“PAANO mo nalaman ang mga brand na ‘yan?” magkahalong gulat at pagtataka na tanong ni Jackie sa binata. Hindi nila inalis ang tingin kay Aiden na siya namang nakatingin sa mga damit at sapatos. “Hindi naman ‘yan basta-basta nakikita sa tiyanggian, ah.” Dugtong pa ni Eli rito. Totoo ang kanyang sinasabi, sapagkat maging siya ay noon lang nakakita ng mga ganoon klaseng produkto na hindi peke at nagmula pa sa mga kilalang brand. Marahil ay kung wala siyang idea sa mga produktong iyon ay iisipin niyang ordinaryong damit at sapatos lang ang mga ito. Teka, hindi kaya . . . Nagtinginan ang dalawang magkaibigan na tila ba parehas lamang sila ng iniisip. “I just read what’s inside.” Muling napatingin ang dalawa kay Aiden na ay ipinakikitang maliit na papel. Doon naman nawala sa isipan nilan

