"Pasenyahan mo na ang mga yown, lagi silang papansin hehe. " sabi bigla ni Princess kaya napatingin ako sa kaniya.
Halata nga eh, mga kulang sa pansin mga putragis.
"Ah ok lang. Woi Jera si Princess pala para naman may kausap man lang tayo! ". Kinalabit ko sila at tumingin kay Princess si Jera ayon nakipagkilala na.
"Hi Jera nga pala kasing ganda mo ko! " pabirong sabi ni Jera hay nako kinaltukan naman siya bigla ni Julia.
"Mahiya ka nga sa'ting lahat ako mas maganda sa inyo, opsssss bawal kumuntra kakaltukan ko ammmp! " sabay tayo para awatin ang sasabihin nila Jera pati sana si Abigail kukuntra eh napasimangot nalng kami .
Bakit bigla ata humangin ang room.
Baka bigla bumagyo dito sa kahanginan ng mga kaibigan ko.
" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA nakakatuwa naman kayo! " biglang tawa ni Princess na ipinagtaka naming Lima at ngumiti na lang kami sa sinabi niya.
"Good morning class! Ok attention my first discussion all about greek to mythology. Simple quiz ok? Please get one half sheet of paper!" Biglang sulpot ni Ma'am Ashy Cruz.
Taena 'yan kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ko sa biglaan niyang sulpot sa harapan at magsigaw ng may quiz.
Shala, quiz daw? Omo! Bakit 'di ako or kami nakapag review nila Julia kahapon yawa! Biglaan naman ata ang quiz.
"Ma'am naman ang aga ng quiz po. Ta's 'di pa tayo nagdidiscuss. Quiz agad? 'Di kami prepared! " maarteng sabi ni Savannah at halos lahat na kami nag react napaka aga naman ng quiz huhu science pa unang subject saklap.
Utak ko nasa ibang planet pa ata 'di pa nakakabalik.
"Ms.Quellera baka gusto niyo agad ko kayong ibagsak sa quiz. Ano aangal ka pa? Possible naman 'di mo or ninyo alam ang Greek to mythology or 'di kayo nakikinig nung nakaraang taon? Hala, kumuha ng papel at mag qu-quiz na tayo baka maubos oras ko. " nagalit bigla si Ma'am, si Savannah naman napahiya kasi naman nagreklamo pa.
Napala mo masyadong maarte, boba ata at ganon siya makareact.
Kaya wala na kaming nagawa at nagstart na kami sagutan ang quiz na bigay Ni Ma'am 30 items pa ..
Pagbasa ko.
Greek to roman, madali lang kasi tanda ko pa naman ang mga 'to at nagsimula na ko tumingin ako kila Julia masyado silang seryoso sa quiz .
[ FAST FORWARDD ]
" Past your paper class , finish or not finish! " sabi ni Ma'am Ashy.
Kaya lahat kami naipasa na sa harapan.
"See you tomorrow and prepare your another quiz review kayo pag ka uwi niyo ok Class." paalam ni Ma'am Ashy kaya kami wala nagawa at magrereview na lang.
Kailangan na nga namin maging masipag.
At pumasok si Ma'am Marianita values pala ngayon.
"Good morning class. So kilala niyo na ko. Pag-aaralan natin at tungkol sa inyong mga sarili sa ano sa tingin niyo ang pagkakakilala niyo ok tatawag ako! " seryuso ni Ma'am nakakatakot matawag.
Ito pang subject kinakabahan na naman kami.
"Hala, kinakabahan ako! " biglang sabi ni Jharlyn.
"Dika nag-iisa tae! " sabat ni Julia.
"Sana 'di tayo matawag huhu 'di ko alam sasabihin ko lutang ako ngayon naubos sa science. " biglang sabi ni Jera.
Natawa tuloy kami pero ang seryoso niya wahhhhhhhh!
"Wag kayo maingay masayado baka tayo makita at tayo bigla mauna. " saway ko sa kanilang apat.
Mapapahamak pa ata kami sa ingay nila e.
Pahamak sa pagtawag ni Ma'am Marianita.
"tae lang sana huli tayo. " si Abigail habang nakapikit nagdadasal na ata.
Ipagdasal mo na din kami beb.
" Ok Ms. Delo Santos Stand up! " tawag niya kay Princess napatayo siya agad at napakamot .
My gosh, sunod na sa hilira namin.
"Ah Ma'am sa tingin ko po 'yung pagiging mabuting anak sa magulang ko at masipag pagdating sa pag- aaral 'yon po ang tingin ko sa aking sarili salamat po. " paliwanag na sagot ni Princess.
Sana all magaling makaisip diba?
Ako nga wala ko maisip sa pagkakakilala sa sarili ko.
"Very good. Next Ms. Cardenas Stand up! " tawag bigla ni Ma'am wahh! Ba't ako? Napatingin ako sa mga katabi ko at mukang kinakabahan na kasi ako nauna sa kanila.
Tumayo ako napabuntong hininga.
Bahala na si darna.
"Ang masasagot ko po sa tanong niyo at paano ko ba malalaman ang pagkakakilala ko sa'kin sarili? Tingin ko po ay ang pag iiba po ng ugali ko sa paligid kung saan po may taong 'di nagugustuhan ang ugali ko sa paligid kung saan maraming mapanghusga na tao, at umiiba ang mood ko, kapag 'di mo gusto ang takbo ng isip ng bawat isa, expression pa lang mapanghusga na paano pa kaya kung lumabas sa bibig niya ang salitang 'di mo gusto. Ayon lang po Ma'am Marianita, salamat po. " mahabang paliwanag ko at napatingin naman ako sa mga kasama ko 'di ko alam kung natutuwa or naiinis nag peace sign na lang ako at umpo na ko.
Sh*t. Kinabahan ako do'n ah.
"Nice Ms.Cardenas! " napahanga ata si Ma'am ngumiti na lang ako.
Ang talino ko talaga mag isip HAHAHHA.
"Loko ka Kim ayon talaga sagot mo? Tsk!" inis na sabi ni Abi, nag peace sign na lang ako.
Very good nga daw eh, so malaking correct ang sagot ko.
Sunod-sunod na tinawag na nga ni Ma'am.
"Next Ms. Harper and sunod kayong tatlo."
Kaya tumayo na si Abigail.
"Simpling pagpapakilala sa aking sarili maging mabuting anak at mabuting kaibigan at higit sa lahat mabuting mag-aaral. " sagot niya at umupo tumayo si Julia naman.
"Ako naman mabuting kaibigan na meron ako at magaling sa lahat at maasahan kapag may problema at mabuting mag-aaral at anak ayon lang po." sabay upo ni Julia at sunod na nga si Jera .
"Mabuting kaibigan at mabuting anak at mag-aaral marunong makisama at maasahan sa lahat ayon lang po." sabay upo at last na nga si Jharlyn.
"Masayain pagdating sa kaibigan at mapagmahal sa pamilya at marunong makisama sa lahat para iwas gulo ayon lang din po." At umupo na siya.
Wow ah! Bakit iisa lang mga sagot nila?
Ako lang pala ang kakaiba kung sumagot pero im proud naman sa mga katangian ko that's me.
CLAP.CLAP.CLAP
Si Ma'am natuwa sa mga naisagot namin.
" Good. Very, very good. Class salamat at nakasagot ang lahat so bukas ulit. Ok class dismiss! " Pagpaalam ni Ma'am kaya nagligpit na kami.
"Bye Ma'am see you tomorrow!" Kaming lahat at nag ready na para lumabas.