CHAPTER 64:kidn*pped

1507 Words
Kimberly Point of view "Walang iba kundi ako," biglang sagot sa tanong ko na nag pa gulat samin lahat. "Alyssa!" Sabay na sigaw namin sa kaniya at may mga kasama ito 'di lang sila Roselyn may mga tao siyang kasama na ka bonet pa . At malalaki ang mga katawan na sa tingin ko may gagawing masama samin. Holy f*****g s**t! H'wag nilang sabihin may balak sila sa'min. "s**t!" Sabi ko pa at ramdam ko ang takot ng mga kaibigan ko. "K-kim," nginig na bulong sa'kin ni Yssa. "N-natatakot na ako," sabi naman ni Bliss. "Oh look at your face," pang aasar sabi ni Savannah na nag pa init ng ulo ko. "I think your scared now?" maarteng sabat naman ni Roselyn. "Pakyu bente!" Sigaw ni Jera. Inismiran lang siya ni Roselyn at tumabi na ulit kayla Ally. Na animo'y tuwang-tuwa sa nasasaksihan. "Shut up, boys sige na kunin niyo na ang mga iyan alam niyo na kung saan sila dadalhin , lets go girls." Biglang sabi ni Alyssa sa mga kasama niyang mga naka bonet at tinalikuran kami sumunod ang mga kaibigan niya. Nataranta na kami dahil nga sa utos ng impakta. Fuck you Alyssa! Sa isip ko. Sobrang takot naman ang naramdaman namin ngayon bukod mga lalaki sila at malalaki pa ang mga katawan feeling ko 'di ko sila kaya. "Ah! Bitawan mo ko." Sigaw bigla ni Sheina na hawak na pala ng isa at nag pupumiglas ang bilis ng pangyayari. "Argh ano ba bitaw!" Inis ni Abigail . Shit wala akong magawa sa mga kaibigan ko, Sorry kung pati kayo nadadamay sa napasok kung kalukuhan. "Pakawalan niyo kami arghh." Sigaw ko ng may humawak na sa'kin lalaki at tatadyakan ko na sana ito ng suntukin ang tiyan ko. "Kim!" Rinig kong sigaw nila bago ako buhatin na parang bigas. Sobrang sakit ng tiyan ko sa lakas ng suntok nito kaya 'di na ko nakagalaw pa. Nakita ko ang mga kaibigan ko na buhat na ng iba at lumabas na sa pinanggalingan namin. Samantala ako nahihilo ako sa buhat nito. At naramdaman ko na lang na isinakay na kami sa van at nakita kong nag pupumiglas ang mga kaibigan ko at sigaw sila ng sigaw hindi naman ako makakilos parang nawalan ako ng lakas sa suntok na ginawa niya. Pinagtabi kami kaya ang mga kaibigan ko niyakap nila ako at umiiyak na sila sa takot. "Kim, ayos ka lang ?" Tanong ni Abi tumango lang ako. "Napakawalanghiya nila Alyssa!" Galit na sabi naman ni Jera. "s**t anong gagawin natin?!" pag alala bigla ni Julia kahit ako walang idea at ang malas dahil naiwan namin ang mga bag namin sa room. Kaya ang mga cellphone wala kaming dala. Wala kaming magawa kundi ang mag-ingay nanganganib kami. Jiro please tulungan mo kami. "Pano na?" bulong ni Jharlyn. "Magsitahimik kayo kung ayaw niyo masaktan!" Sigaw samin ng naka blue ang buhok wala na silang bonet pero hindi namin sila mga kilala. At mga 30's na ang ito sa mga mukha pa lang nila. Wala kaming nagawa kundi tumahimik pero natatakot na ako sa mga puwedeng gawin samin o mas lalo sa'kin nila Alyssa dahil kilala ko sila. May masamang balak silang gagawin sa'kin. Ito ang ganti nila sa'kin ang gawin 'to at matakot kami. Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa ginagawa ngayon nila Alyssa. Mali ka ng kinakalaban Alyssa. Maling mali. ------------ "Ano ba bitaw arghh!" Sigaw ni Julia ng makarating kami at isa isa na kaming hawakan ng mga lalaki. Nagpupumiglas pa din ako kahit ang mga kaibigan ko walang nagawa kundi makaladkad na lang, Hindi namin alam kung sa'n lupalop kami at do'n na lang namin napag alaman. Na dinala kami sa isang gusali na 'di na ginagamit nakakatakot ang itsura ng gusali na sa tingin ko ay nasunog ito. Talagang lumang building na at masyadong malayo na kami sa kung sa'n kami nanggaling. Hindi ko alam asan kami ngayon wala akong idea. Bago kami makapasok sa loob ay nakita ko ang labas malayo na kami sa kung saan kami galing. Ng makarating sa loob ay pinasok kami sa kuwarto na luma at sinarado ito bago kami iwan lahat sa loob. Nagsilapitan sila sa'kin na halatang natatakot na. "Kim anong gagawin natin?" Tanong bigla ni Abigail. "Oo nga at ba't nandito tayo? Isa pa sobrang layo na natin sa school," sabi pa ni Jharlyn. "Wala pa tayong dalang cellphone ng makahingi ng tulong sa boys." Sabi naman ni Sheina at nililibot ang paningin sa loob. "Hindi ko alam ang mga binabalak nila pero mag iingat tayo," seryoso kong sabi na ikanabigla