga mamukhaan ang nasa litrato. Tila ba nasayang na naman ang pagkakataong hinintay niya upang makilala ang may pakana ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang.
Nag-iisang anak lamang nina Donya Cristina at John Dale Montenegro na nagmamay-ari ng Montenegro Shipping Line Corporation at iba pang business companies na nagkalat sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Mula nang mamatay ang kaniyang mga magulang, sa edad na bente uno ay siya na ang humawak ng lahat ng negosyo na kanilang naiwan based on his parents’ last will testament.
Katulong ni Jayden magpatakbo ng kompanya ang kaniyang uncle na si Don Ramil Montenegro na isa pang kapatid ng kaniyang ama. Ipinagkatiwala ni Jayden ang chocolate factory sa kaniyang pinsan na si Jay Clarence Montenegro, ang panganay na anak ni Don Ramil. Habang si Don Juan naman ang namamalakad sa isang toy company na nakatayo rin sa Cebu.
Hindi lingid sa kaalaman ng binata ang panlilinlang na ginagawa ni Don Juan Antonio, ang isa pang kapatid ng ama ng binata sa isa pa nilang kompanya. Ang matanda ang nagpapatakbo ng isa pang kompanyang hawak nito sa Davao. Matagal na niyang pinapamanmanan ang kaniyang uncle sa private investigators kung kaya’t nalalaman niya lahat ng anomalyang nangyayari sa kompanyang hawak nito.
Sa murang edad ay naging successful business tycoon na si Jayden. Isa ito sa tinaguriang Youngest Billionaire Of All Times dahil sa mga malalaking negosyo na ipinagpatuloy niya.
Kaya naman wala siyang problema sa pagbabayad sa ilang private investigators para lang mahanap ang taong nasa likod ng pagpapasabog sa cruise ship na sinasakyan ng kaniyang mga magulang bago mamatay ang mga ito.
Ilang minuto lamang ay dumating na si Mr. Dela Vega. Pinag-usapan nila ang tungkol sa paghahanap sa taong nasa litrato. Mataman lamang na nakikinig sina Jayden at Lester sa mga sinasabi ng private investigator.
“Are you sure he’s in Palawan?” tanong ni Lester nang matapos ang mahabang diskusyon
“Yes, Sir. And it seems that he is protected by someone who has in a higher position.” Nagkatinginan ang magkaibigan sa sinabi ni Mr. Dela Vega. Kapwa sila hindi makapaniwala sa narinig.
“If that’s the case, make sure to guard him as well, and tell me everything while you observe him,” malamig na wika ni Jayden.
“Yes, Sir,” sagot naman ng investigator. “Is there anything else you want to discuss, Sir?”
“None for now, just wait for my instructions. You can now leave.”
Malaki ang tiwala ng binata sa private investigator ng kanilang pamilya. Mula bata ay nakikita na niya itong laging kasama ng kaniyang ama, at nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay si Mr. Dela Vega na ang tumayong protektor at mata ni Jayden laban sa mga may hindi magandang balak laban sa kaniya.
“Lester, do you think Uncle Anton has something to do with this?” walang ano-ano’y tanong ni Jayden.
Kaagad naman na napatingin si Lester sa kaniya. Batid nito ang desperasyon sa hitsura ng binata. Gustong-gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng parents niya at gagawin niya ang lahat makamit lang iyon.
“I don’t know, Sir,” he honestly answered. “Pero puwede mo rin naman siyang paimbestigahan. Malaki ang galit niya sa pamilya n’yo kaya may possibility na maging motibo niya ‘yon para gawan kayo ng masama.”
“Fine,” sagot ni Jayden. “But I will be the one to do that.”
“Pero baka ikapahamak mo ‘yan, P’re,” nag-aalala namang wika ni Lester.
“Don’t worry about me, Honey, I’m fine,” nakangisi namang sabi ni Jayden at natawa na lamang ito nang taasan siya ng gitnang daliri ng secretary.
“By the way, I have to go. Ikaw na ang bahala rito.” Dali-daling tumayo sa swivel chair si Jayden at kinuha ang coat niya bago lumabas ng opisina. Wala namang nagawa si Lester kung hindi sundin ang utos ng amo. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ng opisina ni Jayden ay tinawagan muna nito ang kilalang agent.
“Hoy, Bruno, umalis si Jayden, sundan mo siya maliwanag? Siguraduhin mong makakapunta siya ng Cebu nang walang galos,” utos pa nito sa kakilalang agent.
