Kimberly Point of view Dahil sa lakas ng tulak ko sa dalawa ay napunta sila sa may bakanteng upuan malapit kay Alyssa na napatayo din sa gulat ng tumama ang kanilang mga likod sa mismong upuan. "Hindi ako makakapayag na saktan niyo mga kaibigan ko magkamatayan na walang sinoman ang gagalaw sa kanila lalong-lalo na kayo." Sa sobrang galit ng nararamdaman ko 'di na napigilan na sugurin sila Sanchi at Pagsuntukin sa mga mukha kaya natakot sa'kin sila Cristylyn at ang isa nilang kaibigan. "Omy gosh!" Tili ni Sanchi ng maka get over na nasuntok ko siya. Lumapit sila Abigail sa'kin. "Ayos lang ba kayo?" Pag alala ko tanong sa kanila at sinuri sila ng maayos pero makikita sa kanila na namumula mga pisngi nito. "Pa-paano mo nagawang suntukin sila!" Taka bigla ni Bliss ngumiti na lang ako.