nila. "Huh? Bakit?" Takang tanong ni Bliss. "Alam ko naman na may plano silang saktan tayo, pero hindi ako papayag na may masaktan sa sinuman satin," inis sabi ko pa sa kanila . "Lalo ka na, alam kong ikaw ang target Kim pero mag iingat ka pa rin," sagot naman ni Julia. Napatango na lang ako ng biglang may malakas na nag bukas ng pintuan kaya mga kaibigan ko lalong dumikit sa'kin. Na halatang natatakot na lalo na kasama na din nila ang mga kasabwat dito ang mga inutusan nila. "Takot agad?" pang aasar ni Savannah. "Ano ba 'yan wala pa nga nasisimulan e," arteng banggit pa ni Roselyn. "Wala pa tayo sa exciting part mga beshy haha!" Savannah. "Hahahahahha nakakatawa mga mukha niyo halatang takot na kayong mamatay." Wika naman ni Alyssa habang nakatingin sa'kin ng matalim. "Nako maghahanda na ko ng bulaklak para sa inyo kung ganon?" Roselyn na halatang nang-iinis. "Iiyak na lang ako kapag isa sa kanila may namatay haha!" Savannah. "Ano ba kayo Savvy, Rose, wait na lang tayo sa burol nila mamaya Tapos ipa build board na din natin Diba ang saya?!" Singit naman ni Alyssa. Naramdaman ko ang mga panginginig ng mga kaibigan ko. "s**t Kim! Ayaw pa naming mamatay," bulong ni Jera at napayakap kay Jharlyn. "Walang mamatay." Seryoso kong sabi sa kanila. "Kim huhu gusto ko na umuwi," takot na sabi namann ni Yssa. Niyakap siya nila Abigail para kumalma. "Tsk stop drama ang pa-panget niyo mag drama diyan." inis ni Alyssa na nag pa kuyom ng kamao ko sa galit. "Wala pa kaya 'wag kayo umiyak ang drama niyo naman." Savannah. "Puwede ba pakawalan mo kami 'wag mo idadamay mga kaibigan ko kung may galit ka sa'kin Alyssa!" Sigaw ko sa kaniya na may galit. Ngumisi lang ito sa'kin na nagpakulo ng dugo ko parang anytime gusto ko na silang sugurin. Pero kailangan ko kumalma baka madamay mga kaibigan ko. Sininyasan niya ang mga lalaki at nag si alerto kami ng malaman namin kung saan sila patungo. "Ahhhhhh!!!!" Tili nila Julia ng makalapit sa'min at hinawakan ang mga kaibigan ko isa-isa samantala sa'kin walang humawak hindi ko naman alam kung bakit. "Kim," tawag sa'kin nila napatingin ako at lahat sila nagpupumiglas sa mga may hawak sa kanila.. "Ano may magagawa ka ba Kim?" Pang aasar na tanong ni Alyssa at nilapitan ako. "Ano kailangan mo at pati sila dinamay mo!" Sigaw ko sa kaniya at nakatingin ng seryoso. " Wala silang kasalanan sayo!" Dagdag ko pa. Ngunit nagulat ako ng bigla akong sampalin ng napakalas na 'di ko inaasahan. *Paaaakkkkkkkkk~~ "Kim!" Sabay nilang tawag sa pangalan ko. Napayuko ako sa sakit ng dumapo ang mga palad niya sa'kin ngumisi ako ng iangat ko ito. "Hanggang sampal ka lang ba Huh? Alyssa?" Mapang hamon ko pa dito nag iba naman ang aura nito. Biglang nagsilapitan ang dalawang tuta niya walang iba kundi sila Roselyn, hinayaan ko lang na hawakan nila ang magkabilang braso ko. "Ang yabang mo naman? Bakit sa tingin mo may liligtas sa inyo dito kawawa ka naman," Sabi naman sa'kin ni Roselyn sinamaan ko lang ito ng tingin na nginisian niya naman. "Ikaw maganda ka nga pero 'di ka naman mahal ni Jiro. So... sino sa'tin ang mas kawawa." Biglang sabi ko sa kaniya at ng marinig niya 'yon nag iba ang templa ng mukha niya. "buang ka talaga Kim, kita mo na nga sitwasyon natin ginagalit mo pa, baka tuluyan na tayo patayin niyan." Bulong bigla sa'kin ni Abigail. "Shut up! Daming satsat gawin niyo niya ang inuutos ko!" Sigaw ni Alyssa na 'di pinansin ang pang iinis ko pumunta sa malapit sa bintana at prenteng umupo siya at parang nanunuod ng palabas. Ng bigla akong sikmuraan na naman ng lalaki na biglang sumulpot sa harapan ko kaya ang nagawa ko napaluhod kahit hawak ako ng dalawa namimilipit ako sa sakit. Ang mga kaibigan ko umiiyak na sa nakikita nila dahil alam kung ako ang target lang niya, pero nagkamali ako dahil lumapit sila Sanchi kasama si Cristylyn kila Jharlyn at pinagsasampal ng kabilat kanan. "Argh!" Ungol ni Jharlyn sa sakit napaluhod sila ng sabay. "Hayop ka Sanchi!" Sigaw ni Jera habang hawak ang kaniyang pisngi. "Walang kang puso!" Sigaw din nila Sheina. "Pakawalan mo kami mga pota kayo!" Galit na sabi naman ni Abigail. Hindi ako nakatiis ng tumayo ako at naglakas puwersa para makawala sa dalawa ng magawa ko ito ay tinulak ko sila ng sabay na ikinagulat nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD