"Ano ba Kim! Sana 'di mo na lang pinansin diba? Paano kung balikan ka niya? Ang suplada pa naman ta's ano sabi niya 'di pa kayo tapos?! So... babalikan ka pa niya. " Paliwanag niya na may bahid na inis ni Julia, sa'ming apat siya 'yung mabunganga at mahilig manermon tulad ngayon.
Akala naman niya mahina ako para 'di siya patulan.
"Tingin. Ko pa may mga buntot 'yon? Mga gano'ng style 'di mawawala ang mga kasama diba? Kahit tayong apat tayo paano pa kaya sa kaniya diba?" Sabi Ni Jera habang nagkukulikot sa bag diko alam ano hinahanap niyan Di na lang ako umiimik si Jharlyn naman busy sa ka text Niya ngumingiti eh .
May kaniya-kaniya silangga ginagawa at ako wala akong gana makipag sabayan sa mga trip nila.
[ FAST FORWARD ]......
Kring...
Kring...
Nag bell na para sa mga oras ng mga patay gutom kasama na kami do'n.
"Tara na Kim, baba na tayo!" Habang nagliligpit pa ng mga bag, baliw halatang gutom lang Julia, kaya tumayo na kami at naglakad na palabas hanggang makarating sa labas andaming tao paano pa kaya sa canteen diba?
"Dito na tayo umupo, at ikaw Jharlyn bumili hahaha! " pang asar Ni Julia.
"Teka ba't ako lng? Aba dapat kayo din noh! Ano ako taga buhat ng pagkain niyo?! No way! " iniss na sabi ni Jharlyn.
"Huy! Teka now ko lang napansin asan si Abigail Harper? Julia Mae? " takaa ko kasi kaninaa magkasabay yown, sila kaso 'di ko na s'ya napansinn pagkatapos.
"Umuwii si Abigail may emergency daw nung nag kwe-kwentuhan tayo." paliwanag niya tumango na lang ako at napatingin kay Jharlyn na naka upo pa.
Kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano beb Jharlyn? Wala ka balak pumila gugutumin tayo? At ikaw may sabing treat mo pag first day natin. Dali na tayo na diyan. Faster hahahah! " galit Kong kunware kaya wala siyang nagawaa at pumila. Kami naman naiwan naghintay.
Dahil alam namin na matatagalan siya lalo na mahaba na ang pila, masyadong mabagal kumilos ayan tuloy pinakadulo pa.
"Tambay tayo sa play ground pag-uwian. " suggest ni Jera
"Sige " sabay na sabi namin.
Ilang minuto bag siya dumating.
"Here na mga madam!" sabay lapag ng mga pagkain at umupo.
Kaya kumuha na kami para kumain na din ...
"Ang sarap namann ng food nila! " pangiti-ngiti ni Julia
Tumangoo na lang kaming tatlo at 'di nagtagal natapos na kami kaya lumabas na kami ng canteen at papunta na sa room.
May time pa kasi para makipag daldalan kami sa isat-isa.
"Hahahahahha. Woi! Jera sabihin mo na kasi ba't tayo na late kanina? Dali na! " pangungulit bigla ni Jharlyn.
"Tigilan mo nga ko sasapakin na talaga kita Jhar." inis na naman si Jera.
"Hay. Nako, alam mo kasi kapag gano'n na uutusan ka ng kuya mo Sana diba? Tumatakbo ka na---" paliwanag sana ni Jharlyn, kaso dina tuloy kasi sinamaan siya ng tingin ni Jera kaya natawa ako at si Julia walang pakealam hahaha sa nangyayari sa paligid niya.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad kasoooo...
Ba't ang daming tao do'n may artista ba?
" Wahh! I love you!" tiliii ni ate.
At halos mabaliw na sila kakapadyak isama mo pa ang tulakan, sabunutan dahil sa kilig sa mga nakikita nila.
Seriously?!
"Ano meron?" Taka Kong sabi sa kanila nag kibit-alikat sila.
Kaya 'di nalang namin pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad ..
Pagdating ng room mga classmates namin may kanya- kanya ginagawa na.
"Wahh! Gusto ko na umuwi paulit-ulit lang naman 'yung introduce kakainis! " reklamo ko sa kanila kaso 'di ako pinansin ng mga gaga wengyaa!
"Good morning class! " teacher.
"Good morning Ma'am!" masayang bati ng lahat.
"Ok. ako ang inyong Filipino guro simula sa araw na ito at gusto ko lahat kayo makikinig sa lahat ng mga tinuturo ko naintindihan ba? " paliwanag ni Ma'am.
Again, ang boring kapag gantong mag uumpisa pa lang. klase, sa buong pag-aaral ko nakakasawa na ang paulit-ulit na discussion nila.
"Opo! " classmates kong uto-uto.
Kunware nakikinig ako baka sabihin ni Ma'am malditang students ako eh totoo naman mas nga lang.
"Ako si Iveeh San Pedro ok magpakilala lang kayo, miss ikaw mauna kahit 'di kayo alphabet mo na. " ngiting paliwanag ni Ma'am.
Nasa pangalawang row kami kaya sunod kami pagkatapos sa unahan.
Tumayo ang classmate Kong babae medyo nahihiya pa s'ya at tumingin sa'min at sabay ngiti ang ganda niya.
"Ahmmm. Hello, kamusta? Ako po pala si
Princess Del Rosario, labing pitong gulang ahmm sana maging kaibigan ko kayong lahat!" magalang na sabi ni Princess ang cute ng pangalan.
Next naman tumayo ang katabi niya at hanggang sa matapos sila kaya ako na ang susunod hayssss ..tumayo nako para matapos agad at ngumiti kay Ma'am at sa mga classmates ko.
Maging mabait lang tayo.
Para walang maka-away.
"Hello ako nga pala si Kimberly Nicole Cardenas, itawag niyo na lang akong Kim at labing pitong gulang na ko hilig ko kumanta at mag drawing kapag bored ako sana maging kaibigan ko kayong lahat!? Ayun lang maraming salamat sa pakikinig. " masaya Kong sabi at ngumiti si Ma'am sa'kin kaya ngumitii na din ako at tumayo si Julia kaya umupo na ko .
"Good morning classmates and Ma'am, ako po si Julia Mae Baliling labing pitong gulang at hilig ko din mag drawing 'yun lang po salamat." ngiti Ni Juls.
Next na tumayo.
"Ako naman si Jharlyn Ladincho, p'wedeng Jhar at wala Kong hilig kundi kumain at mag ingay! " sabi Ni Jhar abno talaga sabay upo next si..
"Gandang umaga sa mga magagandang nandito tulad ko ---"'di na tapos Ni Jera ang sinasbi kasi nagsigawan bigla mga classmates namin.
"Woah! Support hahahaha!" si boy classmates tsk natawa tuloy kami.
"Continue Ms. Jera. " ngiti ni Ma'am tumango nalang si Jera.
"Haha! Ok ako lang 'to guys! Si Jera Riego na maganda. HAhaha shar lang, labing pitong gulang at kalog kaya 'wag kayo mahihiya sa'kin makipag kaibigan dahil ako lang 'to haha! " tawa-tawa ni Jera kaya pati kami.
Nagpalakpakan naman sila sa kabaliwang introduce ni Jera at umupo na siya at sunod-sunod na nga ang pagpapakilala ng iba ..