Chapter 4

1220 Words
[ FAST FORWARDD ] "Ok class tapos na ang klase natin so... puwede na kayo umuwi mag-ingat kayong lahat. Bukas ulit na magsisimula na tayo." Pag papaalam sa'min ni Ma'am bago siya naunang lumabas. "Paalam din po Ma'am ingat din po kayo. " sabi naming lahat at nag ayus na kami ng mga gamit para maka uwi na din at lumabas na ng sabay-sabay sila nag ingayan kasi uwian na .. "Natapos din, hahaha ang baliw lang no?! " tawani Jharlyn kaya pati kami natawa din. Habang palabas na ng gate mabuti maaga uwian. "Ano punta pa ba tayo sa play ground Kim?" Pagtatanong ni Julia. "Oo, tara malapit lang naman dito sa vallage natin kaya Tara." Pag-aya ko sa kanila at nagtuloy kami sa paglalakad . Pagdating namin ang mga bruha nagkaniya-kaniya, kaya umupo ako sa swing bahala na sila diyan mag-eemote mo na ako. Mabuti 'di mainit kaya ok lang tumambay dito at magpahangin. Makalipas ng ilang oras napagpasiyahan na namin na umuwi hapon na din kasi . " See yah tom. Julia, Jera, Jharlyn sabay ulit na lang tayo ok. Sabihan niyo na lang si Abigail. "Pagpapaalam ko sa knila nasa labas na ko ng gate namin at kumakaway lang sa kanila kaya pasigaw ako medyo malayo na kasi ang pagitan namin. [Kim P.O.V ] Kringggggggg..... Kringggggggg.... Kringggggggg.... Napabangon ako sa alarm Kong yown, at 5 am na wahhhh! Kainiss. Antok pa talaga ako! Haizt! Bagong umaga, Bagung simula, ano kaya mangyayare? sana wala ng bully noh?! Lalo na ung suplada kahapon sino kaya yun? Ba't gano'n siya. Tsk ganda nga suplada naman wala din. Sayang lang ang ganda ni ate girl, kung ang panloob nito demonyo. Nagready na ko para pumasok sana all masipag hehe. After years sa pag aayus tadan! I'm pretty na hehe. "Walang aangal at baka itapon ko sayo 'tong Suklay" Kaya bumaba nako para kumain ng agahan para lumakas. Lalo na ang utak ko ng magkalaman man lang saga quizzes huhu. "Good morning ma, ate! " bati ko sa kanila kaso si ate snob, si mama naman ngumiti. Good mood si mother natin. 'yung isa akala mo naman natalo sa lotto kung maka busangot eh wagas. Kaya umupo na ko at kumuha nag favorite bacon and egg yummy. "Kamusta naman unang araw mo Kimberly ? " tanong ni ate kaya bigla ako kinabahan sa tanong niya huhu . Paktay ka kapag nalaman niya na 'di ka mabait. "Ah. I'm fine ate hehe, kain na tayu baka lumamig po. " palusot ko parang nahalata ako kaya tumaas ang kilay pero kumain nalang sya . Good yan 'wag mo ko pansinin ang buhay students ko at baka mahimatay ka kapag nalaman mo mga pinaggagawa ko. "Ikaw kamusta ang unang araw mo Kath? " tanong ni mama kay ate kaya napasimangot nalang, alam ko 'yan hahha malas din syaa . "Tsk 'di maganda ma , ayaw ko ikuwento nalaala ko na naman. Nakaka iniss! " Sabay subo ni ate kaya balik nako sa kinakain ko at maglalakad pa ko ayaw ko sumabay kay ate masyado siyang maarte sa kotse niya. Yeah may sarili kaming kotse kaso yung akin ayaw ko gamitin 'di sa nagtitipid ng pang gasolina ang lapit lang kasi .. Masyado ko naman ata pinapahirapan mag gastos eh puwede namang maglakad na lang. Masyadong tamad lang. Makalipas ng minuto natapos na din kaya tumayo na ko para magpaalam. "Ma ,ate una na ko baka naghihintay na sila Julia eh babye po! " Sabay takbo ko at lakad na ko medyo maganda ung panahon hehe. Kaya masarap mag lakad ng gantong panahon. Sana maging maganda din ung araw ko sa school. Wish me luck. Pagdating ko saktong naghihintay