Sa isang masagana at maunlad na pamayanan, nakatira ang isang ubod ng guwapo, at almost perfect man of all women na si Jayden Clark Olivares Montenegro. He is one of the richest and most famous bachelors of Manila. Ngunit ang tinaguriang almost perfect man ay may itinatago pala na kasungitan. He is a cold-hearted person na parang lahat ng tao ay kaaway niya. But deep inside, he just feels lonely, a man who want to feel comfort and love since his parents were already gone.
On the other hand, Eli is a province girl with a very positive personality despite of negativities. Nanggaling siya sa isang mahirap na pamilya, ngunit ganoon pa man, siya ay masiyahin, a very positive thinker. Nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay mag-isa na lamang siyang namumuhay at nakikipagsapalaran para may makain sa araw-araw.
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, magbabago ang mala-haring mundo ni Jayden. His and Eli’s world will collide and will bring chaotic mess to each other.
Ngunit paano kung ang mala-aso’t pusa nilang relasyon ay mauwi sa isang mala-fairy tale na pag-iibigan? At hanggang saan ang aabutin ng kanilang pagmamahal sa mga pagsubok na darating sa kanilang buhay?
Ang pagpasok ng panibagong taon ay naging masaya para sa mga fourth year student ng Blackwood Dormitory School. Naroon ang kagalakan ng mga estudyante sapagkat isang taon na lamang ang kanilang gugugulin sa pag-aaral upang makapagtapos ng high school.
Ngunit taliwas sa kasiyahang iyon ang nararamdaman ng mga estudyante ng Class-A dahil naroon ang mga estudyanteng pinakamagagaling na nag-uunahan sa pagkamit ng pinakamataas na rank sa buong school.
Sa pagsisimula ng school year, isang misteryo ang gigimbal sa buong paaralan. Ang nire-respeto at tinitingalang klase ng mga 4th year students ay mababalot ng kahila-hilakbot ng mga pangyayari.
Sa pagpasok ng panibagong taon, matuldukan kaya ang misteryong bumabalot sa Class-A? Sino-sino ang mga dapat paniwalaan? Sino-sino ang mga dapat taguan?