Kahit na minsan siyang sungitan ng kaibigan ay labis siyang nag-aalala rito. Kapatid na ang turing ni Lester kay Jayden at isa rin siya sa mga taong sinabihan noon nina Donya at Layton na subaybayan ang binata.
TANGHALI na nang makarating si Jayden sa pinuntahan. Nasa isang private cemetery siya ngayon kung saan nakalibing ang kaniyang mga magulang. Ngayon ang ikaanim na taon mula nang mamatay ang mga ito at walang palya ang pagdalaw na ginagawa ng binata sa kanila.
Inilapag ni Jayden ang dalawang basket ng bulaklak sa tabi ng puntod ng kaniyang mga magulang. Nagsindi rin siya ng dalawang kandila at itinabi iyon sa mga bulaklak.
“It’s been six years,” wika ng binata at saka naupo sa Bermuda grass. “How are you there?”
Tumingala si Jayden sa langit at doon ay nakita niya ang mga makakapal na ulap na tumatakip sa kulay asul na kalangitan. Doon ay nakaramdam siya ng lungkot. Sobrang miss na niya ang kaniyang mga magulang. Sobrang biglaan ng nangyari sa kanila at hindi man lang ito nakita ng binata. Labis siyang nasaktan sa pagkawala ng mga ito kasabay noon ang sobrang galit nang malaman niyang hindi aksidente ang nangyari.
“I miss you, Mom, Dad,” malungkot na saad nito, “I wish I could be with you—with Dad.”
Hindi hinayaan ni Jayden na tumulo ang mga nagbabadyang luha mula sa mata niya. Simula nang mawala ang kaniyang mga magulang ay ipinangako ni Jayden sa kaniyang sarili na hindi na siya iiyak muli sa harap ng maraming tao.
Ilang minuto pang nag-stay ang binata sa sementeryo hanggang sa dumating ang oras ng pag-alis niya. Gamit ang Ford ay mabilis siyang nagtungo sa pantalan kung saan naroon ang yateng gagamitin niya papuntang Cebu.
“Good afternoon, Sir,” bati ng kapitan sa kaniya. Tumango naman si Jayden dito at pumasok na sa yate. Kasama ng binata sa loob ang sampung crew, at ang naghihintay na mga business partners sa kaniya.
Nang umandar ang yate ay nagsimula na ang meeting ni Jayden with his business partners. Inutusan niya ang ilang crew na ihanda ang mga pagkain nila at ipinagpatuloy ang kanilang business talks.
“Mr. Montenegro, don’t you know that there is an alleged robery of ten million pesos in the corporation?” tanong ni Mr. Bustamante, isa sa mga matagal nang business partners ng kaniyang ama. “That would be a big loss on your company.”
“No need to worry about that. My assistant already solved that problem.”
Halata namang nagulat ang matanda sa isinagot ni Jayden. Alam nito na isa ang matandang iyon sa mga taong matagal nang nagbubulsa ng pera sa kompanya ng binata.
Ngunit sa halip na hulihin niya ang matanda ay hinayaan na lamang niya ito. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa sa ganoong bagay sapagkat una pa lamang ay nagawan na niya ng paraan ang mga problema niya sa kompanya.
Nang matapos ang meeting ay tumigil sandali ang yate sa isang isla, malayo pa sa kanilang destinasyon. Doon na nagpaiwan ang tatlong business partners niya kaya naman hindi na siya nag-atubili pa na tumungo sa Cebu.
Sumapit ang gabi at nagpasyang magpahinga si Jayden sa kuwarto niya. Kaagad niyang tinawagan si Lester upang kamustahin ang kompanya.
“I already shut down the transactions from them, Sir,” sagot ni Lester sa kabilang linya patungkol sa shares ni Mr. Bustamante at ng dalawa niya shareholders na nagnakaw ng ten million pesos.
“That’s good. You take care of the company, sinabihan ko na rin si Uncle Ramil.”
Si Ramil ang bunsong kapatid ng kaniyang ama. Ito na lamang ang pinakapinagkakatiwalaan niya sa kaniyang pamilya, kasama ang pinsan nitong si Clarence. Simula noong maulila ang binata ay si Ramil na ang nag-alaga at gumabay sa kaniya sa pagpapatakbo sa lahat ng negosyo ng kaniyang ama. Kaya’t kampante siyang hindi magiging katulad ng kaniyang Uncle Anton si Ramil.
Matapos kausapin ni Jayden ang kaibigan ay kaagad na siyang nilamon ng antok. Hindi na niya nagawang magbihis dahil sa sobrang pagod.