na sila at complete na kami lumapit ako sa kanila at nag beso sa isat-isa. "Kala ko 'di ka na makakapasok Abigail?! " asar ko agad sa kaniya. Tinarayan lang ako bago siya magsalita. Maldita din 'to. "May emergency lang sa bahay. So, balita ko sa kanila nakipag sagutan ka daw, at Kala ko ba iiwasan mo na? " takang tanong ni Abigail sa'kin. Napasimangot na lang ako at tumingin sa tatlo at nag peace sign pa. "Ang galing niyo no?!" inis ko sa kanila at tumabi. "Sorry naman, gustooo niya kasi malaman bff naman tayo noh! Hahahhaa! Dibaa girls? Hahhahahahhaha! " sabi ni Jera habang natawa at nang-aasar talaga. Natawa na lang ang iba sa kalukuhan ni Jera. "So. Ano plano Kim? Kapagg binalikan ka? " tanong ni Jharlyn napaisip naman ako sa tanong niya. Ano pa nga dating gawi. Sino ba naman ako paraaging mabait eh, kilala ako ng mga kaibigan ko na walang kinatatakutan. "Hmm ano pa nga ba dating gawi! " seryoso kong sabi sa kanilang apat at nagulat pa sila tsk parangg bago lang ah! Napaka ng mga 'to?! "Hey stop looking at me like that girls! I'm serious you know me?! " paliwanag ko sa knila. "Teka nakakagulat ka Kim, i mean akala ba namin iwas na sa ganyang gulo diba? Nag usap na tayo. " sabi ni Julia tumango ung tatlo. Haizt! Para lang naman sa kaligtasan namin 'tong gagawin ko, 'di magpatayan ang balak ko. Mga utak talaga nila masyadong advance. "Guys! Listen ok? Pag kailangan lang naman eh. Oo na pag-usapan na natin about sa pagbabago. Pero paano kapag may manakit sa'kin ano tutunganga lang ako? Hell no! " seryuso kong sabi kaya napabuntong-hininga na lang sila dahil kilala naman nila ako pag sabi ko gagawin ko talaga ayaw ko lang maging kawawa. At ayaw ko maging kawawa sa paningin ng iba. "Wag kayo magalit ok, pag kailangan lang talaga natin promise! " Taas kamay ko para maniwala sila. Hirap nila maging mabait kapag ako na ang nakiki-usap ang unfair ng mga 'to kaya minsan ayaw ko ipaalam lahat ng nalalaman ko dahil kapag sinasabi ko sa kanila ganiyan ang nangyayari lagi. "Ok fine! Ano pa nga ba?" sabi ni Julia. "Ok agree " sang-ayon din nila Jera/ Jharlyn. Tumingin ako kay Abigail napakamot pa sya. No choice siya kasi sila sumang-ayon na sa gusto ko. "Payag na din ako basta need lang? Pag lumagpas ka. bahala ka na sa buhay mo! " seryuso bigla Ni Abigail, napatingin kami sa kaniya. "Bakit? Bahala sa buhay ko? " tanong ko. "Wala. Basta payag na ko ok, tapos ang usapan." Abigail ansungit talaga nito . Dinaig pa ako, ako naman medyo may kabaitan pa sa katawan ko haha. Kaya napag isipan na namin na umakyat sa room at baka mag bell . Pagpasok sa room sabay upo tabi kaming Lima .. "Hi Kim. Right? " si Princess to ah ngumiti ako. Ayaw ko naman maging suplada sa mga mababait tulad ng mga classmates ko. Be a good girl. "Ah, yes hehe and you are Princess hehe hi! "Ngiti kong sabi at nag shake hands kami at umupo sa upuhan niya katapat ko . "Hay nako si Princess ba't sya diyan nakikipag kilala puwede naman satin tsk. " pagpaparinig sa'min pagkakatanda ko sya si Savannah Quellera. Halatang may pag ka maldita basi na din sa pananalita at panunuot nito na kulang na lang maging hostess sa bar. "Haha walang taste yuck! " yung katabi niya naman ang nagsalita siya si Cristylyn Catalon. Napatingin ako sa kaniya at tinaasan lang ako ng kilay at sabay iwas ng tingin. Feeling maganda amputek.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD